Ang Tekstong Narativ-Stud

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Ang Tekstong Naratibo

Ano ang Tekstong Naratibo?


• Ang tekstong naratibo ay isang paraan ng paglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa nakalipas na nakapukaw sa
interes ng manunulat at inaasahang magiging
makabuluhan din sa mga mambabasa.
• Ito ay nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento at tula)
o di-piksiyon (biyograpiya, balita, malikhaing
sanaysay at iba pa). Kapwa ito gumagamit ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at
kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora
at simbolo upang maging malikhain ang katha.

04/18/24
Katangian ng Tekstong Naratibo
 Ang tekstong naratibo ay isang impormal na pagsasalaysay. Para ka
lang nagkuwento ng isang bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan.
 Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang
naglalarawan ng mga tauhan, eksena, at mga detalye ng mga
pangyayari .
Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng
tekstong naratibo at ng isang matibay na konklusyon.
May iba’t ibang Pananaw o Punto de
Vista (Point of view)
1. Unang panauhan – isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay na kanyang nararanasa, naaalala, o naririnig kaya
gumagamit ng panghalip na ako.
2. Ikalawang panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat
ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya
ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hinto
ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
04/18/24
3. Ikatlong Panauhan – ang mga pangyayari sa
pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya
sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga
obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.

04/18/24
3 uri ng Ikatlong Panauhan
• Maladiyos na panauhan – nababatid niya ang galaw ay iniisip
ng lahat ng tauhan.
• Limitadong panauhan – nababatid niya ang iniisip at ikinikilos
ng isang tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan – hinid niya napapasok o
nababatid ang nilalaman ng isipan at damdamin ng mga tauhan.

04/18/24
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin – dito ay hindi
lang iisa ang tagasalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o
paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.

04/18/24
Iba’t ibang Elemento ng Tekstong Naratibo

• Paksa- pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na


nakabatay sa personal na karanasan ang kuwentong nais
isalaysay, mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang
panlipunang implikasyon at mga kahalagahan nito.
• Estruktura- kailangang malinaw at lohikal ang
kabuuang estraktura ng kuwento. Madalas na
makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t
ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang unahan
ang kuwento, kung minsan naman ay mula sa gitna.

04/18/24
• Oryentasyon- nakapaloob dito ang kaligiran ng mga
tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan
nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na nailalatag ang
mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga
batayang tanong na sino, saan, at kalian.

04/18/24
•Pamamaraan ng narasyon- kailangan ng
detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang
senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang
setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa
kalagitnaan ng pagsasalaysay upang hindi lumihis
ang daloy.
Iba’t ibang paraan ng narasyon
na maaaring gamitin:

1. Diyalogo- gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan


upang isalaysay ang nangyayari.
2. Foreshadowing- nagbibigay ng mga pahiwatig o hints
hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa
kuwento.
3. Plot twist- tahasang pagbabago sa direksyon o
inaasahang kalalabasan ng isang kuwento.
04/18/24
4. Ellipsis- pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan
hinahayaan ang mambabasa na magpuno sa naratibong antala.
5. Comic book death- isang teknik kung saan pinapatay
ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw
upang magbigay-linaw sa kuwento.
6. Reverse chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay
patungong simula.

04/18/24
7. In medias res- nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan
ng kuwento. Kadalasang ipinakilala ang mga karakter, lunan,
at tension sa pamamagitan ng mga flashback.
8. Deus ex machina- isang plot device na ipinaliliwanag
ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan
nagbibigyang-resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng
awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay.

04/18/24
• Komplikasyon o tunggalian- karaniwang nakapaloob sa
tunggaliana ng pangunahing tauhan. Ito ang mahalagang
bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o
pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan.
Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng
kuwento.
• Resolusyon- ito ang kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian. Maaaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay
sa magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

You might also like