Week8 Homeroom Guidance

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Week 8

HOMEROOM
GUIDANCE
Module 10: My Skills and Career Options
Panuorin natin:
Mga tanong:
1. Anong larangan ang pinasok ni Ernie
Gawilan?
2. Ano ang hadlang sa pag-abot niya sa
kanyang pangarap?
3. Ano ang kanyang naging sikreto upang
malagpasan ang hamon ng buhay lalo na
ang kanyang kapansanan?
4. Ikaw? Kaya mo rin bang abutin ang iyong
pangarap sa hinaharap?
Reflective Thinking:
Sa unang hanay, isulat ang iyong napiling
propesyon. Sa ikalawang hanay, ilista ang mga
kakayahan na mayroon ka na kailangan sa
iyong napiling propesyon. Panghuli, tanungin
ang iyong mga kamag-aaral kung anong mga
karagdagang kasanayan ang kakailanganin mo
para makamit ang iyong napiling propesyon.
Isulat ang kanilang mga sagot sa ikatlong
hanay.
Ang Napili Kong Ang Aking Mga Iba Pang
Propesyon Kakayahan Kailangan kong
Kakayahan
Mga hakbang sa Pagpili ng Propesyon:
1. Alamin kung ano ang mayroon ka at kung
ano ang kailangan mo. Tiyaking alam mo ang
iyong sariling interes, kasanayan, halaga at
karanasan. Alamin din ang mga tao at
kagamitan na magagamit para sa iyong
propesyon. Alamin din kung sino ang maaaring
sumuporta sa iyo at kung ano ang
kakailanganin mo.
Mga hakbang sa Pagpili ng Propesyon:
2. Humingi ng tulong sa iyong mga magulang at iba
pang nakatatanda. Magtipon ng impormasyon
tungkol sa mga propesyong iyong pinagpipilian.
Tanungin ang iyong mga magulang, magbasa ng mga
libro, manood ng TV, o mag-browse sa internet
tungkol sa mga bagay na gusto mong malaman
tungkol sa uri ng trabaho at mga tungkulin ng mga
tao sa isang propesyon o bokasyon.
Mga hakbang sa Pagpili ng Propesyon:
3. Magpasya kung ano ang gusto mong maging sa
hinaharap. Paliitin ang iyong mga pagpipilian. Alamin
kung ano ang magiging mabuti at masamang panig
kung magpasya kang kunin ang bawat isa sa mga
opsyon.Talakayin ang iyong opsyon sa mga
pinagkakatiwalaang tao tulad ng pamilya, mga guro,
tagapayo, o iba pa. Maaaring makapagbigay sila ng
higit pang impormasyon na makakatulong sa iyo sa
puntong ito.
Isagawa:
Group Sharing:
1. Maghanap ng larawan ng iyong nais na
propesyon o gumuhit ng isa kung
magagawa mo.
2. Gumupit o gumuhit ng iyong mukha na
magsisilbing profile photo ng propesyong
iyong napili.
3. Ipakita ito sa iyong mga kamag-aaral at
magbigay ng ilang mga pangungusap
tungkol sa iyong pangarap sa hinaharap.
WRAP UP
Bakit mahalagang isipin at
paghandaan ang iyong
magiging propesyon sa
hinaharap?
Mahusay!

You might also like