Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PORMAL NA WIKA

Ito ang istandard dahil ito’y kinikilala,


tinatanggap, ginagamit ng karamihang
nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika
ang nagpapasya kung ang isang salita ay
dapat gamitin. Kung marapat ito’y
ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang
may pangkaligirang intelektuwal sa gayo’y
tumaas ang uri kapag malaganap na
ginagamit.
PAMBANSA
Ang salitang ginagamit sa mga aklat at
babasahing sumisirkula sa buong kapuluan
at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mga nagsisipag-aral.
PAMPANITIKAN
Mga salitang matatayog, malalalim,
mabibigat, makukulay at sadyang
matataas na uri. Ito ang mga salitang
ginagamit ng mga manunulat at
dalubwika.
DI-PORMAL NA WIKA
Ang mga salitang impormal ay ang mga
salitang karaniwan at palasak na
ginagamit sa mga pang-araw-araw na
pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa
mga kakilala at kaibigan. Kabilang dito
ang:
LALAWIGANIN
Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook
na pinaggagamitan nito, hindi ginagamit sa labas ng
kinamulatang lalawigan, liban kung sila-sila’y
magkakatagpo-tagpo sa labas dahil sa kinagisnan,
natural na siyang naibubukambibig kaagad.
Kapansin-pansin ang mga lalawiganing mga salita
bukod sa iba ang bigkas ay may kakaiba pang tono.
Ang lalawiganing salita ang tulak ng mga
makarehiyonal na kaugalian ng mga tao.
KOLOKYAL
Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita
ngunit may kagaspangan at
pagkabulgar, bagamat may mga anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita.
Pormal Kolokyal
saan naroon sanaron
nasaan nasan
naroon, naroroon naron
kaniya, kani-kaniya kanya, kanya-
kanya
aywan ewan
piyesta pista
BALBAL
Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang.
Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap
ng mga magulang at may pinag-aralan dahil masagwa
raw pakinggan.
Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi
tumatagal, agad nawawala. Ang mga salitang balbal
ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan,
wika ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng
mga bakla ay swardspeak.
•arak (pulis)
•iskapo (takas)
•istokwa (layas)
•juding (binababae)
•tiboli (tomboy)
•epal (mapapel)
•spongklong (istupido)
SALAMAT!!!

You might also like