Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Kahalagahan ng pag

sulong at
pangangalaga sa
karapatang pantao
Ito ay mahalaga dahil
makakatulong ito sa
pagkakaroon ng mapayapa at
tahimik na kumunidad.Kong
wala ito patuloy na
magkakagulo ang mga tao at
laging dinadaan sa dahas ang
mga alitan.
Ang paglaban at pangangalaga sa karapatang pantao
ay isang kritikal na mga layunin ng ating lipunan. Ito
ay nagpapakita ng pagkakaisa at respeto sa lahat ng
mga tao, pati na rin ang mga karapatang elemento
tulad ng katarungan, kalayaan, integridad, at
pagkakaroon ng buhay na may dignidad. Nito
maaaring mabigyan ng kakayahan ang bawat isa na
magtustos sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa
mga karapatang ito, at makabangon sa mga
pagkakamali ng kasayahan. Ang paglalayag sa
karapatang pantao ay isang mahalaga na paraan
upang mapanatili ang demokrasya at pag-unlad ng
ating bansa.
Ang karapatang-pantao ay ang mga
pangunahing karapatan na dapat ay
taglayin o matamasa ng bawat tao. Ito ay
kinabibilangan ng karapatang maging
malaya, karapatang mabuhay, karapatang
magkaroon ng mga pangunahing
pangangailangan katulad ng pagkain,
pamilya, tirahan, at edukasyon,
karapatang makapili ng relihiyon,
karapatang maging ligtas at karapatang
ipahayag ang sarili.
Ang karapatang-pantao ay ang mga
pangunahing karapatan na dapat ay
taglayin o matamasa ng bawat tao. Ito ay
kinabibilangan ng karapatang maging
malaya, karapatang mabuhay, karapatang
magkaroon ng mga pangunahing
pangangailangan katulad ng pagkain,
pamilya, tirahan, at edukasyon,
karapatang makapili ng relihiyon,
karapatang maging ligtas at karapatang
ipahayag ang sarili.
Iba pang kahalagahan nang
karapatang pantao
1..Pagbibigay ng pangunahing
pangangailangan sa mga tao -
2.Pinoprotektahan ng karapatang-
pantao ang mga tao laban sa mga
pang-aabuso
3.Pinoprotektahan ng karapatang-
pantao ang kapaligiran
4.Binibigyan ng karapatang-
pantao ng kalayaan sa pagpili ng
relihiyon
5.Pinoprotektahan din ng karapatang-pantao
ang kalayaan ng bawat isa na pumili ng
mamahalin at makakasama sa buhay
Noong Disyembre 10, 1948, ang
Pangkalahatang Kapulungan ng
mga Bansang Nagkakaisa ay
nagsagawa at nagpahayag ng
Pandaigdig na Pahayag ng mga
Karapatan ng Tao.
Ang buong nilalaman noon ay mababasa
sa mga susunod na pahina. Kasunod ng
makasaysayang gawaing ito, ang
Kapulungan ay nanawagan sa lahat ng
mga kagawad ng bansa upang ilathala ang
nilalaman ng Pahayag at "upang ito'y
palaganapin, itanghal, basahin, at
talakayin lalung-lalo na sa mga paaralan
at iba pang institusyong edukasyonal,
nang walang pagtatangi batay sa
kalagayang pulitikal ng mga bansa o mga
teritoryo."
• Pangwakas na Textong May Pahintulot na
salin sa Pilipino ng Katipunan ng Bagong
Pilipina. Ipinaabot ng Punong Pangkaalaman
ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pilipinas
ang taus-pusong pasasalamat sa Law Center
ng Pamantasan ng Pilipinas na unang
naglimbag ng pahayag na ito na salin sa
Pilipino. Ipinalimbag ng Punong
Pangkaalaman ng mga Bansang Nagkakaisa
para sa Pilipinas at ng Kagawaran ng
Kabatirang Pangmadla ng mga Bansang
Nagkakaisa.
MGA
ORGANISASYONG
NAGTATAGUYOD
NG KARAPATANG
PANTAO ]
Mga Pandaigdigang Samahan/ Organisasyon

1.Amnesty International(Defending
Human rights)-Ito ay samahang
nagsasagawa ng mga pananaliksik at
kampanya laban sa pang-aabuso ng mga
karapatang pantao sa buong
daigdig .Nangunguna sa pagkilos upang
mabigyan ng katarungan ang mga
biktima ng paglabag sa karapatang
pantao.
2.Human Rights Action Center
(HRAC)-Ito ay isang
organisasyong nagtataguyod ng
mga karapatang pantao sa
buong daigdig na itinatag ni
Jack Healey na isang kilalang
human rights activist .
3.Global Rights-Ito ay isang
pandaigdigang samahan na
naglalayong itaguyod at
pangalagaan ang mga
karapatan ng mga taong
walang gaanong boses sa
lipunan at pamahalaan.
4.Asian Human Rights Commission –
Isang samahang aktibo sa
pakikipaglaban para sa karapatang
pantao sa Asya. Naglalayon ang
samhan na ito na magkaroon ng
higit na kamalayan hinggil sa
karapatang pantao at
pagsasakatuaran nito sa buong
asya.
LOKAL NA SAMAHAN/ORGANISASYON
1.Comission on Human Rights(CHR) – Ito ay
samahang ang pangunahing tungkulin ay
pangalagaan ang mga karapatang pantao
ng mga mamamayan sa bansa.kinikilala
ito bilang “National Human Rights
Institution”(NHRI) ng pilipinas. Ang
pagkakatatag nito ayu alinsunod sa
nakatadhana sa seksyon 17 ng Artikulo
XIII ng Saligang Batas ng Republika ng
pilipinas.Ang mga pangunahing gawain ng
komisyong ito ay ang mga sumusunod:
2.Philippine Alliance on Human
Rights Advocates(PAHRA) – isang
samahan na naitatag noong Agosto
9,1986. Isa itong alyansa ng mga
indibidwal,institusyon at
organisasyong ang pangunahing
layunin at pangalagaan at ipaglaban
ang mga karapatang pantao sa bansa
3.Free Legal assistance
Group(FLAG) – Itinuturing ito
bilang pinakamatandang samahan
ng human rights lawyers sa
pilipinas na naitatag noong 1974
nina Jose W. Dionko, Lorenzo
Tanada Sr,. At Joker Arroyo.
4.Philippines Human Rights
information
Center(PhilRight)- Isang
samahang nangunguna sa
pagsasagawa ng mga
pananaliksik at pagkalap ng
impormasyon hinggil sa mga
isyung nauugnay sa karapatan at
kaunlaran.
5.KARAPATAN:Alliance for the Advancement
of People’s Rights – Ito ay alyansa ng mga
indibidwal, organisasyon at grupo na itinatag
noong 1995.Itinataguyod at pinangangalagaan
nito ang mga karapatang pantao sa pilipinas .
Ilan sa mga programa ng alyansa ang
magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan
ang mga mamamayan sa kanilang mga
karapatan at maging aktibo sa pagsuporta sa
mga gawaing magtataguyod sa karapatang
pantao.
6.Task Force detainees of the
Philippines(TFDP)- Grupong ang
pangunahing adhikain ay matulungan ang
mga tinatawag na political prisoners.
Naitatag ito noong 1974 sa kasagsagan ng
batas Militar sa pilipinas kung saan
maraming bilanggong politikal ang naitala.
Ang samahang ito din ay nagkakaloob ng
mga suportang ligal ,pinansyal at moral sa
mga bilanggo at kaanak ng mga ito.

You might also like