INSTRUMENTAL SOUND PREPARED BY: RAUL C. TUBIL CONTENT
TIMBRE SUBJECT MATTER
VOCAL AND INSTRUMENTAL SOUND PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or presenting the
new lesson MGA ALITUNTUNIN SA SILID ARALAN:
• Maging magalang sa inyong guro,kamag-aral at sa mga bagay na nasa
loob ng silid-aralan. • Makinig sa guro at kamag-aral,sumunod sa mga panuto. • Maging ligtas sa anumang gawain. • Huwag disturbuhin ang iyong kaklase kapag nagsimula na ang talakayan . • Itaas ang kamay kapag may gustong sabihin o kapag gustong lumabas ng silid-aralan. (Pag-ayos ng pagkakasunod-sunod ng upuan ng mga mag-aaral) REVIEW
Magpapatugtog gamit ang video presentation o MP3 na
likha mula sa iba’t ibang instrumento ang guro. Tukuyin kung ang pangkat ay rondalla, drum and lyre band, bamboo group ensemble o mula sa local indigenous ensemble. B. Establishing a purpose for the lesson ANO ANG NAPANSIN NYONG KAIBAHAN NG DALAWANG HANAY? C. Presenting examples/instances of the new lesson Magpapakita ang guro ng video presentation ng vocal at instrumental music. Hayaan ang mga bata na manood ng mga ito. Ipasulat sa mga bata kung ano ang kanilang napansin sa mga pinatugtog. Base sa video, may pagkakaiba ba ang musika na napanood niyo? D. Discussing new concepts and practicing new skills #1 Ang musika ay pwedeng vocal at instrumental. Ang dalawa ay pwede at parehong nakalilikha ng mga tunog at harmony. • Vocal music – ay mga kanta (may liriko) na pwedeng kantahin ng solo, duet, o grupo ng mga manunugtog (koro). Maaari itong awitin na meron o walang saliw tulad ng isang a capella. • Instrumental music – ay mga komposisyon na walang liriko at pang- instrumental lamang ang gamit. Isang halimbawa nito kung saan may iba’t iba’t ibang instrumentong pangmusika lang ang gamit upang makabuo ng kanta ay orkestra. Ang mga instrumentong pangmusika ay nahahati sa: intrumentong pinapalo (Percussion) instrumentong hinihipang yari sa kahoy (Woodwind) instrumentong tanso (Brasswind) intrumentong may bagting (String) E. Discussing new concepts and practicing new skills #2 PANGKATANG-GAWAIN
Hayaang pumili ang mga bata ng 6 (anim) na mang-aawit at
hahatiin sila sa dalawang grupo. Papiliin sila kung vocal o instrumental ang ipapakita sa klase. • Pangkat 1: Vocal Music • Pangkat 2: Instrumental Music • Anong uri ng musika ang ipinapakita sa unang pangkat? • Ano naman ang ikalawang pangkat? F. Developing mastery PANGKATANG – GAWAIN (HATIIN ANG KLASE SA APAT NA GRUPO)
Group 1 and 2: Vocal Music (Hayaan silang pumili ng mga
awitin na kanilang aawitin o parang isang acapella)
Group 3 and 4: Instrumental Music (Hayaan silang pumili ng
mga instrumentong gagamitin sa kanilang orkestra. Kung walang intrumento, gumamit ng mga bagay sa paligid na maaring gamitin tulad ng bato, kahoy, kawayan, lata, plastic o kawayan) G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living Ano ang mahalagang natutunan ninyo sa paksa natin? Paano natin pahalagahan? H. Making generalization and abstractions about the lesson MGA KATANUNGAN
1. Ano ang Vocal Music?
2. Ano ang Instrumental Music? 3. Kung wala tayong mga instrumento, anong mga bagay sa paligid ang pwede nating magamit? 4. Ano ang kahalagahan nito sa ating kalikasan? I. Evaluating Learning PANUTO:
MAGPAPARINIG ANG GURO NG AWIT GAMIT ANG CD.
TUKUYIN KUNG ITO AY VOCAL O INSTRUMENTAL MUSIC. 1. Philippine Madrigal 2. Philippine Orchestra 3. Rondalla 4. Duet 5. Violin Ensemble J. Additional activities for application or remediation Magsaliksik ng mga localized materials na makikita sa paligid na pwedeng gamiting instrumentong pangmusika. Maraming Salamat!