Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

DEBOSYON

Ang pelikulang Debosyon na


pinangungunahan ni Paulo Avelino at Mara
Lopez ay tungkol sa pagkakapareho ng mga
konsepto ng pananampalataya at pag-ibig. Ito
ay ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng
mga elemento mula sa ating kasaysayan tulad
lamang ng mga alamat at mga personalidad
mula dito, at mga klasikong konsepto tungkol
sa pag-ibig.
MGA TAUHAN
SA PELIKULANG DEBOSYON
M G A T A U H A N
 PAULO AVELINO bilang Mando na pangunahing tauhan sa pelikula. Isang Bikolanong
deboto ng Birhen ng Penafrancia. Sa pelikulang ito, ipinakita niya kung gaano katindi ang
kaugalian ng pagmamahal at pananampalataya. Binatang umibig kay Saling ng totoo kahit
nakita niya mismo ang sumpang dinadala ng dalaga, ngunit mas nangingibabaw parin ang
pagmamahal niya sa dalaga.

 MARA LOPEZ bilang Saling/ Oryol/ Dalagang Magayon, isang kakaibang babae na nakatira
sa gubat. Siya ang nakakita sa binate ng siya ay mahulog sa kahoy ng Orchid upang ito ay
ibinta at kanya itong ginamot. Akala ng iba, siya ay isang Diwata sapagkat inaalayan siya ng
mga tao ng pagkin. Siya ang nagdala sa pelikulang ito bilang babaeng iniibig ni Mando at
babaeng may lihim ring pagtingin sa binate. Sa kadahilanang siya ay isinumpa ay hindi niya
malisan ang kagubatan at hindi agad-agad makasama kay Mando paalis ng kagubatan.
M G A T A U H A N
 RAMONA RANESES bilang Albularyo

 ROGELIO LUMABE
 CELEDONIA LUMABE
 ROEL LUMABE
 RONEL LUMABE
- Sila ang pamilyang mga aeta na naninirahan sa kagubatan na silang nag-aalay ng pagkain kay
Saling sa labas ng kaniyang bahay dahil sa kanilang paniniwala na isa siyang Diwata dahil
daw sa kanyang pamumuhay na nag-iisa sa kagubatan.

 ROY DOMINGUIANO ang nangunguna sa mga rebeldeng nasa kagubatan.


M G A T A U H A N
 KALON TARIMAN bilang ina ni Mando.
 FRANCIA AUSIA at ARLENE BERNARDO- ang mga babaeng nagtitinda ng
mga kandila sa simbahan.
 ANTONIA LLAGAS- isang babaeng deboto rin ng Birheng Penafrancia.
 BERNADETTE DELOS SANTOS isang babaeng nagtitinda ng mga bulaklak
 FRANK PENONES bilang magsasaka sa pelikula na ito.
 JOEREX RAYTON at ROBERT NAVARRO- ginampanan nila sa pelikulang
ito ay ang pagiging Pulis kung saan kasama sa nagbabantay nang idadaan ang
Birhen Penafrancia a mga tao.
 G. FLORA at MARK TIAS na gumampan bilang mga Padre.
BANGHAY NA
PANGYAYARI
SA PELIKULANG DEBOSYON
BUOD
Si Mando ay isang deboto ng Birhen ng Penafrancia nang makilala niya si
Saling, ang isang dalagang naninirahan sa paanan ng bulkan ng Mayon.
Magkakapalagayang-loob silang dalawa. Matutuklasan ni Mando na ang iniibig niya
palang babae ay si Oryol, ang bathalumang ahas ng epikong Ibalon. Labis na
matatakot si Mando isang gabi nang ipakita ni Saling ang kanyang tunay na anyo,
kaya’t lalayo siya. At labis ding malulumbay ang diyosa, malulugmok sa isang
milenyal na kalaliman. Magbabalik lamang si Mando kay Saling/Oriol matapos
siyang sumama sa prusisyon ng Birhen bilang isang voyador. At ipagtatapat niya
kay Saling/Oriol na nakita niya sa mga mata ng imahen ni Maria ang mga mata ng
kanyang ssinisinta.
S I M U LA
Dadayuhin ni Mando ang simbahan sa Naga at mag-aalay ng bulaklak at
dasal para protektahan ang tanim na palay. Habang hinihintay ang tag-ani, tutungo
siya sa gubat upang pumitas ng mga orkidya na ibebenta sa palengke. Sa kanyang
paghahanap, nakakita siya ng isang magandang uri ng orchids ngunit ito’y nasa
mataas na parte ng puno. Inakyat niya pa rin ito kahit na mataas at delikado, sa huli
ay nahulog si Mando at nawalan ng malay. Magigising siya sa kubo ni Saling at sa
kaniyang pananatili, siya ay mapapamahal sa dalaga. Iimbitahan ni Mando si Saling
sa bayan upang mabigo lamang ito dahil isinumpa si Saling na manatili sa
kagubatan.
G I T N A

