Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

NOLI ME TANGERE KABANATA 2

– SI CRISOSTOMO IBARRA
TALASALITAAN

• Mababakas – kahahalataan • Nagulumihanan – naguluhan


• Magara – maluho • Nakaluksa – nakaitim
• Makisalo – makilahok • Napatigagal -natigilan
• Nabaling – napaling • Napawi – nawala
• Nagmamasid – nagmamatyag • Natigilan – natahimik
• Nagsipagbansag – • Pumaparam – pumapawi
nagpakilala
• Sa pagdating ni Kapitan Tiyago kasabay ng
isang binata na halatang nagluluksa ayon sa
kasuotan nito, agad niyang binati ang mga
panauhin at humalik naman sa kamay ng
mga pari.
• Nabigla ang mga pari lalo na si Padre
Damaso ng makilala nito na ang binata.
Ipinakilala ng Kapitan ang binata bilang
anak ng kanyang nasirang kaibigan na si
Don Rafael Ibarra. Pitong taon diumanong
nag-aral ang kagalang-galang na binata sa
Europa na kadarating lamang.
• Kusa namang nagpakilala si Ibarra bilang
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay
ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang
natutunan niya sa bansang Alemanya.
• Ngunit tumangging makipag-kamay si Padre
Damaso at sa halip ay tinalikuran nito si
Ibarra. Samantala, lumapit naman ang
Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat sa ligtas
niyang pagdating. Pinuri rin niya ang
kabaitan ng ama ni Ibarra na siya namang
nagpanatag sa kalooban ng binata.
• Palihim na tiningnan ni Padre Damaso ang
Tinyente na tila ba nagbabanta kaya naman
tinapos na ng Tinyente ang pakikipag-usap
nito kay Ibarra.
• Nang malapit ng maghapunan ay
inanyayahan naman ni Kapitan Tinong si
Ibarra sa pananghalian kinabukasan ngunit
magalang na tumanggi ang binata dahil
papunta daw ito sa San Diego sa araw na
iyon. Si Kapitan Tinong ay malapit na
kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din
ng ama ni Ibarra.
SAGUTIN!

1. Ilang taon nag-aral sa Europa si Ibarra?


2. Saang bansa natutunan ni Ibarra ang maayos na
pagpapakilala ng sarili?
3. Ano ang buong pangalan ni Ibarra?
4. Sino ang ama ni Crisostomo?
5. Sino ang tumangging makipagkamay kay Ibarra?

You might also like