J uan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Don Crisostomo Ibarra
ay ang pangunahing tauhan sa kwento, ang nag-iisang anak ni Don Rafael Ibarra at binatang nakapag-aral ng medisina sa Europa. Siya ay likas na matalino at pinapahalagahan niya ang edukasyon na bunga ng pagtataguyod ng ama. KABANATA II : TAUHAN
Padre Sibyla
L ihim nitong pinasubaybayan si Ibarra. Katangian ng isang
pari ang pagiging mapanuri sa isang tao lalo na kung mayroong liberal na pananaw. Pinag-aaralan niya ang pagkatao ni Ibarra at gagamitin niya ang kaniyang mga natuklasan para sa sariling kapakanan. KABANATA II : TAUHAN
Padre Damaso
P aring Franciscano na may hidwaan sa pamilya Ibarra. Siya
ay nagpakita agad ng galit o disgusto kay Ibarra nang makita niya ito sa bahay ni Kapitan Tiago. KABANATA II : TAUHAN
Tenyente Guevarra
S iya ay isa sa mga masayang lumapit o sumalubong at
nagpakita ng suporta kay Ibarra sa kaniyang pagdating. Siya rin ay inaasahang isa sa mga kaalyado ni Ibarra. KABANATA II : TAUHAN
Kapitan Tiago
A ma-amahan ni Ibarra at kilalang tao sa lipunan. Matalik
siyang kaibigan ni Don Rafael Ibarra at nakipagsundo sa huli na ipakasal ang kanilang mga anak sa takdang panahon. Siya ang nagpakilala kay Crisostomo Ibarra sa mga panauhin. KABANATA II : TAUHAN
Kapitan Tinong
I sang malapit na kaibigan ni Kapitan Tiago at ng ama ni
Ibarra, Ang layunin ng pag-anyaya niya kay Ibarra ay upang magtamo ng karangalan kung dadalaw sa ito kaniyang tahanan. KABANATA II : TALASALITAAN Ginhawa: Kaluwagan mula sa isang alalahanin o problema Hidwaan: Hindi pagkakasundo Magara – maluho Makisalo – makilahok Nabaling – napaling Nagmamasid – nagmamatyag Nagsipagbansag – nagpakilala Nagulumihanan – naguluhan Nakaluksa – nakaitim Napatigagal -natigilan Napawi – nawala Natigilan – natahimik Pumaparam – pumapawi Yumao: Patay na o namatay na KABANATA II : GABAY NA TANONG • Ano ang buong pangalan ni Don Crisostomo Ibarra?
• Saan nakapag-aral ng medisina ang binatang si
Ibarra at ilang taon siya nag-aral dito?
• Sinong pari o padre ang galit kay Ibarra at may
hidwaan sa pamilya nito?
• Sino ang nagpakilala kay Crisostomo Ibarra sa mga
panauhin sa bayan ng San Diego?
• Magbigay ng tatlong(3) tauhan sa KABANATA II.
KABANATA II : ISYUNG PANLIPUNAN
Sa kabanatang ito, mayroong ipinakitang
isyung panlipunan. Isa na rito ang pagkakaiba o hindi pantay-pantay na antas ng tao sa lipunan. Gaya ng pagiging mayaman ni Ibarra at isa siyang edukadong binata sa Europa, samantalang ang kaniyang yumaong ama ay nakulong at pinagbintangang kalaban ng estado. KABANATA II : ISYUNG PANLIPUNAN
Kaugnay nito ang kawalan ng hustisya o
kawalan ng patas na pagtrato sa bawat isa. Dahil ang ama ni Crisostomo Ibarra ay nabiktima lamang ng pagbibintang noon na siya ang kumupkop sa isang sinasabing masamang tao kaya siya ay nakulong. KABANATA II : MAHAHALAGANG PANGYAYA
Isang mahalagang pangyayari ang pagbalik ni
Crisostomo Ibarra sa San Diego, ang kaniyang bayan. Dito siya unang pinakilala sa mga tauhan sa Akda, dito rin ay makikita ang mga isyung kinakaharap ng lipunan sa simula pa lang. Mahalaga rin ang pagpapakita niya ng kaugaliang natutuhan niya sa Alemanya na siya namang nagpapakita ng paggalang at pagtanggap sa kapwa. KABANATA II : ARAL Maraming makukuhang aral sa kabanatang ito; Makikita rito ang pagmamahal at pagiging tapat ni Crisostomo Ibarra sa kaniyang Inang Bayan bilang isang Pilipino sa kabila ng pitong taon niyang paninirahan sa Europa.
Isa rin sa aral na mapupulot dito ay hindi hadlang ang
hindi pantay na antas sa buhay at kawalan ng hustisya sa pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa iyong kapwa. SALAMAT SA PAKIKINIG !