Grey Minimalist Business Project Presentation

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

ARALIN 15:

PAGBUO NG PINAL
NA DRAFT
ANN MARGARET BALABA
MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO

01 NATUTUKOY ANG PORMAT NG


PANANALIKSIK
MALALAHAD ANG DAPAT TANDAAN SA
02 PAGBUO NG PINAL NA DRAFT

03 NAKABUBUO NG PINAL NA DRAFT PARA SA PAPEL-


PAMPANANALIKSIK

04 NAKASUSURI NG IBANG HALIMBAWA NG PAPEL-


PAMPANANALIKSIK
PAGPAPAIGTING NG
KAWILIHAN
"I believe in innovation and that the
way you get innovation
is to fund research and learn the basic
facts."
— Bill Gates
PAGLINANG NG
KAKAYAHAN
Ang pagbuo ng pinal na draft ang pinakahuli
ngunit isa sa pinakamahirap na bahagi
ng inyong isinasagawang pananaliksik.

Matapos ang iba't ibang aralin, sa puntong ito,


kinakailangang wast at may mabisang presentasyon
ang inyong papel-pampananaliksik
para higit na maunawaan ang mga kaalamang nais
ninyong iparating.
PORMAT NG
PANANALIKSI
K
KABANATA I:
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
1. PANIMULA / SALIGAN NG
PAG-AARAL

Binigbigyang-daan sa introduksyon ang maalwang pagdaloy ng kaisipan


tungo sa paksa at layunin. Kailangang maging maliwanag at maikli ang
mga pambungad. Hindi dapat maging mahaba pa ito kaysa sa paksang
talakay. Isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
2. LAYUNIN

Ano ang gustong malaman o matuklasan sa iyong


pananalisik.Inalalahad ang pangkalahatang layunin ,dahilan
kung bakit isinasagawa ang pag-aaral . Tinutukoy dito ang mga
ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
3. KAHALAGAHAN NG
PAG-AARAL

Ano ang magiging kontribusyon ng inyong pananaliksik sa


sarili, kapwa, lipunan, pamahalaan at bayan. Kailangan tuwirang
makapag-ambag ito ng mahalagang kabatiran at dagdag na
kaalaman para sa nakaraan, ngayon at hinaharap.
4. SAKLAW AT LIMITASYON

Dapat ay ispisipiko at naglalayon na


I-pokus ang atensyon ng sumusulat sa
pinakapaksa.
5. DEPINISYON NG MGA
TERMINOLOHIYA
Binibigyang paliwanag o pakahulugan ang mg mahahalagahang salitang
ginamit ng mananaliksik. Isang mabisang paraan ito sa pagpapadali ng unawa
ng kabuuan. Pagbibigay-kahulugan sa mga salita:

KONSEPTWAL - batay sa kalulugan sa diksyunaryo at iba pang


babasahin.
OPERASYUNAL - batay sa konsepro o idey a kung papaano ginamit
ang salita sa pag-aaral.
ABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA

Ilalahad sa kabanatang ito ang balik-aral ng mga


kaugnay na literatura ng mga
misagawang pagsisiyasat . Sa mga nalikom na pag-aaral
at mga literatura masasalig ang
kasalukuyang saliksik at basehan ng rekomendasyon at
konklusyon.
1. MGA KAUGNAY NA
PAGAARAL ( REFERENCES )
Inilalagay ng mananaliksik ang mga pag-
aaral galing sa tesis o disertasyon na may kinalaman sa isinasagawang
pananaliksik. Magagamit ito ng mananaliksik upang paghambingin ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mg nakaraang pag-aaral batay sa
impormasyon, datos at resultang nakalap.

Halimbawa:
Thesis, Term Papers, Research Documents at Dissertations
2. MGA KAUGNAY NA
LITERATURA
( REFERENCES
Inilalalagay ng mananaliksik ) mula sa aklat,
ang mga impormasyong nakalap
dyornal at artikulo mula sa website. Magagamit ng mananaliksik ang mga
impormasyong nakalap upang makapagbigay ng sapat na detalye at
masuportahan ang pangunahing idea ng suliraning hahanapin sa pag-aaral

Halimbawa:
Aklat, Sanaysay, TV at Radio, Magasin at Dyaryo
ABANATA III: DISENYO AT PARAAN N
PANANALIKSIK

Dito nasasaad kung papaano ikaw, bilang


manananaliksik ay magkakalap ny mga datos para sa sa
iyong pag- aaral
1.DISENYO NG PANANALIKSIK

