Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Pagtatalakay

KONTEKSTONG HISTORIKAL
NG PAG-UNLAD NG KONSEPTO
NG KARAPATANG PANTAO
539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng
Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng
Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at
ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling
relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantay-pantay
ng lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na
tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian
ito bilang “world’s first charter of human rights.”
Cyrus’ Cylinder
• Maging malaya ang mga alipin
• Karapatang pumili ng nais na relihiyon
• Pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay
• Dito umusbong ang konsepto ng Natural Law
kung saan ang mga tao ay may sinusunod na
kalipunanng hindi nasusulat na batas sa
paraan ng kanilang pamumuhay
Noong 1215, sapilitang lumagda si John I,
Hari ng England, sa Magna Carta, isang
dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng
mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi
maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang
anumang ari-arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito,
nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
Magna Carta
• Hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin
ang anumang ari-arian ng sinuman nang
walang pagpapasya ng hukuman
• Itinaguyod ang makatwirang proseso (due
process) na may pagdinig sa kaso kasama
ang ang mga probisyong pagbabawal sa
panunuhol at di wastong paguugali ng mga
opisyales ng pamahalaan
Magna Carta
• Nililimitahan ang kapangyarihan ng hari ng
bansa
• Nakapaloob ang karapatan ng simbahan na
maging malaya mula sa pakikialam ng
pamahalaan
Noong 1628 sa England, ipinasa ang
Petition of Right na naglalaman ng mga
karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis
nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal
sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at
hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng
kapayapaan.
Petition of Right
• Hindi pagpataw ng buwis nang walang
pahintulot ng Parliament
• Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat
na dahilan
• Hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon
ng kapayapaan
Noong 1787, inaprubahan ng United States
Congress ang Saligang-batas ng kanilang
bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill
of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15,
1791. Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga
karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at
maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
Bill of Rights
• Karapatang pantao ng lahat ng mamamayan
at iba pang nanirahan sa bansa
• nangangalaga sa kalayaan sa pamamahayag,
relihiyon, pagpupulong, at petisyon
• nagbabawal sa hindi makatwirang
paghalughog at pagdakip, malupit na
kaparusahan, pamimilit sa pagkakasangkot
ng sarili
Noong 1789, nagtagumpay ang French
Revolution na wakasan ang ganap na
kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Sumunod
ang paglagda ng Declaration of the Rights of
Man and of the Citizen na naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan.
Declaration of the Rights of
Man and of the Citizen
• Nagpahayag na ang lahat ng mamamayan ay
pinagkalooban ng mga karapatan at kalayaan
sa ari-arian, seguridad at pagtutol sa paniniil
Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong
ng labing-anim na Europeong bansa at ilang
estado ng United States sa Geneva,
Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva
Convention na may layuning isaalang-alang ang
pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na
sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
The First Geneva Convention
• mas pinalawak na gampanin sa
pangangalaga na walang diskriminasyon sa
mga sugatan at may karamdamang sundalo
at iba pang tauhang militar
• paggalang sa simbolo ng pulang krus (Red
Cross) sa mga kagamitan at sasakyang
pangmedikal
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang
Human Rights Commission sa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong
Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
Sa pamamagitan ng naturang komisyon,
nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong
tinawag na Universal Declaration of Human
Rights.
Universal Declaration of
Human Rights
• Ito ang pandaigdigang pagpapahayag ng mga
karapatang likas, kalayaan sa pananalita,
paniniwala, at sa anumang pananakot at
nagpapahayag na ang lahat ay isinilang na
malaya at nagtataglay ng pantay na dignidad
at mga karapatan katulad ng lahat.
Universal Declaration of
Human Rights
• Ito ang dokumentong may pinakamaraming
salin ayon sa Guiness Book of World
Records.
Thank you!
Salamat!
Sukran!

You might also like