Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ANG

SIBILISASYO
N NG INDIYA
HEOGRAPIYA
 Ang India o Indiya o opisyal na tinutukoy na Republika ng
India (Internasyonal o Inggles: Republic of India) ay isang
bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na
pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng
teritoryo.At ito rin ang bansang pangalawa sa pinakamaraming
populasyon sa buong mundo.Ang mga karatig-bansa ng India
ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal,
at Bangladesh.Ang mga pinakamahahalagang lungsod
ay Mumbai (dating Bombay),
Bagong Delhi, Kolkata (dating Calcutta),
at Chennai (dating Madras).
 Ito'y may lawak na 3,185,018.83 km/ 5124695.29747milya. Ito'y
napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng
Himalayas at sa Talampas ng Tibet. Ang coastline ng Indiya at
7517 milya. Tatlong mahahalagang ilog na nagmumula sa
Himalayas ang nagpapasigla sa yamang pang-agrikultura ng
India. Ang Ganges River, Brahmaputra at Indus.
Kasaysayan
Ang salitang INDIA ay nagmula sa salitang SINDHU na
dating pangalan ng Indus. Ang India ay isang tatsulok na tangway
sa Timog Asya, sa pagitan ng Arabian Sea at Bay of Bengal.
Bahagi ito ng malaking masa ng lupa na kung tawagin ay
subkontinenteng India, kung saan kabilang din ang Bangladesh at
Pakistan. Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang
kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga
lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na
ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang
pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na
lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong
1920. Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanya-kanya ang
mga tao at nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga
kaharian na ito na pinag-isa noong ika-3 siglo BCE bilang
Imperyong Maurya na itinatag ni Chandragupta Maurya at
umunlad sa pamamahala ni Dakilang Asoka. Ang mga naging hari
ng imperyo ay pinaunlad ang pag-aaral sa agham, matematika,
heograpiya, medisina, sining at panitikan.
MGA
MAMAMAYAN NG
INDIYA

You might also like