Kaligiran NG Ibong Adarna - 035053filipino 7

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong

Adarna
Ibong Adarna
 ay nabibilang sa tulang romansa
na isang uri ng tulang pasalaysay
tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan na karaniwang mga
maharlikang tao ang
nagsisinaganap.
Edad Media o Middle Ages
 Nagsimulang lumaganap ang tulang
romansa, sa Europa.
 nakarating ito sa Pilipinas mula
Mexico noong ika-17 dantaon.
 noong ika-18 dantaon ito kinilala
sa ating bansa
 Ang tagpuan sa tulang romansa
ay karaniwan sa isang kaharian.
 Nagsisimula ito sa panalangin o
pag-aalay sa Mahal na Birhen o
sa isang santo o santa.
 Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang
panitikan.
 Hindi naitala kung sino ang nagsalin
nito sa wikang Filipino at
masasalamin dito ang pagiging
malikhain ng manunulat.
 Patula ang paraan ng pagsasalaysay
na dati nang ginagamit ng ating mga
ninuno sa panitikang saling-bibig
tulad ng bugtong, salawikain at iba pa
 Nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian ang Ibong Adarna
 Mayroon itong walong (8) pantig
sa bawat taludtod
 Isinulat upang basahin at hindi
upang awitin.
 Binibigkas na may tiyempong
mabilis o allegro dahil maiikli ang
mga taludtod.
 Ang mga tauhan dito ay may
kapangyarihan o kakayahang
gumawa ng mga kababalaghan o
supernatural.
 Inilalarawan ang mga kagila-gilalas
na pakikipaglaban ng mga
pangunahing tauhan alang-alang sa
pag-ibig.
 Nagtataglay ng aral sa buhay at
butil ng karunungan.
 Higit sa lahat, ang
pakikipagsapalaran ng mga tauhan
ay hindi maaaring mangyari sa
totoong buhay.
Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
1. Ibong Adarna
 Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno
ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor.
 Ang mahiwagang ibong tanging
makapagpapagaling kay Haring Fernando sa
pamamagitan ng magandang tinig nito.

2. Haring Fernando
 Siya ang hari ng Kahariang Berbanya na
nagkaroon ng malubhang karamdaman.
3. Reyna Valeriana
 Siya ang kabiyak ni Haring
Fernando at ina nina Don Juan, Don
Pedro at Don Diego.
4. Don Pedro
 Siya ang panganay na anak nina
Haring Fernando at Reyna Valeriana
na nakipagsapalarang hanapin ang
mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
5. Don Diego
 Siya ang ikalawang anak nina
Haring Fernando at Reyna
Valeriana.
 Siya ay tumungo rin sa
kabundukan upang hanapin ang
ibong makapagpapagaling sa
kanilang amang may malubhang
6. Don Juan
 Siya ang makisig na bunsong
anak nina Haring Fernando at
Reyna Valeriana.
 Siya ang prinsipeng nakahuli
sa Ibong Adarna sa Bundok
Tabor.
7. Donya Maria
 Siya ang anak ni Haring
Salermo na may taglay na
kapangyarihan.
 Siya ay isa sa mga babaeng
minahal ni Don Juan
8. Haring Salermo
 Siya ang hari ng Kahariang
Reyno de los Cristales na
nagbigay ng matinding
pagsubok kay Don Juan.
9. Donya Leonora
 Siya ang magandang
prinsesa ng Kaharian sa
Armenya na nagpakita ng
tunay na pag-ibig kay Don
Juan.
10. Donya Juana
 Isa siya sa mga prinsesa ng
Kaharian sa Armenya na
kapatid ni Donya Leonora.
11. Donya Isabel
 ang kapatid ni Donya Maria
Blanca.
12. Donya Juana
 kapatid ni Donya Maria
Blanca.
13. Ang Ermitanyo
 matandang naninirahan sa
Bundok Tabor
 isa sa mga tumulong kay Don
14. Ermitanyong Uugod-ugod
 ang tumulong kay Don Juan
upang mapanumbalik ang dati
nitong lakas matapos siyang
pagtaksilan nina Don Pedro at
Don Diego.
15. Arsobispo
 ang humatol na dapat ikasal sina
16. Lobo
 ang alaga ni Donya Leonora na siyang
gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng
Armenya.
17. Ang Higante
 ang may bihag at nagbabantay kay Donya
Juana.
18. Ang Serpyente
 malaking ahas na may pitong ulo na
siyang nagbabantay kay Donya Leonora.

You might also like