Mga Anyo NG Kontemporaryong Panitikan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 63

2 4 5

M 6 D

3 L
1 P
B

7 G
1. Pinipilahan ng mga
manonood, sa pinilakang
tabing ito’y itinatampok!
2. Kahong puno ng makukulay na
larawan at usapan ng mga tauhan.
Tunay na kinagigiliwan ng
kabataan!
3. Kuwadradong elektronikong
kagamitan. Tampok ay iba’t ibang
palabas na kinaaaliwan!
4. Sa isang click lang mundong ito’y
mapapasok na para mag Fb, twitter o
magsasaliksik pa.
5. Musika’t balita ay
mapapakinggan na. Sa isang galaw
lamang ng pihitan, may FM at AM!
6.Maliit na diyaryong inilalako sa
daan,balita, tsismis, at iba pa ang
laman.
7. Pabala’t nito’y may larawan pang
sikat na artista. Nilalama’y mga
artikulong tumatalakay sa iba’t
ibang paksa.
1.PELIKULA
2.KOMIKS
3.TELEBISYON
4.INTERNET
5.RADYO
6.TABLOID
7. MAGASIN
Mga Anyo ng
Kontemporaryong
Panitikan
( Panitikang Popular )
*Print midya
* Brodkast Midya
* Online Midya
May apat na kategorya ang konsepto ng midya
ayon kay Rodman (2007)

1. print midya (magasin, diyaryo,


komiks atbp.)
2. broadkast midya (radyo at
telebisyon)
3. digital midya- sumasaklaw sa
paggamit ng mg kompyuter o
internet.
4. entertainment midya- nakatuon
sa pelikula, rekording at mga
larong pang video.
PRINT MIDYA

- Ang print midya ay tumutukoy sa


mga nakalimbag na publikasyon gaya
mga dyaryo, magasin, komiks at iba pa.
Ang salitang media ay plural lamang
sa medium. Ibig sabihin ito ay kagamitan
tungo sa pagpapadala ng isang mensahe.
1. Pahayagan/Diyaryo/Peryodiko

Ang Pahayagan, diyaryo, o peryodiko


ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman
ng balita, impormasyon at patalastas,
kadalasang na imprenta sa mababang halaga.
Dalawang anyo ng diyaryo
Broadsheet: - malaking pahayagan
-target ang class A & B na mga
mambabasa
Tabloid:
- binibigyang-diin ang tungkol sa sex at
karahasan
- tinaguriang sensationalized journalism
2. Magasin

Ang magasin ay makulay na


babasahin na hitik sa iba’t ibang
impormasyon.
Liwayway-ay isang magasin na
naglalaman ng mga maikling kuwento at
sunud-sunod na mga nobela.Dahil dito,
naging paraan ito para mapalago ang
kamalayan ng mga Pilpino.
- Dinala
nito ang panitikan sa mga
kabahayan.

- Ang salitang Liwayway ay


nangangahulugang
“ Panibagong umpisa”
- Ditosa Liwayway unang lumabas
ang mga Kuwento ni Lola Basyang
na ginawa ni Severino Reyes
* Mga nangungunang magasin sa
kasalukuyan:
1. FHM
2.Cosmopolitan
3.Good Housekeeping
4.Yes
5.Metro
6. Candy
7. Men’s Health
8. T3
9. Entrepreneur
3. Komiks
- Ang Komiks ay isang grapikong
midyum na ang mga salita at larawan
ay ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento.
- Sinasabing ang bayaning si Jose
Rizal ang kauna-unahang Pilipino na
gumawa ng komiks (“Pagong at
Matsing”)
- Hindi mamamatay ang komiks dahil
may kakanyahang ito. Ang katangiang
biswal at teksto.
Bahagi ng Komiks:
1.Pamagat ng kuwento
2.Larawang guhit ng mga
tauhan sa kuwento
3. Lobo ng usapan
4. Kahon ng Salaysay
5. Kuwadro
BRODKAST MIDYA
- ay paghahatid ng impormasyon
audio o biswal man, sa pamamagitan
ng midyang pangmasa tulad ng radyo,
telebisyon, internet o iba pang bagay
sa tulong ng network.
Ito ay karaniwang gumagamit ng
radio waves upang maghatid ng
impormasyon. Ang internet ay
matatawag na ring bahagi ng brodkast
midya.
Telebisyon - ay isang sistemang
telekomunikasyon para sa
pagpapahayag at pagtanggap ng mga
gumagalaw na mga larawan at tunog
sa kalayuan.
Ang Radyo – ay isang teknolohiya na
pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga
hudyat (signals) sa pamamagitan ng
modulation ng electromagnetic waves na
may mga frequency na mas mababa kaysa
liwanag.
ONLINE MIDYA
Internet Midya
E-Book- Ang eBook ay tumutukoy
sa mga aklat na mababasa gamit ang
kompyuter. Ito ay electronikong
bersyon sa naka imprinta na mga
aklat.
Wattpad- Ang wattpad ay isa sa
pinakapopular na produkto ng
teknolohiyang tinatangkilik ng
maraming kabataan ngayon. Mula sa
pangalan nito, wattpad, ito ay literal na
“PAD” o sulatan.
Ito ay isang uri ng social networking site at
isa ring online community na kung saan ay
maaaring makapagbasa ng mga likhang
kuwento na ala nobela na likha rin ng mga
kabataan.
Maaari din itong magsulat at ilahad
ng isang kabataan ang kanyang sarili
sa pamamagitan ng mga tula,
simpleng kuwento, nobela o kahit
reaksyon lamang.
Puno ito ng mga kuwentong may ibat ibang
genre na sadyang patok sa mga kabataan.
Ang wattpad ay itinatag noong 2006 nina
Allen Lau at Luan Yuen ngunit naging
tanyag lamang sa lahat noong 2011.
Blog- ay pinaikling salita na weblog, na
tumutukoy sa mga akda o sulatin na
karaniwang makikita sa internet. Isa itong
websayt na parang talaarawan.
Karamihan sa mga blog ay naglalaman
ng mga komentaryo o balita ukol sa
ilang mga paksa.

