Module 8

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan–Modyul 8:
Mga Kaisipang Nakapaloob sa
Tekstong Binasa
Kasanayang Pampagkatuto:

● Naipaliliwanag ang mga kaisipang


nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS
–IIIf – 92)
Layunin
● Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na
kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
● Nakapagbabahagi ng sariling saloobin ukol sa tekstong
binasa, at
● Nakabubuo ng pangunahin at mga pantulong na
kaisipan gamit ang mga nlarawan.
BALIK ARAL
•1. Ano ang kahalagahan ng mga kaisipang
nakapaloob sa iba’t ibang teksto?
•2. Paano ito nakatutulong sa pagpapaunlad
ng ating sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig?
Pagbasa at Pag-aaral
ng Teksto
PANGUNAHING
KAISIPAN
• Ang pangunahing kaisipan ay ang mensahe na nakapaloob sa isang larawan
o teksto. Ito ang nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa.
Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang
pangungusap ng teksto ngunit may ilang istilo ang manunulat na ang
pamaksang pangungusap ay nasa hulihan, kung kaya ang pangunahing
kaisipan ay maaaring matagpuan sa hulihan ng teksto. Tandaan! May
pagkakataong hindi lantad sa teksto ang pangunahing kaisipan.
PANTULONG NA
KAISIPAN
• Ang pantulong na kaisipan naman ay nagbibigay-linaw sa pangunahing
kaisipan. Nagtataglay ito ng mga mahahalagang impormasyon na
nakatutulong sa mambabasa upang higit na maunawaan ang teksto. Ito ay
nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, lugar,
paglalarawan, datos o istadistika at iba pa upang pagtibayin ang
pangunahing kaisipan.
BASAHINAT UNAWAIN

• Mahilig akong kumain ng gulay. Naniniwala ako na ito’y nakatutulong upang


lumakas ang ating katawan. Ito rin ay nakapagpapalinaw ng mata at
nakapagpapakinis ng kutis. Nakatutulong din ito upang ilayo tayo sa sakit.
Kung kaya, ang pagkain ng gulay ay mahalaga sa tao.
BASAHIN

•ANG BUNGA NG KASALANAN


(ni Cirio H. Panganiban)
Gawain 1

BASAHIN
ANG BUNGA NG KASALANAN (ni Cirio H. Panganiban)

Sagutan

• Anong pangunahing kaisipan ang


nakuha mo mula rito? Ipaliwanag.
TAYAHIN
1. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang
impormasyon tulad ng pangalan, lugar, paglalarawan,
datos at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing
kaisipan.
A. paksang pangungusap
B. pangunahing ideya
C. pansuportang detalye
D. pantulong na kaisipan
4. Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o
pamaksang pangungusap ng teksto.
A. paksang pangungusap
B. pangunahing kaisipan
C. pantulong na kaisipan
D. sumusuportang detalye
2. Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.
A. detalye B. ideya C. opinyon D. paksa
3. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit
bilang pantukoy ng pantulong na kaisipan?
A. ano B. bakit C. ilan D. sino
5. Alin sa mga pahayag ang pangunahing
kaisipan?
A. Napakabait na bata ni Julius.
B. Madaling utusan ang batang iyan.
C. Magalang siyang makipag-usap sa tao.
D. Masunurin siya sa kaniyang magulang.
6. Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais
ipahatid ng awtor.
A. kaisipan
B. pananaw
C. saloobin
D. tema
7. Sino sa sumusunod na manunulat ang may-akda ng
tekstong “Bunga ng Kasalanan”?
A. Cirio H. Panganiban
B. Liwayway Arceo
C. Lualhati Bautista
D. Severino Reyes
9. Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa
pantulong na kaisipan, maliban sa
A. Ito ay itinuturing na sentrong bahagi ng akda.
B. Ito ay nakatutulong upang mapalitaw ang
pangunahing kaisipan.
C. Sa tulong nito ay mas nauunawaan ng mambabasa
ang diwa ng teksto.
D. Maaaring bumuo ng mga tanong na may
kaugnayan sa pangunahing kaisipan upang matukoy
ang mga ito.
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong
na kaisipan sa pahayag na ito? “Ang mabait kong mga
magulang ay kayamanang ibinigay sa akin.”
A. Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking
ginagawa.
B. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa
kanilang anak.
C. Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa atin ng ating
mga magulang.
D. Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na
ipinagkaloob sa mga anak
10. Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-
gusto ko ang amoy nito. Tuwing Linggo ay bumibili nito
ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ang sampaguita ay
paborito kong bulaklak. Ano ang pangunahing kaisipan
ng pahayag?
A. Paborito ko ang amoy ng sampaguita.
B. Mabangong bulaklak ang sampaguita.
C. Laging bumibili ng sampaguita ang nanay ko.
D. Natatangi ang sampaguita sa lahat ng uri ng
bulaklak.
11. Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan,
maliban sa
A. May mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.
B. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang
impormasyon.
C. Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi
ng akda.
D. Ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa
mga mambabasa.
12. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t
ibang kaalaman. Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito
sa kanilang mga buhay. Nalilinang din nito ang bokabularyo
ng mambabasa. Ano ang pangunahing kaisipan na maaaring
mahinuha mula sa pahayag?
A. Marami kang natututuhan na salita.
B. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
C. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
D. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.
13. Maraming kapangyarihan ng musika ang
natuklasan ng mga siyentipiko. Alin sa sumusunod na
pansuportang kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?
A. Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang
pakikinig nito.
B. Nakapagpapagaan rin ito ng utak tulad ng
memorya, emosyon at iba pa.
C. Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman
sa iba’t ibang larangan.
D. Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon
at insomnia o di pagkatulog.
14. Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang
masustansiyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C.
Ayon sa mga dalubhasa, ang madalas na pagkain ng kamatis
ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa bituka (colon
cancer). Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?
A.Ang kamatis ay isang uri ng prutas.
B. Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.
C. Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis
D. Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka
(colon cancer)
15. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang
nakapaloob sa isang teksto?
A. upang lumawak ang ating kaalaman
B. upang makapulot ng magagandang aral
C. upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa
D. upang malaman ang nais iparating na mensahe ng
teksto

You might also like