Filipino3 M12

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Pag-uugnay ng

Sanhi at Bunga ng
mga Pangyayari
Balikan
Basahin at unawain mo ang
talata. Pagkatapos ay sagutin
ang gabay na mga tanong
tungkol dito. Piliin mo ang letra
nang tamang sagot at isulat mo
ito sa iyong papel.
Nagising si Mario dahil sa malakas na ingay ng
sirena ng trak ng bombero. May sunog pala sa kalye
Masigasig kaya agad niyang ginising ang mga
magulang at kapatid.
Ibinalita ng kanilang kapitbahay na ang sanhi ng
sunog ay ang nakalimutang kandila sa ibabaw ng
mesa. Hindi ito pinatay ng may-ari ng bahay bago
natulog. Labis ang pasasalamat nila dahil naapula agad
ang apoy.
1. Bakit biglang ginising ni Mario ang kanyang mga
magulang at kapatid?
a. may sunog
b. naapula ang apoy
c. may nakalimutang kandila

2. Bakit nagising si Mario?


a. malakas na ulan
b. balita ng kapitbahay
c. dahil sa malakas na busina ng trak ng bombero
3. Ano ang dahilan ng sunog sa kalye Masigasig?
a. mga batang naglalaro ng posporo
b. nakalimutang kandila sa ibabaw ng mesa
c. Naiwang sinaing na nakasalang sa apoy

4. Bakit nalaman agad ni Mario ang dahilan ng sunog?


a. narinig sa radyo
b. nabasa sa diyaryo
c. ibinalita ng kapitbahay
5. Bakit nagpasalamat sila?
a. naapula agad ang sunog
b. nagising sila agad
c. ginising sila
Tuklasin
Ibigay ang kinalabasan o bunga ng
sumusunod na mga sanhi o
dahilan ng pangyayari na isinasaad ng bawat
pangungusap.
Piliin mo sa loob ng kahon ang letra nang
tamang sagot at isulat
ito sa iyong papel.
___1. Siya ay laging nagbabasa.
___2. Mabait na bata si Clara.
___3. Nais niyang maging sikat na mang-aawit.
___4. May karamdaman ang mag-aaral.
___5. Gumigising nang maaga si Lisa.

a. Siya ay kinagigiliwan ng kaniyang mga magulang.


b. Hindi siya nahuhuli sa klase.
c. Ipinagamot siya sa doktor.
d. Napayaman niya ang kaniyang bokabularyo.
e. Lagi siyang nagsasanay.
Suriin
Basahin at unawain mo ang
teksto. Sagutin mo ang kasunod
na mga tanong tungkol dito.
Isulat sa patlang ang iyong
sagot. Gawin mo ito sa iyong
papel.
Gumuho ang lupa dahil sa walang tigil na pag-
ulan. Maraming residente ang natakot kaya sila ay
lumikas sa Evacuation Center ng lungsod. Doon sila
sumilong dahil ligtas na lugar iyon.
Agad namang nagpadala ng tulong ang
Pamahalaang Lokal upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Taos-puso silang nagpapasalamat sa
Poong Maykapal dahil sa kanilang kaligtasan.
1. Ano ang kinalabasan ng walang tigil na pag-ulan?
2. Ano ang kinalabasan ng pagkatakot ng mga residente?
3. Bakit nagpadala ng tulong ang Pamahalaang Lokal?
4. Bakit sa Evacuation Center sila sumilong?
5. Bakit taos-puso silang nagpapasalamat sa Poong
Maykapal?
Pagtalakay sa Aralin
Ang sanhi ay ang salitang ginagamit sa
pagtukoy sa pinagmulan o dahilan ng mga
pangyayari, samantalang ang resulta o
kinalabasan ng mga pangyayari ay tinatawag
na bunga.
Mga hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga:
Sanhi Bunga
Dahil sa kaya
kasi bunga nito
sapagkat resulta nito
Pagyamanin
Pag-ugnayin mo ang sanhi
at bunga ng mga
pangyayari. Isulat sa
patlang ang letra nang
tamang sagot.
Sanhi Bunga
a. kaya ni minsan ay hindi sya
___1. Nag-insayo nang maigi si
nahuli sa pagpasok
Maya sa pagsasayaw
b. kaya nanalo siya sa
___2. Nagkasakit si Raul
paligsahan
___3. Pinag-aralan ni Dina ang
c. kaya hindi siya nakakapasok
kanyang leksiyon
sa trabaho
___4. Nahulog si Ben sa hagdan
d. kaya mataas ang kaniyang
___5. Palaging maaga kung
mga marka
gumising si Ana
e. dahil bigla siyang nahilo
Isaisip
Punan mo nang angkop na salita ang bawat
patlang upangmabuo ang mahalagang kaalamang
natutuhan mo sa aralin.

Ang ___________ay ang salitang ginagamit sa


pagtukoy sa dahilan ng mga pangyayari,
samantalang ang resulta o kinalabasan ng mga
pangyayari ay tinatawag na _________.
Isagawa
Kopyahin sa papel ang sumusunod na
mga pangungusap. Salungguhitan ang
sanhi at ikahon ang bunga. Tingnan ang
halimbawa sa ibaba.

Halimbawa
Nag-aral si Marko ng kanyang aralin
kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.
1. Sumakay na lang kami ng traysikel pauwi ng bahay dahil biglang
umulan.
2. Maraming sira na ngipin si Noel kaya nagpatingin siya sa
dentista.
3. Masaya si Aling Rosa dahil sa mababait ang kanyang mga anak.
4. Gutom na gutom na si Lara kaya kumain agad siya pagdating sa
bahay.
5. Hindi pumasok sa klase si Ana sapagkat mataas ang kaniyang
lagna
Tayahin
Kopyahin ang talahanayan sa sagutang papel.
Isulat dito ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari na nasa loob ng sumusunod na
mga pangungusap.
Halimbawa: Nadapa ang bata kaya siya umiyak.
Sanhi Bunga
Nadapa ang bata kaya siya umiyak
1.
2.
3.
4.
5.
1. Biglang sumigaw si Tatay kaya nagising si Bunso.
2. Nag-aral ng leksiyon si Tina kaya tama ang kanyang
mga sagot sa pagsusulit.
3. Nadulas si Nanay dahil basa ang sahig.
4. Dahil sa pagmamadali ay nakalimutang magsuklay ni
Carla.
5. Napakalakas ng bagyo kaya kinansela ng alkalde ang
klase.
Karagdagang Gawain

Pag-ugnayin mo ang sanhi


at bunga ng mga
pangyayari. Isulat ang
letra nang tamang sagot sa
iyong papel.
____1. Uhaw na uhaw si a. kaya sumakit tuloy ang
Boyet kaniyang paa.
____ 2. Naiwang bukas b. dahil marami siyang
ang tarangkahan ng bahay naipong pera.
____ 3. Masikip ang c. kaya uminom siya ng
bagong sapatos ni Cecil maraming tubig.
____4. Nakabili ng bagong d. kaya nakatakas ang
laruan si Jesa kanilang aso.
____5. Umulan nang e. kaya basang-basa at
lumabas ng bahay si Gina nanginginig sa ginaw.
Salamat Po!

You might also like