Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

GATEWAY DRUGS

MAPEH 5 HEALTH
KABATAAN KONTRA DROGA - BLACK STREET
KREW
Bihira sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na
gamot tulad ng heroin o cocaine, ang hindi nakatikim
ng gateway drugs. Unang hakbang sa paggamit ng mga
ipinagbabawal na gamot ang paggamit ng mga
gateway drugs tulad ng mga pagkaing may caffeine,
tobacco at alcohol. Para sa maraming tao, ang pag-
inom ng kape ay karaniwang inumin lamang ngunit
lingid sa kanilang kaalaman, nagiging daan ito sa
pagkagumon. Unang hakbang ang pag- inom ng kape,
ang pagkonsumo ng higit sa 100mg nito ay nagdudulot
sa pagkadepende ng isang tao sa pag- inom nito,ang
pag- inom ng mga inuming may alcohol tulad ng beer
at alak ay nagdudulot dn ng adiksyon, gayundin ang
paggamit ng sigarilyo ay nagiging daan sa paggamit ng
marijuana at iba pang ipinagbabawal na gamot.
Maraming tao ang inihahalintulad ang
paninigarilyo sa pag- inom ng kape. Madalas
ito ang nagiging sanhi o simula ng paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Ang taong natutong
manigarilyo, karamihan ay nauuwi sa paggamit
ng ilegal na droga, at karaniwang nagiging
sanhi ito ng pagkalulong. Sa pinakabagong pag-
aaral, ang paggamit ng E- cigarette ay hindi
nakatutulong upang maiwasan ang
paninigarilyo kundi mas nagiging
pangkaraniwang gawain pa ito lalo na sa mata
ng mga kabataan. Nagpapakita lamang ito na
kapag naninigarilyo ang isang kabataan,
nauuwi ito sa paggamit ng ibang ipinagbabawal
na gamot.
Ang beer, alak at iba pang inuming may alcohol ay
isa sa malawakang inuming kinukunsumo sa
maraming bansa sa mundo. Katulad ng tabako, ang
alcohol ay is a sa mga legal na gateway drugs na
pinagsisimulan upang ang isang tao ay malulong sa
ipinagbabawal na gamot. Sa simula, ang pag-inom
ng alak ay ginagawa sa tuwing may mga okasyon
lamang ngunit sa pagtagal, ang pag- inom ng alak ay
nagiging karaniwang gawain at libangan. Kahit ang
isang tao ay hindi maitutring na alcoholic, malaki
ang posibilidad na matuto rin siyang gumamit at
malulong sa ipinagbabawal na gamot. Nangyayari
ito, tuwing siya ay lasing o nagiging gawi dahil
nakararanas siya ng kasiyahan sa paggamit nito.
Ang paggamit ng gateway drugs ng isang miyembro
ng pamilya ay hindi nangangahulugan na siya ay
magiging drug addict pagdating ng araw.
Kinakailangan lamang na magkaroon ng
kasiguruhan na alam ng inyong kapamilya ang
panganib na dulot nito at mag- alok ng tulong kung
sakaling may problema o dinaramdam ang isang
kapamilya. Kadalasan,ang pagiging problemado ang
nagiging dahilan ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot. Maiiwasan ito kung palaging mayroong
miyembro ng pamilya na palaging handang
tumulong at makinig
DAHILAN NG PAGKAHIKAYAT NG MGA TAO SA
GATEWAY DRUGS
Pangkat 1 Dahilan
Caffeine

Pangkat 2 Dahilan
Tobacco

Pangkat 3 Dahilan
Alcohol
PANGKATANG GAWAIN

PANGKAT 1: (Filipino)
Panuto: Gumawa ng DULA-DULAAN hinggil sa
pagkagumon sa mga pagkain at inumin na may
caffeine at alcohol, gayundin sa tobacco.
PANGKATANG GAWAIN

PANGKAT 2: (Music)
Panuto: Gumawa ng JINGLE hinggil sa
pagkagumon sa mga pagkain at inumin na may
caffeine at alcohol, gayundin sa tobacco.
PANGKATANG GAWAIN

PANGKAT 3: (Art)
• Panuto: Gumawa ng POSTER hinggil sa
pagkagumon sa mga pagkain at inumin na may
caffeine at alcohol, gayundin sa tobacco.
10-MINUTE TIMER
HULING PAALALA!

DROGA AY IWASAN,
PARA SA MAGANDANG
KINABUKASAN!
-TEACHER ANNEIME

You might also like