1. UMGERONAT Ito ay tumutukoy sa diyalogo o teksto kung saan kadalasan ay may magkasulangat na opinyon o paniniwala ang dalawang nag-uusap o ang isang manunulat patungkol sa kanyang inilalathala. 2. NSPYPOOROSI
Ito ay isang paninindigang inihahayag sa anyong
pangungusap na nilalayong patunayan ng tagapagtaguyod nito sa pamamagitan ng mga argumento. 3. ENYBIEASD
Mga bagay o dokumento na nagpapatunay na ang
isang bagay ay sa iyo. 4. NSAAKRAN Ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng isang gawain. 5. KSETOT Ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba't ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay bagay. Mga Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. nakikilala ang mga tiyak na katangian at kalikasan ng tekstong argumentatibo; b. naitatanghal ang maikling debate sa harap ng klase; at c. naiuugnay ang sariling karanasan batay sa paksa. ANONG SAY MO! Mechanics: • Ang buong klase ay hahatiin sa apat na grupo. • Ang guro ay magbibigay ng manila paper at pentelpen sa bawat grupo. ANONG SAY MO! Mechanics: • Ang guro ay magbibigay ng apat na paksa, at pipili ang bawat grupo ng isang paksa sa pamamagitan ng pag-bunot, at isusulat nila sa manila paper ang kanilang pananaw tungkol sa paksang nabunot. ANONG SAY MO! Mechanics: • Ang bawat grupo ay bibigyan ng 3 minuto para matapos ang kanilang gawain. • Pagkatapos ng 3 minuto, ang bawat grupo ay mag-uulat sa harapan. Pagkakaroon ng hiwalay na banyo o palikuran para sa mga kapatid nating LGBTQs. Pagsusulong ng mandatory military service para sa lahat ng pilipino edad 18 taong gulang sa buong bansa. Mas maraming dulot na masama ang paggamit ng social media kaysa mabuti. Pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo. 1. Ano ang pangangatwiran? 2. Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga na mayroong pakialam o mulat ang mga kabataan sa mga napapanahong isyu ng ating bansa? 3. Anong posibleng mangyari kung iilan na lamang sa mga kabataan ngayon ang mulat sa mga nangyayari sa ating paligid? Tekstong Nangangatwiran (ARGUMENTATIBO)
Prepared by : Mary Ann B. Dalaguit
ARGUMENTATIBO Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangan ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik. Dalawang Elemento ng Tekstong Nangangatwiran (Argumentatibo) 1. PROPOSISYON 2. ARGUMENTO 1. PROPOSISYON
Ang proposisyon ay ang pahayag na inilahad
upang pagtalunan o pag- usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig. 2. ARGUMENTO Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. Pagsusulit 1. Ano ang layunin ng tekstong argumentatibo?
a. Mang-akit ng mga mambabasa.
b. Ipahayag ang personal na opinyon ng manunulat. c. Ipagtanggol ang isang posisyon sa isang tiyak na paksa. d. Magbigay lamang ng impormasyon tungkol sa isang usapin. 2. Ano ang tinutukoy ng proposisyon sa tekstong argumentatibo? a. Personal na karanasan ng manunulat. b. Pahayag na inilahad upang pagtalunan o pag-usapan. c. Resulta ng empirikal na pananaliksik. d. Opinyon ng mga eksperto sa paksa. 3. Ano ang papel ng argumento sa isang tekstong argumentatibo?
a. Magbigay ng kaugnay na mga literatura at pag-
aaral. b. Ipagtanggol ang posisyon sa isang paksa. c. Mang-akit ng mga mambabasa. d. Ipaunawa ang personal na opinyon ng manunulat. 4. Ano ang pinagkakasunduan bago ilahad ang katwiran ng dalawang panig sa isang tekstong argumentatibo? a. Argumento b. Ebidensya c. Proposisyon d. Resulta ng pananaliksik 5. Aling elemento ang naglalaman ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig sa isang tekstong argumentatibo? a. Proposisyon b. Argumento c. Personal na karanasan d. Resulta ng empirikal na pananaliksik Takdang Aralin
• Mangalap sa mga lumang diyaryo na may
mga tekstong argumentatibo. • Gupitin at idikit sa A4 size bond paper. Maraming Salamat sa Pakikinig Prepared by : Mary Ann B. Dalaguit