Q1 SP Week 5

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Week 5

Day 2
Isagawa Natin:

Gawain 1
Ano ang gagawin mo sa
sitwasyong inilahad sa ibaba para
maipakita ang pagiging matapat.
Ilahad ang iyong magiging damdamin.
1. Bumili ka ng pagkain sa kantina nang
mapansin mong sobra ang sukli na ibinigay sa
iyo ng tindera.
2. May dumating na delivery ng materyales sa
iyong pinapasukang pabrika. Agad mong
tiningnan ang inventory sheet ng mga inorder
ninyong materyales at natuklasan mong may
mga sumobrang materyales na iyo namang
kakailangan sa paggawa ng isang proyekto sa
paaralan.
3. Si Romy isang working student,
pumasok siya sa paaralan na hindi
nakapag -aral ng leksyon at antok na
antok pa dahil kinailangan niyang mag -
overtime sa kanyang pinapasukan.
Biglang nagbigay ng pagsusulit ang
kanyang guro
Pangkatang Gawain:
• Magbahagi ng karanasan na nagpapakita ng
pagiging matapat.

• Pumili ng isang karanasan gamit ang graphic


organize at iulat ito sa klase.
Day 3:
Isapuso Natin

Kaya mo bang maging matapat sa lahat


ng pagkakataon?
Gumawa ng Self - Assessment
Organizer gamit ang makukulay na papel.
Punan ang bawat kahon ng mga sagot
batay sa iyong natutuhan at karanasan.
Mga Gabay:
• A. Isulat kung ano ang nalaman mo sa
araling ito.
• B. Isulat ang mga kaya mong gawin batay
sa nalaman mo.
• C. Isulat ang mga sinisimulan mo nang
gawin.
• D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin.
• E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan
mo sa araling ito.
Tandaan Natin:
Ang pagiging matapat ay ugaling dapat
ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong pag - uugali
saanman at kailanman ay makakamit ang tunay na kaligayahan
at magkakaroon ng isang maayos, payapa at maunlad na
pamumuhay. Iniiwasan niyang magsinungaling at pagtakpan
ang mga maling gawi na ginawa ng iba.
Sa pagiging matapat marami kang maaaring
matapakang ibang tao lalo’t higit iyong may mga baluktot at
maling sistema sa buhay. Hindi bale ng mapahiya at
mapagalitan ng mas nakakatanda huwag lang mabalewala ang
ugali ng pagiging isang matapat na indibidwal sa paaralan man
o sa paggawa at saan mang dako pa iyan.
Day 4
Isabuhay Natin

Magbigay ng dalawang karanasan na


nagpapatunay na ikaw ay matapat sa iong
mga gawain sa paaralan man o sa lahat
ng uri ng paggawa. Ipaliwanag kung paano
mo ito ginawa. Gamitin ang template sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa bond
paper.
Mga Ginawa Na
Karanasan Nagpakita Ng
Pagiging Matapat
1.

2.
Day 5
Subukin Natin
Iguhit ang simbolo ng
thumbs up kung ang
pangungusap ay naglalahad
ng wastong kaisipan at
thumbs down naman
kung hindi.
______1. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa
E.P.P. Agad mo itong sinabi sa iyong nanay pati ang
eksaktong halaga ng naturang halaga nito.
______2. Nalimutan ni Archie na gawin ang kanyang
takdang - aralin sa Math. Biglang nagwasto ng
kuwarderno si Bb. Tan, nang tawagin niya si Archie
ay sinabi niyang naiwan niya ang kanyang takdang -
aralin sa bahay.
______3. Si Ericka ay kumandidato bilang pangulo ng
Supreme Pupil Government sa kanilang paaralan. Sa
mismong araw ng botohan ay may nakita siyang
nakakalat na balota na siyang gagamitin sa botohan
agad - agad ay ibinalik niya ang mga ito sa gurong
taga - pangasiwa.
______4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng
mga labis na kagamitan mula sa opisina
na kanyang pinagtatrabahuhan at agad na
ibinebenta sa labas ang mga kagamitang
kanyang nakuha sa mas mababang
halaga.

______5. May malasakit sa mga gawain


sa pabrika si Ruby nakatingin man o hindi
ang kanyang amo sa oras ng trabaho.
Ngayon ay alam mo na kung paano maging
matapat sa iba’t – ibang mga gawain.
Pagyamanin mo ito at ipagpatuloyang
mabuting gawi. Isa kang huwarang mag –
aaral na dapat tularan.

You might also like