Kabanata9 Noli

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

KABANATA 9

Mga Bagay-Bagay ng Bayan


Nang araw na iyon ay nakatakdang kuhain ni
Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento.
Ang kanyang Tiya Isabel ay naghihitay na sa
karawahe upang tuluyan na silang makaalis. Siya
namang pagdating ni Padre Damaso. Hindi
minabuti ng pari ang kanilang pag-alis kaya
bubulong-bulong itong umakyat papunta sa bahay
ng Kapitan.
Agad naman siyang sinalubong ng Kapitan at
akmang magmamano sa kamay nito ngunit
tinanggihan ito ng pari. Sa halip ay sinabi na agad
nito ang kanyang pakay sa Kapitan.
Ani Padre Damaso, hindi raw dapat maglihim sa
kanya si Kapitan Tiyago dahil siya ang pangalawang
ama ni Maria Clara. Sinabi din niyang dapat nang
itigil ng dalaga ang pakikipagmabutihan nito kay
Ibarra.
Dagdag pa ng pari, hindi dapat maghangad ng
kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Ang
Kapitan naman ay nakumbinsi sa mga sinabi ni
Padre Damaso kung kaya pag-alis nito ay agad na
pinatay ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara
para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng
San Diego.
Samantala, si Padre Sibyla ay nagtungo sa
kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II.
Dito ay dinalaw niya ang paring may matinding
sakit. Kanyang ibinalita ang mga nakaraang
kaganapan kagaya ng pang-aaway na ginawa ni
Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago, ang
pagpanig diumano ng Tinyente sa Kapitan
Heneral, at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.
Ang matandang paring may sakit ay
nakipagpalitan din ng saloobin at sinabing ang
pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang
kanilang mga kayamanan. Aniya, matuto na ang
mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.

-- TEAM 9 --
ROSALDO, RICHARD
SAMBILE, FRANCIS
CANDELARIA, REYMOND CARL
GAWAIN:
1. Saan kukunin ni Maria Clara ang kanyang mga kagamitan?
2. Sino ang bubulong-bulong sa pag-alis ni Maria Clara?
3. Sino ang pumatay sa kandilang itinulos ni Maria Clara?
4. Sino ang nagtungo sa kumbento ng Dominikano at ano ang ginawa niya?
5. Anong pangyayari sa akda o sa kabanatang ito ang masasalamin pa rin
hanggang sa kasalukuyan?

You might also like