Halimbawa:
Travel blogs
Ang mga Lakbay sanaysay ay mga uri ng
sulatin kung saan ang mga akda ay
nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang
mga naranasan, gabay, o damdamin sa
paglalakbay.
Kadalasang ginagamit ang mga
lakbay sanaysay sa mga travel blogs
upang manghikayat sa mga taong
maglakbay sa isang partikular na
lugar.
Dokumentaryo
Dokumentaryo- ay nagbibigay impormasyon
tungkol sa katotohanan o sitwasyon ng isang
tao o lugar. Ang layunin nito ay upang
mapamulat o matuto ang tao sa tunay na
sitwasyon o pangyayari sa isang tao o lugar
“Ang Tradisyunal At Modernong
Panitikan Sa Kulturang
Popular Ng Mga Flipino”
Ni Paolo Acabado
Ang tradisyunal na panitikan ay madaling
makikita sa lipunan ng Pilipinas. Ang gusto ng
masa ay mga programa na nakaaaliw o kaya
naman ay nakapagbibigay pag-asa. Isang
halimbawa nito ay ang mga soap opera” o mas
kilalangayon sa katawagang “Telenovela”.
Kadalasan itong pinapanood ng mga tao sapagkat
gusto nilang maaliw at makasubaybay sa mga
programang ito. Katulad nito ay ang “telenovela”
na “Walang Hanggan” ng ABS-CBN ngayon.
Ang “telenovelang” ito ay ipinapakita ang
kasanayan na nating mabuti laban sa masama
kaya naman ito naging tradisyunal (Good vs.
Evil”). Ang bida sa palabas (Coco Martin, Dawn
Zulueta) ay mayroong mga hinaharap na mga
kontrabida (Madam Margaret, Miguel)
at alam naman natin na nasa huli’y palaging ang
mabuti ang nagwawagi. kahit di pa nagtatapos
ang programa ay alam na natin na ganito ang
mangyayari dahil nga sa gawi ng mga ganitong
uri ng programa na magtapos ng masaya at
positibo.
Ngunit ang kulturang popular ng Pilipinas ay
kakikitaan din ng modernisismo, kadalasan ay
nakikita ito sa mga “indie films” na nagpapakita ng
totoong kalagayan ng ating lipunan. Realidad ang
ginagawang pundasyon, kuwento at istruktura ng
mga ganitong palabas.
hindi naman ibig sabihin nito na ang mga
“indie films” ay mga totoong kuwento
bagkus ay ipinapahayag lamang ng mga
ito ang isang aspeto sa realidad ng ating
lipunan.
Halimbawa nito ay ang “indie film” na
“Kinatay” na pinagbibidaan ni Coco Martin.
Ito ay nagpapakita ng korapsyon ng ating
pulisya na totoo nga namang nangyayari sa
ating lipunan. Ipinasisilip nito sa atin at
ipinababatid ang mga nangyayari sa ating
ginagalawang komunidad.
Ang tradisyunal at modernong panitikan ay
naglipana sa ating kulturang popular. Madami
ang tumatangkilik sa tradisyunal kaysa sa
moderno sa ating lipunan. Ngunit tayo pa rin ang
magpapasya kung ano ang mas makabuluhan
para sa atin.
Kahit na parehong importante sa atin ang
dalawang uring ito, hindi pa rin natin
maiiwasan na medyo humilig sa isa. Kahit
ano pa man ang ating mapili, hindi natin
maikakaila na patuloy pa ring hinuhubog
ng mga ito ang ating pagkapilipino.
Pangkatang Gawain
Mungkahing Estratehiya:

POSTER-IFIC!
Ipakita sa pamamagitan ng
isang poster ang pinaka-
popular na panitikan para sa
iyo.
Panitikan

Tradisyonal

Modernisasyon Teknolohiya

Babasahing
Popular
Konsepto Ukol sa mga
Popular na Babasahin
Masasabing nagpatuloy ang
tradisyunal na panitikan sa kabila ng
modernisasyon dulot ng pag-unlad ng
teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang
ito ng bagong mukha.
Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang
kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin
gaya ng komiks, magasin at dagling katha ay
nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda
sa tradisyunal na uri ng panitikan.
Kung susuriin, naiiba lamang sa
estilo, pamamaraan at kaalamang
teknikal ang panitikang popular.
May iba’t ibang midyum na ginagamit sa
paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t
ibang palabas na maaaring napakikinggan o
napanonood ng mamamayan lalo na ng
kabataan sa kasalukuyan.
Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks,
magasin, internet, radyo at telibisyon. Ang
mga ito ay maituturing nating kumakatawan
sa kulturang popular ng mga Pilipino sa
ngayon.

You might also like