Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

BATIS AT IMPLUWENSIYA NG MGA DULANG PILIPINO NA NASUSULAT SA INGLES

Ang Wanted: A Chaperon ni Wilfrido Ma. Guerrero at The World Is an Apple ni Alberto Florentino

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO SA WIKANG INGLES

Ayon kay Doreen Fernandez, nagsimulang lumaganap ang mga dulang Pilipino na nasusulat sa wikang Ingles bago pa man ang panahon ng giyera. Ngunit higit itong sumigla matapos ang 1945, sa pagbabalik ng pamamahala ng Amerika sa Pilipinas. Malaking partisipasyon sa pagsigla ng dula sa wikang Ingles, ang mga pagtatanghal sa mga eskwelahan. Ilan sa mga grupong ito ang UP Dramatic Club sa pamumuno ni Wilfrido Ma. Guerrero, Ateneo Dramatic Guild, Arena Theater na nakabase sa Philippine Normal College, at Aquinas Dramatic Guild.

KASAYSAYAN
Bukod sa mga grupong nakabase sa mga eskwelahan, mayroon ring mga grupo ng semiprofessionals. Pinakakilala dito ang Baranggay Theater Guild na pinamumunuan nina Lamberto Avellana at Daisy Hontiveros Avellana. Sila ang nagtanghal ng obra ni Nick Joaquin na Portrait of the Artist as Filipino. Higit namang naudyukan ang pagsusulat ng mga dulang Pilipino sa wikang Ingles nang magbukas ang mga kontes at patimpalak. Isa na rito ang Palanca na nagbukas noong 1954. Sa simula, naiipon lamang ang mga nananalong gawa at hindi nailalathala o natatanghal.

MGA SULIRANIN NG DULANG PILIPINO SA WIKANG INGLES


Sa sanaysay ni Rosalinda Orosa, sinabi niyang may pagkadahop sa bilang ng mga nasusulat, lalo pa ang mga natatanghal na dula. Tinukoy niya ang ilang mga sanhi nito: 1. walang partikular na suporta galing sa estado 2. Hindi rin naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood naging bokasyon talaga ang pagiging mandudula 3. sa maraming pagkakataon, ang pagsulat ng dula ay nagiging anyo lamang ng literary exercise 4. problema sa wika

PATAKARAN SA MGA KONTES


Palanca Memorial Awards One-Act Play Contest Layunin: maudyukan ang pagsusulat ng dula sa Pilipinas Premyo: 1st- P 1,000; 2nd- P 500; 3rd- P 250 Kinakailangan ito ay: 1. isang yugtong dula 2. orihinal na sinulat 3. nasusulat sa Ingles o Tagalog 4. hindi pa nalalathala 5. hindi pa naitatanghal 6. may temang Pilipino Unang nanalo dito noong 1954 ang The World is An Apple

PATAKARAN NG KONTES
Arena Theater Playwriting Contest Mayroong dalawang kategorya: isang yugtong dula at dulang may ganap na haba. Pawang nasusulat sa Ingles Premyo: 1st- P 150, 2nd- P 100, 3rd- P 100; 4th- P 50

Iba pang kontes: Golden Jubilee of the University of the Philippines (literary Contest) Philippine Mental Health Association Playwriting contest

ANG MANUNULAT

Wilfrido Ma. Guerrero

Ipinanganak sa Ermita, Manila noong Enero 22, 1917. Ang kauna-unahang sinulat na dula ay No Todo Es Risa noong nag-aaral pa siya sa Ateneo Ang kauna-unahang dula sa Ingles ay Half an Hour in A Convent noong ikalawang taon niya sa Unibersidad ng Pilipinas Nahirang siyang Assistant Professor of Dramatics and Director of the UP Dramatic Club

WILFRIDO MA. GUERRERO

In plot, treatment and dialogue, they tend to be to be too obvious. Taken in their entirety, however, they are a sincere representation of the middle class the lower and upper middle classes of their hopes, fears, loves, frustrations, and frivolities. (Orosa, 1961)

ANG MANUNULAT

Alberto Florentino

Ipinanganak sa Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Hulyo 28, 1931 Matapos subukang magsulat ng mga maikling kwento at tula, sinubukan niya ang pagsulat ng dula. Isinulat niya ang The Memento noong 1953. Nang sumunod na taon, nanalong 1st place at honorable mention ang dalawa niyang dula sa Palanca. The World Is an Apple at Cadaver

