Filipino - Week 5

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Si Alitaptap at si Paruparo:

Kasarian ng Pangngalan

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:

• Naipapahayag ang sariling ideya/damdami n o reaksyon tungkol sa


napakinggang kuwento batay sa tunay na pangyayari.
• Kilalanin ang mga halimbawa ng mga pangngalang may kasariang lalaki,
babae, at di-tiyak na kasarian.

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
PAGBASA

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya
itong nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.
Paruparo : Saklolo! Tulungan ninyo ako! (Dumaan si Langgam at
narinig ang sigaw ni Paruparo)
Langgam : Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda
ang sikat ng araw at maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam
at iniwan ang kaawaawang Paruparo)

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Paruparo : Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako.
(Dumating si Gagamba. Lumapit siya kay Paru-paro)

Gagamba : Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking


bahay. Mangunguha pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Paruparo : O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at
magsisitulog na ang kasama kong kulisap. Wala nang sa akin ay
makakakita. (Pagod at gutom na si Paruparo. Napaiyak siya. Nang
pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin siyang papalapit na
pakislap-kislap na liwanag)

Alitaptap : Naku, bakit ka nandiyan? Napaano ka at kawag ka nang


kawag?
2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Paru-paro : Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako
ng isang batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong
nakabaligtad dito. Hindi ko kayang tumindig na mag-isa upang lumipad.
Maaari bang tulungan mo ako?

Alitaptap : Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan
pang sandali ay dumating ang maraming alitaptap).

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Paruparo : Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa
aking dalangin. Kaybuti ng inyong kalooban…

Alitaptap : Walang anuman, kaibigang Paruparo. O sige, aalis na kami.

Paruparo : Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak.


Salamat na muli.

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Sino ang tauhan sa kwento?
2. Sinu-sino ang mga insekto na tumanggi tulungan si Paru-paro?
3. Gagawin niyo rin ba ang ginawa ni Alitaptap? Sa Paanong
paraan?
4. Ano ang aral sa kwento?

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Iguhit si Alitaptap at Paru-paro

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Tukuyin ang mga nasa larawan. Sabihin kung ito ay babae, lalaki, Di-
Tiyak o walang kasarian.

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Tukuyin ang mga nasa larawan. Sabihin kung ito ay babae, lalaki, Di-
Tiyak o walang kasarian.

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Apat na kasarian ng Pangngalan:
1. Panlalaki- tumutukoy sa tiyak na ngalan ng lalaki.
2. Pambabae- tumutukoy sa ngalan ng babae.
3. Di- Tiyak- maaring tumutukoy sa ngalan ng babae o lalaki.
4. Walang kasarian- tumutukoy sa pangngalan na walang buhay at walang
kasarian pati na rin sa mga bagay sa kapaligiran na may buhay ngunit walang
kasarian.

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Tukuyin ang mga larawan. Isulat kung babae, lalaki, Di- Tiyak o walang kasarian.

1. 2. 3.

4. 5.

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Gumuhit ng tig isang larawan ng bagay, tao o hayop
na may kasarian (babae at lalaki), Di- Tiyak at
walang kasarian

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 4
Panuto: Kilalanin ang mga pangngalan na nakikita sa
larawan. (p.32)

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 4
Panuto: Isulat kung ang larawan ay babae, lalaki,
walang-kasarian o walang buhay. (p.34)

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
I. Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
(p.35)
II. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang pinakagusto mong parte
sa kuwento ni “Alitaptap at ni paro-paro”. Kulayan ang iyong
ginawa.

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Panuto: Bilugan ang kasarian ng mga nasa larawan. (p.36)

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5
Tayahin Natin

Panuto: Isulat ang mga pangngalan sa tamang kasarian nito.


(p.37)

2/ Filipino
1st Quarter Linggo 5

You might also like