Nolimetangerekabanata3 200605053530

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

NOLI ME TANGERE

KABANATA 3
– ANG HAPUNAN
TALASALITAAN

• Kabisera – panguluhan • Naibulalas – nasambit


• Kabisote – magpasaulo • Nasasalamin – nakikita
ng nagbabasa • Pabalat-bunga –
• Kapalaluan – kayabangan nabanggit
• Maluwalhati – maligaya • Pautal-utal – paputol-
putol
• Tumungga – uminom
• Sa hapag-kainan, ang mga panauhin ay may
kanya-kanyang kilos at nadarama na kung
panonorin ay parang isang komedya.
• Si Padre Sibyla na nasisiyahan ay
kabaligtaran naman ni Padre Damaso na
walang pakundangan kung makapagdabog at
natamaan pa ang isang kadete.
• Ito naman ay hindi pinansin ng Tinyente, sa
halip ay masusi nitong pinagmasdan ang
kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi
niya namalayan na natapakan na niya ang
kola ng saya ng Donya na ikinainis naman
nito.
• Samantala, ang ibang mga bisita naman ay
may kanya- kanyang usapan at papuri sa
masarap na handa ng Kapitan.
• Dahil sa ang hapunan ay para sa
pagsalubong sa binatang si Ibarra, karapat-
dapat naman na siya ay maupo sa kabisera.
Ang dalawang pari naman ay nagtalo kung
sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng
kabisera.
• Ani Padre Damaso, si Padre Sibyla ang
dapat maupo sa dulo ng kabisera dahil siya
ang kura sa lugar na iyon. Bagay naman na
sinalungat ni Padre Sybila dahil ayon sa
kanya, si Padre Damaso ang padre kumpesor
ng pamilya ni Kapitan Tiyago.
• Sa kalaunan, inalok ni Padre Sybila ang
upuan sa Tinyente na agad naman nitong
tinanggihan. Tumanggi rin si Kapitan Tiyago
ng siya namang anyayahan ni Ibarra.
• Nang ihain ang pagkain ay di sinasadyang
mapunta ang hindi masasarap na bahagi ng
manok kay Padre Damaso. Lalo itong nag-
alburoto dahil mga leeg at pakpak ang laman
ng kanyang tinola. Lingid sa kaalaman ng
pari, ang espesyal na tinola ay para lamang
kay Ibarra.
• Sa kainan ay nagbahagi ng kanyang buhay ang
binata tulad ng pag-aaral nito sa Europa ng pitong
taon, ang pagpunta niya sa iba’t ibang bansa at
pag-aaral niya ng kasaysayan, ang pagsasalita ng
iba’t ibang wika, ang di nito paglimot sa kanyang
bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang
bansa, maging ang hindi pagkaka-alam sa tunay
na dahilan na nangyari sa kanyang ama.
• Dahil dito, nakumpirma ang hinala ng
Tinyente na wala ngang alam ang binata sa
nangyari sa ama nito.
• Naikwento rin ni Ibarra na sa kanyang mga
bansang napuntahan, iisang antas lamang
ang kabuhayan, pulitika at relihiyong
tinatamasa doon. Ito ay sa kadahilanang
pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan
at kakayanang pamahalaan ang kanilang
sariling bansa.
• Agad namang binatikos at ininsulto ni Padre
Damaso ang binata na ayon sa kanya ay
kahit paslit ay kaya itong matutunan.
Dagdag pa ng pari, ang pagpunta diumano ni
Ibarra sa Europa ay maliwanag na pag-
aksaya ng salapi.
• Magalang na tinanggap ni Ibarra ang sinabi
ng pari. Binanggit na lamang ng binata ang
mga ala-ala niya tungkol kay Padre Damaso
na ayon sa kanya ay karaniwan nang kasalo
sa kanilang hapag-kainan at malapit din na
kaibigan ng kanyang ama.
• Hindi na nakakibo ang pari dahil sa mga
naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni
Ibarra.
• Samantala, matapos ang pagtitipon ay
maagang nagpaalam si Ibarra kaya’t hindi
sila nagkita ni Maria Clara, anak na dalaga
ni Kapitan Tiyago. Nagpatuloy pa rin sa pag-
alipusta si Padre Damaso kay Ibarra.
• Ang obserbasyon ng binata noong gabing
iyon ay kanya namang isinulat sa pahayagan
ng Estudios Coloniales.
SAGUTIN!

1. Sino ang natamaan sa pagdabog ni Padre Damaso?


2. Sino ang nakaapak sa saya ni Donya Victorina?
3. Para kanino ang tinola?
4. Anong parte ng manok ang napunta kay Padre
Damaso?
5. Sino ang nang-insult kay Ibarra sa hapunan?

You might also like