Kaya’t isiniwalat ni Saling kay Mando na siya si Oryol ang bathalumang ahas at
ipinakita niya rito ang kanyang tunay na anyo na labis na ikinagulat ng binate. Tatakbo siya
palayo pero upang bumalik lamang din na bitbit ang isang mananalangin o albularyo sa
kubo ni Saling. Wala itong magagawa sa kondisyon ng dalaga kundi ang ipaalala kay
Mando na magpanata kay Ina ang Birhen ng Penafrancia. Sa araw mismo ng parade ng
Penafrancia, wlang pag-aalinlangan siyang hahangos pabalik ng kagubatan upang
makapiling ang minamahal.
G I T N A
Si Mando ay naghanapan ng lunas sa kalagayan ng minamahal. Bakit hindi na
lang talikuran si Saling gaya ng kuwento ng lalaking nagmahal sa babae? Bakit hindi na
lang manatiling magdusa ang babaeng hindi niya maangkin? Ito ay dahil sa pagmamahal.
Sa una’t una pa lamang, isinisiwalat sa pagkakasaksi ni Mando sa lihim ni Saling ang
posibilidad ng mga imposibilidad. Hindi sa hindi matatag ang kaniyang paniniwala kaya’t
madali itong nagambala kundi ang pagpapaigting pang lalo ng paniniwala sa katotohanan
ng mga himala.
W A K A
S
Dalawa na silang isinusumpa ngayon. Hindi man naisalba ng pag-ibig ni
Mando ang dalaga sa kanyang sumpa ngunit napatunayan naman ng binate ang
debosyon niya sa dalaga at ang hindi maipaghihiwalay na kaugnayan nito sa pag-
ibig, at mula sa mga laylayang gaya nito ipinapanukalang sisibol ang hustisyang
ipinagkait sa mga nilalang na naisantabi sa kanayunan at kagubatan.

Sa katapusan ng pelikula, tinanong ni Saling si Mando kung bakit binalikan


pa siya ng binata. Simple pero may lalim ang sagot ni Mando. Ito ay dahil nakita
niya ang mga mata ni Saling sa mata ng Ina ng Penafrancia. May nais sabihin ang
Debosyon at ay ay ang pag-ibig ni Saling ay tumatalab sa puso ng binata.
Ipinapahayag na hindi sumpa ang ibigin si Saling kundi isang biyaya. Iyon ang
matang maawain, maalam at matamis ng Mahal na Ina.
W A K A
S
Ipinakita ng pelikula ang ilang mga isyung ganap sa ating lipunan ngayon.
Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng mga rebeldeng nagtatago sa mga
kabundukan, at ang pagkakaroon ng dalawang magkasalungat na paniniwala.
Saan nagmumula ang kalungkutan at kapaguran ni Saling? Hindi sa kabiguan sa
pag-ibig na dinanas niya kundi sa kasaysayang nanamantala mismo sa mga
katulad niya. Kaya’t si Saling ay hindi na lamang din si Oryol. Naroon sa kanyang
pag-alaala at pagpapaalala ang bakas ng mga karahasang ginawa ng lipunan.
Isinasakatawan niya ang mga pinatahimik dahil nakagagambala. Sa paglalantad,
binubuksan niya ang espasyo ng laylayan para sa mga tunay na naniniwala.
PAKSA AT TEMA
SA PELIKULANG DEBOSYON
PAKSA AT TEMA

