Griyego na nagsikap na sakupin at manirahan sa mga lupain sa labas ng DIASPORA bansang Griyego upang matugunan ang kanilang suliranin sa lumalaking populasyon noong ikaapat na siglo bago ipanganak si Kristo. Sa Lumang Tipan na isinalin sa Griyego, nagkaroon ng pagbabago ang orihinal na konsepto ng "Diaspora" na tumalakay sa mga mamamayang Judio (Jews) na ipinatapon ng mga Babilonyan mula sa Judea at ng Romano Imperyo mula Jerusalem. Ang pangkaraniwang salitang na "Diaspora" ay tumutukoy sa lupon ng mga tao o etnikong populasyon na pinilit o hinimok na iwan ang kanyang tradisyunal na etnikong tahanan at mamuhay at manirahan sa ibang komunidad. Makalipas ang maraming siglo matapos maglaho ang kaharian ng mga sinaunang Griyego, ang kasaysayan ng ating daigdig ang nagsilbing isang buhay na saksi sa pangkasalukuyang konteksto ng mga pangdaigdigang diaspora na nag-ugat mula sa pagpapatapon, pagpapaalipin, kapootang panlahi, digmaan at iba pang di mapagkaunawaan ng mga tao, o dahil sa mga natural na kalamidad o kalunos lunos na sitwasyong pang ekonomiya sa Bayang Sinilangan. Ang diaspora ay isang kaganapan kung saan may malaking pagkilos ng mga tao na lumilikas at naghahanap ng kaligtasan mula sa isang magulong kondisyon. Ito ang simula ng kwento sa paglalakbay ng Lahing Kayumangi. Ang isang diaspora (mula sa Griyego), "pagkalat, paghiwalay") ay isang nakakalat na populasyon na ang pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya. Maaring tumukoy rin ang diaspora sa paggalaw ng populasyon mula sa orihinal na bayang pinagmulan. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng tirahan ng tao mula sa isang teritoryong politikal papunta sa ibang teritoryong politikal o bansa.Bilang MIGRASYON karagdagang detalye, ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang- matagalan, pansamantala o permanente Mas malaki ang kita sa ibang bansa. Ito ay ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa panahon ngayon. Mas ligtas sa ibang bansa. Isa sa mga DAHILAN NG pinakamalaking isyu ng Pilipinas ay ang kawalan ng MIGRASYON kaligtasan. Dahil dito, nais ng mga Pilipino na lumipat sa ibang bansa na mas ligtas. Pagnanais na makasama ang mga kamag-anak o pamilya sa ibang bansa. Kagustuhang mag-aral sa ibang bansa upang makakuha ng mas maayos na edukasyon. Bakit ba kailangan pang umalis ng bansa? Isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa natin ang kawalan ng trabaho ng marami. At marahil isa itong pangunahing dahilan kung kaya’t marami sa atin ang pinipili na lamang makipagsapalaran sa ibayong-dagat kahit pa wala silang kasiguraduhan sa magiging buhay nila doon. Buhay sa Ibang Bansa Aminin natin na minsan iniisip natin na kapag nasa ibang bansa ang kamag-anak o kababayan natin, masarap na ang buhay nila. Nakakakain na sila ng masasarap na pagkain. Maayos na ang buhay nila. Ngunit, hindi natin alam na hindi pala ganon kadali ang buhay nila doon. Gaya nang nangyari kay Flor. Napagbintangan siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kasalanang, hindi lang pamilya niya ang naapektuhan kundi maging ang mga kababayan niya. Kasalanang, nagbigay inspirasyon at aral sa lahat. At, kasalanang kailanman ay hindi niya magagawa. Masalimuot ang naging buhay ni Flor. Noong May 4, 1991, natagpuang patay sa sakal si Delia Maga, isa pang OFW, kasama si Nicholas Huang, ang apat na taong gulang na bata na inaalagaan nito. Walang suspek ang pulisya ng Singapore, pero nakita nila ang pangalan ni Flor sa talaarawan ni Maga. Umamin (o napuwersang umamin) sa pagpatay si Flor sa interogasyon, at tinanggap ng Philippine Embassy na kapani-paniwala ang salaysay niya. Pero walang siyentipikong ebidensiya na inihapag ang prosekusyon o depensa sa trial. Bago pa man ang hatol, personal nang umapela ang noo’y Pang. Fidel Ramos sa gobyerno ng Singapore na itigil ang pagbitay. Natuloy ang bitay kay Flor noong Marso 17, 1995. Dumagsa ang mga Pilipino sa kalsada para magprotesta. Taong 2010 nang mahuli si Veloso sa Yogyakarta Airport sa Indonesia na may bitbit na droga sa kaniyang bagahe.
Nasentensiyahan siya ng kamatayan.
