Noli Me Tangere Kabanata 25 26

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Kabanata 25:

Sa Bahay ng Pilosopo
Mga Layunin
Makakapagbalik-aral sa pamamagitan ng laro;
Mabubuod ang kabanata 25 at 26;
Masusuri ang feminismo, sosyolohikal at
moralistiko o aral; at
Mabibigay ang mga kanser ng lipunan
Mekaniks ng laro:
• Hahatiin ang buong klase sa dalawang grupo,
panatilihing tahimik ang klase;
• Maghanda ng dalawang whiteboard marker;
• Sa oras na sinabi ng tagapag-ulat ang tanong at
ang salitang “Go!” paunahan sa pagtakbo;
• Ang grupong maraming nasagot ng tama ay
magkakamit ng premyo.
BALIK - ARAL
Magbigay ng dalawang babaeng
kasama ni Maria Clara patungo sa
piknik.
Sino ang matandang babae na
sumuway sa grupo nila Maria Clara
upang tumahimik?
Kaninong grupo ang dumating kung
kaya’t tumahimik ang mga
kababaihan?

(pangalan)
Sino ang semenaristang kasama nila
Maria Clara sa piknik?
Ano ang nakalagay sa loob ng unang
bangka?
Sino ang hinahanap ng sarhento at
mga sibil kayla Ibarra?
Saan nagtago si Padre Salvi?
Anong libro ang pinunit ni Padre
Salvi?
Kung magdedesisyon ka
sa isang malaking bagay,
kanino ka hihingi ng
tulong? Bakit?
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo
“Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo
tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala
sa pagsusulat ng heroglipiko. Napansin naman siya ng matanda kinalaunan at
siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay
walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang
tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sakanya, hindi maiintindihan
ng mga tao ang kanyang sinusulat dahil para iyon sa mga matatalino at makaka-
unawa lamang, at hindi para sa mga taong sisiraan lamang siya. Nang marinig ito
ng binate sumagip sa isip niya na nasisiraan ng bait ang pilosopo.

Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na


palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang
payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si
Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak
sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng
masasamang payo ang mga makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni
Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan ng
mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang
sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga iyon.”
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo
“Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra
sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin
ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na
gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-
ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa bayan
sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng
nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo
Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa
sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi
niya dito na kung nais niyang matupad ang kanyang
mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa
mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang
mangyari sa kanyang mga balakin.”
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo
“Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo
Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang
liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga
ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na
siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa
kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang
kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa isang rosas, kung hindi ito
susunod sa direksyon ng hangin, marahil ang tangkay nito ay
mapuputol; at kupang na kailangan ng tungkod upang maging
matibay. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang
punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng
Europa- kailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Aniya,
hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at
pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam iyon kaysa
salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi
makabangon. “
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo
“Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi
lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga
balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw
ng simbahan sa pagpapayaman at kung may
maiiwan ba siyang legacy o legasia sa kanyang mga
binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng
inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na
hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na
pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga
nasimulan.

Nagpaalam na si Ibarra pagkapahayag nito kay


Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.”
Sosyolohikal na Pagsusuri
Maling sistema “Naglaro sa isipan ni Ibarra na
paano kung hindi lubos ang

ng pamahalaan pagtulong ng simbahan sa


kanyang mga balakin dahil na
rin sa ang karunungan ay
kaagaw ng simbahan sa
pagpapayaman..“

Kahinaan ng “Nang marinig ito ng


binata sumagip sa isip niya
mga pilipino na nasisiraan ng bait ang
pilosopo.”
Moralistikong Pagsusuri o aral
• Panindigan mo ang iyong desisyon kung alam
mong ikaw ay nasa tama;

• Sa paggawa ng desisyon, dapat ay humingi ng


tulong sa eksperto o alam mong nasa tama ang
pananaw.
Kabanata 26:
Ang Bisperas ng Pista
Kapag bibigyan ka ng
pagkakataon dumalo sa isang
pistahan, saan mo gusto
makisali: sa mga may
kapangyarihan (o mayaman)
o sa mga mahirap? Bakit?
Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista
“Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa
bisperas pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan
ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at
iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minana at antigong kagamitan.
Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay punong-puno ng
mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin, panghimagas at mga
inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang
mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang
maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis
at makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat.
Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng kampana
at tugtugan ng mga banda ng musiko.”
Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista
“Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar
ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang
harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa
prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa
pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May
partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa
Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang
intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang
nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at
mahihirap ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam
na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang
bukirin.”
Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista
“Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na
pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa
pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos
dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga
mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang
itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay
ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng
puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-
disiplina sa mga batang mag-aaral.

Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din


naman ang palihim niyang naging kaaway.”
Feminismong Pagsusuri
Kahinaan ng “Ang bahay-paaralan na
kanilang itinatayo ay
mga kababaihan katumbas ng mga paaralan
sa Europa, hiwalay ang
mga babae sa lalaki..”
Sosyolohikal na Pagsusuri
Maling sistema “Ang hapag-kainan naman ng
mga mayayaman ay punong-

ng pamahalaan puno ng mga iba't-ibang


masasarap na putahe, kakanin,
panghimagas at mga inangkat at
mamahaling mga alak mula pa
sa Europa.

Ang mga magsasaka at


mahihirap ay iginayak ang
kanilang mga pinaka-mainam na
ani upang ihandog sa mga may-
ari ng kanilang bukirin.”
Moralistikong Pasgusuri o aral
Isipin lagi ang kapakanan ng marami at
tumulong sa ibang tao.
Kanser ng Lipunan
• Kahinaan ng kababaihan - Dapat matutong
mangatwiran ang mga kababaihan kung alam
ng minamaliit ang kanilang kakayahan;
• Maling sistema ng edukasyon - dapat
magpakumbaba ang may mga kapangyarihan sa
mahihirap para hindi minamaliit ang mga ito; at
• Maling sistema ng pamahalaan - dapat pantay
ang sistema sa edukasyon.
Mga Layunin
Makakapagbalik-aral sa pamamagitan ng laro;
Mabubuod ang kabanata 25 at 26;
Masusuri ang feminismo, sosyolohikal at
moralistikong pagsusuri; at
Mabibigay ang mga kanser ng lipunan
Check-up Quiz #4
1. Tama o mali: Si Pilosopo Tiago ang pinuntahan ni Ibarra.
2. Tama o mali: Nasabi ni Ibarra na ang talino ng pilosopo para
maisip magsulat sa pamamagitan ng heroglipiko.
3. Sa anong estilo (style) o paraan nagsusulat ang pilosopo?
4. Ayon sa pilosopo, kanino dapat humingi ng payo si Ibarra?
5. Tuwing anong petsa ipinagdiriwang ang pista ng San Diego?
6. Sino-sino ang mayayaman na dadalo sa bisperas ng pista?
7. Sino ang nakalaan upang magmisa sa umaga?
8. Sino ang namamahala sa bahay-paaralan na ipinapatayo ni
Ibarra?
9. Ang pinapagawang bahay-paaralan ni Ibarra ay tulad ng sa
bansang ________.
10. Tama o mali: Magkakasamang mag-aaral ang mga kalalakihan
at kababaihan.
Mga sagot:
1. Mali
2. Mali
3. Heroglipiko
4. Kura, kapitan at sa mayayaman
5. Ika-10 ng Nobyembre
6. Kapitan Tiago, Kapitan Joaquin at Carlos
7. Padre Damaso
8. Nol Juan
9. Alamenya
10. Mali

You might also like