Gender Equality

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Ikatlong Markahan

Gender Equality

Start!
Kahulugan
• Binibigyang kahulugan ng Republic Act 9710 (The Magna Carta for Women) ang gender
equality bilang ang “prinsipyo na pinaninindigan (asserting) ang pagkakapantay (equality) ng
lalaki at babae at ng kanilang karapatan na magtamasa ng pantay na mga kondisyon para sa
realisasyon ng kanilang buong potensiyal bilang mga tao para makapag-ambag at makinabang
sa mga bunga ng pag-unlad, at kung saan ang Estado ay may pagkilala na ang lahat ng tao ay
malaya at pantay sa dignidad at karapatan.”

• Sa prinsipyo ng gender equality, ang mga lalaki at babae ay pantay subalit hindi magkapareho
o identical.

• Ang equality ay hindi nangangahulugan na ang babae at lalaki ay magiging magkapareho


kundi pantay lamang sa istatus at sa pagpapahalaga ng lipunan kapwa sa kanilang pagkakaiba
at pagkakatulad bilang lalaki at babae, at sa iba’t ibang papel na kanilang ginagampanan sa
lipunan.
Kahulugan

• Ang gender equality ay kawalan ng diskriminasyon batay sa kasarian ng isang


tao, sa mga karapatan, responsibilidad at oportunidad ng babae at lalaki, at
alokasyon ng pinagkukunang-yaman at benepisyo o access sa mga serbisyo.
Bilang isyu ng karapatang pantao, ito ay hindi lamang dapat maging isyung
pangkababaihan kundi ito ay maging alalahanin (concern) at may buong
pakikilahok (fully engage) kapwa ang mga lalaki at babae.
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
1. Women Empowerment

 Tumutukoy sa pagpapalawak sa kakayahan o abilidad ng mga 2


babae na gumawa ng mga estratehikong pagpapasiya sa buhay
sa konteksto kung saan ang mga nasabing kakayahan ay dating
naipagkait sa kanya dahil sa pagiging babae.

 Inilalarawan ng empowerment kapwa ang proseso at ang bunga 3


ng mga tao– lalaki at babae– na magkaroon ng kontrol sa
kanilang buhay partikular sa pagtatakda ng kanilang sariling
mga adyenda, pagkamit ng kasanayan, mapataas ang tiwala sa
sarili, makalutas ng problema, at mapaunlad ang sariling
kakayahan. 4
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
1. Women Empowerment

 Sa pagtupad ng women empowerment, nangangailangan ito ng 2


probisyon, availability at access sa oportunidad, serbisyo, at
paggalang sa mga karapatang pantao na nagbibigay daan sa
kababaihan na aktibong makalahok at makapag-ambag sa
kaunlarang politikal, ekonomiko, panlipunan, at kultural ng
bansa, gayundin sa mga bagay na magbibigay sa kanila ng 3
pantay na access sa pagmamay-ari, pamamahala, at kontrol ng
produksiyon, at ng materyal at pang-impormasyon na mga
pinagkukunang-yaman, at mga pakinabang sa pamilya,
komunidad, at lipunan.
4
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
2. Gender Mainstreaming

 Tumutukoy sa mga estratehiya para maipasok o maipaloob ang 2


mga aalahanin (concerns) at karanasan ng mga babae gayundin
ang mga lalaki bilang integral na dimensiyon sa disenyo,
implementasyon, pagbabantay (monitoring) at ebalwasyon ng
mga patakaran at programa sa lahat ng aspektong politikal,
ekonomik, at panlipunan para ang mga babae at lalaki ay pantay 3
na makinabang at ng hindi mapanatili ang kawalan ng
pagkakapantay.

4
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
2. Gender Mainstreaming

 Ang pangunahing layunin sa likod ng gender mainstreaming ay 2


ang makapagdisenyo at makapagpatupad ng mga proyekto,
programa, at patakarang pangkaunlaran na:
1. hindi nagpapatibay sa mga umiiral na inequalities (gender
neutral);
2. may pagtatangka na tugunan ang mga gender inequalities 3
(gender sensitive); at
3. may pagtatangka na bigyan ng bagong kahulugan ang mga
gampanin at ugnayan (gender roles and relations) ng mga
babae at lalaki.
4
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
3. Gender and Development
 Tumutukoy sa perspektibang pangkaunlaran at proseso na
participatory at empowering, equitable, sustainable, malaya sa 2
karahasan, may paggalang sa mga karapatang pantao, may
pagsuporta sa kakayahang kumilos nang malaya (self-
determination), at aktuwalisasyon ng mga potensiyal bilang tao.

 Hangad ng GAD na makamit ang gender equality bilang 3


batayang pagpapahalaga na dapat masalamin sa mga
pagpapasiyang pangkaunlaran at transpormasyon ng mga
estrukturang sosyal, ekonomiko, at politikal sa lipunan at
pagkuwestiyon sa katotohanan ng mga gender role na itinakda
sa kababaihan at kalalakihan. 4
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
4. Gender Blind

 Tumutukoy sa mga tao, polisiya, o institusyon na hindi kumikilala 2


sa gender bilang mahalagang tagapagtakda (essential
determinant) sa mga pagpapasiya sa buhay na iniaalok ng
lipunan.

 Bilang halimbawa, sa recruitment at promosyon sa trabaho,wala 3


dapat halaga ang pagiging babae, lalaki, o transgender, kundi
ang personalidad, at kakayahan ang dapat maging
kwalipikasyon at pamantayan.

4
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
5. Gender Awareness

 Tumutukoy sa kakayahan o abilidad na matukoy ang mga 2


problemang umusbong mula sa gender inequality at gender
discrimination, kahit na ang mga ito ay napakahirap makita sa
panlabas (surface) o sadyang nakatago. Ito ay ang higit na
mapanuri, higit na kritikal, at higit na mapagtanong ukol sa mga
gender disparities. 3

4
Mga Pamamaraan sa Pagkamit ng Gender 1
Equality:
6. Gender Sensitivity
 Binibigyang kahulugan bilang “kakayahan na matukoy ang mga
isyu at problema sa paraan ng pagtingin ng lipunan sa gender.” 2

 Ito ay ang pagiging responsive, perceptive (pagproseso ng


sitwasyon bago ang pagbuo ng pasiya), at receptive (pagiging
bukas at kagustuhang makapagnilay sa mga bagong ideya) sa
mga pangangailangan, isyu, aalahanin (concerns) kapwa ng 3
mga babae at lalaki.

4
Mga Halimbawa ng Gender –Bias 1
at Gender-Neutral na Terminolohiya
Generic Terms and Expressions
Don’t Use Use
Average man Average person, ordinary person 2

Best man for the job Best person for the job
layman Layperson, nonspecialist
Human beings, humanity, humans,
Man (when referring to humanity) 3
individuals, people
Man and wife Spouses, partners
Man hours Person hours, work hours
Mankind Humankind
4
Artificial, handmade, manufactured,
Man made
synthetic
Mga Halimbawa ng Gender –Bias 1
at Gender-Neutral na Terminolohiya
Generic Terms and Expressions
Don’t Use Use
Manpower Personnel, staff, workers, workforce 2

To man To operate, to staff


Workmanlike Skillful

4
Para sa mga batas na nagsusulong sa karapatan ng
kababaihan, basahin ang modyul.

Sanggunian:
Mactal, Ronaldo B. (2017).
Mga Kontemporaneong
Isyu. Phoenix Publishing
House, Inc.

You might also like