Pero noong 2015, nabigyan siya ng "reprieve" o pansamantalang
ipinagpaliban ang pagbitay sa kaniya. Nang bumalik si Sarah sa Pilipinas noong August 1, 1996 mula sa halos dalawang-taong pagkakabilanggo sa Al-Ain, Abu Dhabi, sinalubong siya bilang isang bagong bayani na sumisimbolo sa mga kababayan nating inabuso at minaltrato sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Naging maingat ang ating gobyerno sa pag-apela ng kanyang kaso sa gobyerno ng United Arab Emirates dahil tinutukan siya ng sambayan matapos mabigo ang pamahalaan ng Pinas sa pag-apela sa kaso ni Flor Contemplacion na binitay sa Singapore anim na buwan lang ang nakakaraan.
Sa kanyang pag-uwi ay marami ang nagpahayag ng suporta at
nagbigay ng tulong na pinansyal na maggmit upang makabangong muli. Kasama na dito ang scholarship sa Center for Pop Music kung saan ang kanyang unang recital ay nagbigay sa kanya ng kontrata sa Sony Music Philippines noong 1999. Binigyan din siya ng pagkakatong makapag-aral muli – matapos na ipasa ang pagsusulit sa ilalim ng DECS ay nabigyan siya ng high school diploma na ginamit naman niya upang makapasok bilang AMA Computer College scholar sa kursong mass communication. Sa hirap ng buhay ngayon, marahil palaisipan sa ating mga Pilipino kung paano umangat at umunlad ang katayuan sa lipunan? Marami sa atin ay nangangailangan ng sagot upang masagot ang mga katanungang ito. Kung pagbabatayan ang katayuan ng isa rito sa Pilipinas kumpara sa isang bansa maaaring napakalaki ng agwat sa pagitan nito. Dahil sa mga pangyayari at mga patunay na ito sapat na ba ang tinatawag nating “Migrasyon” upang makaahon sa pamumuhay? Sa pananaw ng maraming Pilipino, talagang isang oportunidad ito para sa kanila. Maraming maaaring benepisyong hatid ang pagpunta o paglipat ng isang tao sa isang pook. Ngunit kabila ng maraming maganda at mabuting epekto nito, may nakaabang din itong masamang resulta o panganib sa buhay. Subalit marami pa rin ang nakikipagsapalaran at sumusubok sa pagnanais na gumanda ang buhay. Ang iba nga ay gumagawa na ng kasamaan o pilit na kumakapit sa patalim kapalit ng magandang kinabukasan. Pangunahin na sa ating mga Pilipino ang paghahanap ng maayos at de-kalidad na trabaho. Bunsod ng kakulangan ng hanapbuhay dito sa bansa, humahanap ang mga kababayan natin o tinatawag na OFW upang doon makilala at makatagpo ng kabuhayan. Bagama’t mahirap, pilit na tinitiis para sa mga mahal sa buhay. Katunayan may mga OFW na umunlad ang buhay dahil sa migrasyon. Yumaman ang iba at nakilala dahil sa kanilang angking husay at galing. Kung dito sa bansa hindi sila mapansin, sa iba naging matagumpay at naging propesyunal sila. Para sa akin, isang magandang pangitain kung saan ito ang magsisilbing daan pa sa mas maraming Pilipino na mangibang bansa Nakakatuwang isipin na mayroong mga kababayan natin na nabibigyan ng pangaral dahil sa kabutihan, pagpupunyagi, pagsisikap, at pagiging determinado nila sa kanilang hanapbuhay. Dagdag pa rito, hindi lang sila ang nakikilala kundi pati rin ang bansang kanilang sinasagisag. Dito nasasalamin kung anong uri ang mga tao nito at mismong pinanggalingan niya. Talaga namang maipagmamalaking tunay ng Pilipinas ang mga OFW dahil sa karangalang dinadala nito. Sa kabilang banda, ang mga tagumpay na ito ay may masamang dulot sa kanila. Lingid sa kaalaman ng ilan, hindi sa lahat ng pagkakataon masasabing ang OFW ay may masarap na kinahihinatnan. Ang iba’y nasasangkot sa iba’t ibang krimen lalo’t sa ibang bansa pa gaya ng sindikato ng droga, trafficking, pagpatay, at marami pa. Sa halip na trabahong legal ay ilegal at nagiging mitsa pa ng pagkakakulong, mas malala pa ay napaparusahan ng bitay dahil sa krimeng nagawa. Kung may nakakatuwa, mayroon ding nakakalungkot. Ang mga OFW ang siyang nagbukas sa ibang bansa na kilalanin ang Pilipinas. Hindi mapapalitan ng anumang materyal na bagay ang kabayanihan nila. Ang kanilang pagod, pawis, dugo, puyat, at sakripisyong mawalay sa minamahal sa buhay, ang siyang dapat nating pahalagahan. Sila ang itinuturing na bagong bayani ng bansa . God bless us all