Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PAGSUSURI

SA PANUNURING
PAMPANITIKAN
“Kabataa’t Katandaan” katha ni
Amado Vera Hernandez
ANO ANG PAMAGAT NG AKDA?
“KABATAA’T KATANDAAN”

Ang akda na ito ay tula na nailimbag sa librong Tudla at


Tudling: Katipunan ng mga Nalathalang Tula (1921-1970) nila
Amado V. Hernandez at ang patnugot na si Rosario Torres-Yu.
SINO ANG MAY-AKDA NITO?
• Manunulat ng mga mangagawa

• Pinanganak Setyembre 13, 1903 sa


Hagonoy, Bulacan

• Lider ng kilusan
• Siya ang nag tatag ang Unyon ng mga
manunulat.
B U O D
UNANG SAKNONG:
Isang munting bata ang nag-uumiyak
Dahilan sa kanyang manikang nabagsak,
ang panghihinayang at ang pagkahabag
ay siyang sa kanya’y nagbibigay saklap,
nabali ang kamay, ang ulo’y nabiyak,
saka ang katawa’y kung saan lumagapak
–Oh, kawawa naman itong aking anak–
ang kanyang nasabing luha’y nalalaglag.
PANGALAWANG SAKNONG:
Isang bata pa rin ang nagpapanangis
dahilan sa ilang nawalang matamis,
binababag pati ang kanyang kapatid
na hinihinalang kumuha’t nang-umit,
sa kanyang taguan doon iniligpit,
yaon baga kaya’y tinatangay ng lintik?...
panghihinayang din saka pananabik
ang ngayon ay kanyang buong dinidibdib.
PANGATLONG SAKNONG:
Ang lahat ng tao’y galing at nagdaan
Sa araw ng ating mga kamusmusan,
noong tayo’y bata ay iniiyakan
ang konting kakanin at ilang laruan;
nguni’t kung tumanda’y may lalo pang mahal
na ipagdurusa nang kamatay-matay
ito ang pag-ibig na napagtaksilan,
nasawing pag-asa, nawasak na dangal!
URING PANITIKAN: TULA

Ang uri ng panitikan sa tulang ito ay ginamitan ng Tulang liriko

tulang liriko ay ang indayog ng mga taludtod at ang pagsising-isang tunog ng mga
huling pantig bukod pa ang paggamit ng maririkit na paglalarawan.
ISTILO NG PAGLALAHAD

NAKABANTIG NG KALAHAT-LAHATAN O
PERSPEKTIBANG PAGLALAHAT
Third-person perspective

MALIKHAING PAGPAPAHAYAG

TEKNIKALIDAD
TEORYANG GINAMIT:
TEORYANG BAYOGRAPIKAL / BIYOGRAPIKAL

Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay


nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at
nakikita sa kanyang paligid.

– (Wikipedia Teoryang Pampanitikan)

TEORYANG HUMANISMO

Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon


ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

– (Wikipedia Teoryang Pampanitikan)


TEORYANG GINAMIT:

TEORYANG ARKETIPO

Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento


ng akda, binibigyan diin nito ang mga simbolismong ginagamit
upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda.

– (Wikipedia Teoryang Pampanitikan)

You might also like