ALBERTO FLORENTINO

the key to these plays was once expressed by the young writer himself. On the return trip from the 1958 conference in Baguio, Florentino and some companions, myself included, were viewing the vast scenic expanse when he suddely exclaimed, Imagine all those mountains before us and I with no square inch of land to call my own. (Orosa, 1961)

WANTED: A CHAPERON
Isinulat at unang itinanghal noong 1940 sa direksyon ng mismong manunulat. Nanalong unang gatimpala sa 1947 University of Santo Tomas one-act play contest. Itinanghal din sa UST sa direksyon ni Dr. Renato Maria Guerrero Isinalin sa Tagalog ni Jose Villa Panganiban at pinamagatang Kailangan: Isang Tsaperon Kabilang sa Philippine Literature: A History and Anthology ni Bienvenido Lumbera at Cynthia Nograles Lumbera.

ILANG PAGKUKUMPARA SA MAGKAIBANG ANTOLOHIYA


Maliliit na detalye lamang ang pagkakaiba sa kopya ng dula sa 13 Plays ni Wilfrido Ma. Guerrero at Philippine Literature: A History and Anthology nina Lumbera. Pagkakaiba sa ilang punctuations: (13 plays) Francisco: So youve nothing in the bank! What kind of gifts do you give your girl-friend? (Phil. Literature) Francisco: So youve nothing in the bank? What kind of gifts do you give your girlfriend?

Paglelay-out ng instructions (13 plays) Francisco: Flowers? (ROBERTING nods.) Six-or seven-peso flowers? (ROBERTING nods again.) Que hombre este! When I was making love to your mother I used to give her only mani or balut. (DOA PETRA, about fifty-five, enters and catches his last words.) (Phil. Lit.) Francisco: Flowers? (ROBERTING nods.) Six-or seven-peso flowers? (ROBERTING nods again.) Que hombre este! When I was making love to your mother I used to give her only mani or balut. (DOA PETRA, about fifty-five, enters and catches his last words.)

WANTED: A CHAPERON
Mga Tauhan: Don Francisco Doa Petra Nena Roberting Doa Dolores Fred Francisco Pablo

WANTED: A CHAPERON
Time: One Sunday Morning, at about eleven Scene: The living room. Simply furnished. A window on the right. At the rear, a corridor. A door on the left. Sofa, chairs, etc. At the discretion of the director

(Salin ni Jose Villa Panganiban) Panahon: Isang araw ng Linggo, mag-iikalabing-isa ng umaga Tagpuan: Ang salas. Payak ang kaayusan. Isang bintana sa kanan. Sa may likuran ang pasilyo. Isang pinto sa kaliwa. Sopa, mga silya at iba pang kasangkapan ayon sa kagustuhan ng direktor

BANGHAY
Hihingin ni Roberting kay Francisco ang dati niyang allowance. Sesermunan ni Francisco ang kawalan ng pag-iimpok ng anak. Papasok sa eksena si Donya Petra at ipapatawag ang alilang kapangalan ni Don Francisco. Ipapalagay nito ang karatulang Wanted: A Chaperon sa tapat ng bahay nila. Napag-uusapan ng mag-asawa ang pagdalo ng kanilang anak na babae, si Nena, sa party ng walang kasamang tsaperon. Kakampi si Petra sa anak at ikakatwiran na iba na ang mga kababaihan ngayon, lalo na ang mga edukada.

BANGHAY
Darating ang naka-date ni Nena, si Fred kasama ang nanay nito, si Donya Dolores. Inakala ni Donya Dolores na may nangyari kina Nena at Fred sa party, ngunit sa huli ay aaminin din ni Fred na wala naman talagang nangyari. Magtatapos ang dula sa eksena ng pagdating naman ng girlfriend ni Roberting kasama ang tatay nito.

THE WORLD IS AN APPLE


Characters: Gloria Mario Pablo Setting: An improvised home behind a portion of the Intramuros walls. Two wooden boxes flank doorway. At left is an acacia tree with a wooden bench under it.

BANGHAY
Uuwi si Mario at kakamustahin ang anak na may sakit. Hahanapin ng kanyang asawa, si Gloria ang sweldo nito upang makabili ng pagkain ng anak. Magdadahilan si Mario pero matutuklasan pa rin ni Gloria na natanggal siya sa trabaho matapos magnakaw ng mansanas para sa anak. Sa huling bahagi, darating si Pablo, dating kasamahan ni Mario sa masamang gawain. Pipigilan ni Gloria ang asawa na bumalik sa dating hanapbuhay pero sasama pa rin si Mario kay Pablo.

You might also like