PAKSA TEMA

 Malakawak na paksa-  Malinaw na tema- Iba’t Ibang kaloob,


Pananampalataya at Pag-ibig Isang Debosyon, Tungo sa isang misyon.
PAKSA AT TEMA

Ang isa sa mga sitwasyon na inaakala kong magpapalitaaw ng tema ng kwento ay


nung nalaman ni Mando ang katauhan ni Saling sa lugar kung saan sila unang nagkita, nang
makita niya yun bigla siyang tumakbo at humingi ng tulong sa isang matanda at pinayuhan
siyang mag dasal, maghingi ng tulong kay Virgin Peñafrancia at maging bahagi ng deboto ng
berhen at nang makapunta si Mando sa berhen ay dumiretso ito kay Salome at pinasaring
ang damdamin nila sa isa’t isa.
MGA DIMENSYONG
PANGKULTURA
MGA DIMENSYONG
PANGKULTURA
WIKA
Diyalektong Bicolano ang ginamit na wika sa kabuuan ng pelikula. Ito ay wikang
ginagamit ng mga taong naninirahan sa Bicol, Albay at Naga kung saan naganap ang
kwento ng pelikula. Naisalin lamang ang mga ito sa wikang Filipino gamit ang “subtitle”
kaya ito na intindihan ng karamihan.
MGA DIMENSYONG
PANGKULTURA

PANINIWALA
Ang pangunahing tauhan na si Mando, ang matanda na tumingin kay Saling, at ang mga taong
nag tipon tipon sa prusisyon ay mga halimbawa ng mga taong naniniwala Birhen ng
Peñafrancia o mga deboto. Ang pagiging deboto ay isa sa mga sumisimbolo ng kultura ng mga
kristiyanong Pilipino.
MGA DIMENSYONG
PANGKULTURA
PANINIWALA
Ang mga katutubong Negro naman nakita sa pelikula kung saan ng alay ng pagkain
kay Saling ay mga halimbawa ng mga taong may paniniwala na kung saan si Saling ay isang
Diwata o Engkantada ng Kagubatan. Ito ay karaniwang ginagawa ng mga taong bundok upang
mabigyan sila ng proteksyon at gabay.

Ang mga rebelde naman na nakasalubong ni Mando nuong binalikan niya si Saling ay
may paniniwalang may aswang sa liblib ng bundok na kumukuha ng puso ng binata.
Kadalasang paniniwala ito ng mga matatanda at paminsay panakot sa mga anak na binatilyo
upang hindi na maggala sa liblib pag disoras na ng gabi.
MGA DIMENSYONG
PANGKULTURA

KASUOTAN
Ang mga kasuotan na makikita sa pelikula ay mga modernong kasuotan na karaniwang
makikita sa mga taga patag o bundok. Hindi man ang pinaka modernong kasuotan ngunit
hindi rin ito ang mga tipikal na kasuotan ng sinaunang mga pilipino
MGA DIMENSYONG
PANGKULTURA

MUSIKA
Ang ibang musikang ginamit ay mga Bicolano Folk songs tulad ng “Ano daw idtong sa
gogon?” at “Marasa pa baya”. Ito ay mga kantang naging parte ng kultura ng mga
bicolano.
Maraming
Salamat po!
MGA MIYEMBRO:
Cali, Nor-Anniah
Cuartero, Mariah Shamitah
Dagalia, Joneca
Decampong, Samsia T.
Diabo, Al-Mubarak
Dimakuta, Princess Alanisah Q.

You might also like