Nililinaw kung anong uri ng


pananaliksik ang kasalukuyang
pag-aaral
2. RESPONDENT

e- tinutukoy dito kung ilan sila at


paano sila pinili
3. INSTRUMENTO NG
PANANALIKSIK

Nilalarawan dito ang paraang


ginamit ng pananaliksik
sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon
4. TRITMENT NG MGA DATOS

inilalarawan kung anong istatistikal


na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailarawan
KABANATA IV: PRESENTASYON AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap


na mananaliksik sa pamamagitan
ng tekstwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa
teksto, inilalahad ng mananaliksik ang
kanyang analisis o pagsusuri.
1. TEKSTWAL

ito ay gumagamit ng salita sa pag-


interpreta ng resulta sa mga datos.
2. TABULAR

ito ay gumagamit ng talahanayan na may


nakatala na bilang ng mga datos.
Makikita dito ang kabuuang resulta o dami
ng bilang sa wastong pagkompyut ng datos.
3. GRAPIKAL
dito makikita ang iba't ibang paggamit ng
grap at ilustrasyon. Ipinakikita
ng grapikal na presentasyon ang
hambingan, pagkakaiba-iba at pagkakatulad
ng datos.
ABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON A
REKOMENDASYON

Nahahati ang kabanatang ito sa tatlo


1. SA LAGOM
binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng
mananaliksik na komprehensibong tinalakay sa Kabanata IV.
Maikli lamang at hindi na kailangang ipaliwanag pa
ang pangunahing layunin, panahon ng pag-aaral, paraan ng
pananaliksik at mga instrumento o
disenyong ginamit.
2. ANG KONGKLUSYON

ay mga inference, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,


pinakahalatang pahayag at/o paglalahad batay sa mga datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik. Kadalasan itong itinuturing
na pinakamahirap isulat ng mga mananaliksik. Dapat makatotohanan
at may kawastuhan ang mga pangungusap na ipapahaya.
3. ANG REKOMENDASYON
ay mga mungkahing solusyon para sa mga
suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik. Maaaring magmungkahi ng
pagpatuloy sa dati nang naisagawang
pananaliksik
MGA PANGHULING
PAHINA O IBA PANG
Sa bahaging it maaaringBAHAGI
ilagay ang mga sumusunod; Apendiks,
na tinata bahaging it maaaring ilagay ang mga sumusunod;
Apendiks, na tinatawag ding Dahong-Dagdag.
Maaaring ilagay o ipaloob din ang mga liham, pormulary ng
ebalwasyo, transkripisyon ng interby, sampol ng survey
questionnaire, hingil sa may-akda at lisatahan
ng mga sanggunian.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGBUO NG PINAL NA
PAPEL PAMPANANALIKSIK
1. Gumamit ng malinis na short bond paper. Kadalasan itong
may sukat na 8x11.

2. Lagyan ng 1 o 1.5 inch na palugit sa magkabila at sa itaas


at ibaba.

3. Kung nagkamali, maaaring gumamit ng correction tape o fluid.


Tiyakin lamang na hindi ito masyadong halata, Kung sakaling
marami nang dapat lagyan ng correction
tape, mas mainam na itype na lang muli ang bahaging ito.
4.Dapat makatawag-pansin ang pahina n& pamagat lalo na
ang unang bahagi nito.

5. Double Space ang dapat gamitin sa pagitan ng bawat linya


sa loob ng isang talata.

6. Tiyaking malinis, mayos at organisado ang pagkakabuo ng


bahagi.

7. Ang bilang ng bawat pahina ay maaaring nasa itaas


gawing kanan na bahagi ng papel.
8. Tiyaking naka-indent ito, tinatayang nasa limang guhit or
kalahating pulgada.

9. Kailangang may salungguhit ang pamagat ng datos na


pinagkunan.

10. Dapat iwasan ang malalaking titik sa buong sulatin.


11. Ang mga font style na Times New Roman, Arial, Tahoma
at Calibri lamang ang
angkop gamitin sa papel-pampananaliksik. Ito ay may font
size na 12.

12. Ang mga buong bilang naman ay kailangang baybayin,


sinusundan lamang ito ng
simbolong numerical sa loob ng parenthesis.
13. Ang mga titles, subtitles ng papel-pampananaliksik ay
dapat na naka-bold.

14. Kailangang sundin ang mga alituntuning panggramatika


sa pagbabantas at ispeling.

15. Mahalagang na-proofread ang sinulat na papel-


pampananaliksik bago humarap sa
panel para sa oral defense.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG
Listening is one of the loudest forms of kindness
- Ann Margaret Balaba

You might also like