Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Noli Me Tangere Kabanata 40

ANG KARAPATAN AT LAKAS


Mga tauhan

Don Filipo:

Pinamunuan niya ang dula dahil abala sa pagsusugal ang alkalde ng


mga gabing iyon.

Maria Clara:

Kasama niya ang kanyang mga kaibigan sa panonood ng dula.


Kasintahan siya ni Crisostomo Ibarra.
Padre Damaso:

Siya ay pari na may malasakit sa kalagayan ni Maria Clara at


mainit ang dugo kay Ibarra.

Padre Salvi:

Pari rin na nagmamasid sa pangyayari, at may ibinabahaging


saloobin kay Maria Clara.
Crisostomo Ibarra:

Binata na sumusubaybay sa dula, kasintahan ni Maria Clara,


may malaking abuloy sa dula.

Alperes:

Isa sa mga nagpahinto ng pagtatanghal dahil sa ingay.


Donya Consolacion:

Kasama ng alperes sa pagpapahinto ng pagtatanghal.

Sundalo:

Sila ang nag-utos na itigil ang pagtatanghal.

Elias:

Siya ay isang tauhan na tumulong na mawala ang kaguluhan sa


lugar.
Talasalitaan:
Kwitis – paputok na ginagamit sa mga okasyon
Dula – isang pagtatanghal o pagganap sa isang kuwento o sitwasyon
Panauhin – bisita
Abuloy – ambag o donasyon
Komprontasyon – pakikipagharap o pakikipagtalakayan sa isang isyu o problema
Kwardriyero – miyembro ng isang yunit military
Kaguluhan – kalituhan o kalagayan ng hindi katahimikan
Kumbento – lugar kung saan naninirahan ang mga pari o madreI
tanan – tumakas kasama ang isang tao nang hindi sinasabi sa iba
Silid – kwarto o lugar sa loob ng isang bahay
Buod:

Sa ika-sampu ng gabi, sinimulan ang pagpapaputok ng


kuwitis na tanda ng pagsisimula ng dula. Pinangasiwaan ni
Don Filipo ang pista, habang nag-uusap sina Tinyente at
Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang
tungkulin. Ngunit hindi tinanggap ng Kapitan ang pagbibitiw
ni Tinyente, kaya masama ang loob niya.
Nagsimula na ang dula na pinangunahan nina Chananay at
Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Habang nakatuon ang
lahat sa dula, malayang nakatitig si Padre Salvi kay Maria
Clara. Dumating si Ibarra sa pagtatapos ng unang bahagi ng
dula, at nakatawag ng pansin ang kanyang pagdating sa mga
pari. Hiniling ng mga pari na paalisin si Ibarra, subalit
tinutulan ni Don Filipo ito dahil sa takot na suwayin ang
Kapitan Heneral at dahil na rin sa malaking abuloy na
ibinigay ni Ibarra.
Dahil sa pagtutol ni Don Filipo, ang mga pari ang umalis sa
kalagitnaan ng dula. Umalis din si Ibarra para puntahan ang
nalimutang tipanan, ngunit nangakong babalik bago matapos
ang dula. Dumating ang dalawang gwardya sibil para ipatigil
ang dula dahil nabubulahaw ang tulog nina Donya
Consolacion at Alperes, ngunit hindi ito pinagbigyan ni Don
Filipo, kaya nagkagulo.Hinuli ng mga kuwadrilyero ang
dalawang gwardya sibil at dinala sa tribunal
Bumalik si Ibarra at hinanap ang katipan na si Maria
Clara. Pinagbabato ng mga kalalakihan ang mga
gwardya sibil, ngunit huminahon sa pakiusap ni Elias
na inabisuhan ni Ibarra dahil wala silang magagawa ni
Don Filipo.
Nakita ni Padre Salvi ang mga pangyayari, at
nagmistula itong baliw. Nawalan ng malay si
Maria Clara, kaya si Ibarra ang bumuhat sa
kanya. Nang makita ni Padre Salvi ang anino nina
Maria Clara at Tiya Isabel sa labas ng bahay ni
Kapitan Tiyago, umuwi na rin ito.
Suliraning panlipunan:
Ang paggamit ng mga tao ng kanilang kapangyahiran sa lipunan at
ang pang aabuso sa kanilang mga tungkulin, tulad ng ginawang pag
uutos ni padre salvi kay Don Filipo na paalisin si ibarra ng itoy
dumating upang manuod ng tanghalan, dahil nag seselos sya kay
ibarra, dahil sya ay may lihim na pagnanasa kay maria clara,ngunit
hindi ito napaalis sapagkat ayon kay don filipo hindi nya pwedeng
gawin iyon sapagkat si Ibarra ay nag bigay ng malaking abuloy.
Ganun din ang ginawang pagpapatigil ni
donya concolasion at alperes sa dula sa
kadahilanang hindi daw sila makatulog.Sila
ang mga taong ang iniisip ay ang pansarili
nilang pangangailangan na hanggang ngayon
ay marami paring mga tao tulad Nila.
Aral
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng
pagtatanggol sa karapatan at lakas ng isang tao. Nakita natin
kung paano ipinaglaban ni Don Filipo ang kanyang prinsipyo
laban sa mga pari at gwardya sibil upang ipagpatuloy ang
dula. Sa kabila ng takot sa mga pari, pinili ni Don Filipo na
sundin ang kagustuhan ng Kapitan Heneral at ipaglaban ang
karapatan ng mga tao na magkaroon ng aliw sa pista.
Ang paglaban din ni Ibarra sa kanyang
damdamin at pagpunta sa tipanan ay
nagpapakita ng kahalagahan ng pagtupad sa
ating mga pangako. Ang pagtulong niya kay
Maria Clara nang ito ay nawalan ng malay ay
simbolo ng kanyang pag-aaruga at
pagmamahal sa kanya.
MARAMING SALAMT!

You might also like