Organisasyon NG Papel

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

ORGANISASYON

NG PAPEL
REPORTER: KAREN JANE N. MEÑOSA
 Matapos mong isaayos at suriin ang mga
nakalap mong talâ, ang susunod mo namang
gagawin ay kung paano mo
i-o-organisa ang mga kaiisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyong sulating
pananaliksik. Sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o
impormasyong nasuri.
 Mahalaga ang organisasyon ng papel sa
pagsulat ng pananaliksik sapagkat ito ang
susi upang madaling maunawaan ang iyong
papel, kaya nararapat lamang na humanap
ng paraan upang mahusay na mapagtagni-
tagni ang talang nakalap.
 Maaari mong gamitin ang
alinman sa sumusunod na mga
prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel:
KRONOLOHIKAL
 Ginagamit ang prinsipyong ito
kung ang datos o impormasyon ay ayon sa
pagkasunod-sunod ng pangyayari.
Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng
proseso o pangyayari o maging
kasaysayan.
 HALIMBAWA

* Ang political dynasty sa Pilipinas

* Ang ebolusyon ng telepono


HEYOGRAPIKAL O
BATAY SA ESPASYO
Ginagamit ito kung ipapakita at
ipapaliwanag ang lokasyon, lugar, o
iba pang paggamit ng espasyo.
HALIMBAWA

* Ang mga internet café sa paligid ng mga


paaralan at pamantasan

* Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan


KOMPARATIBO
Ginagamit kapag nais ipaliwanag
o ipakita ang pagkakatulad at/o
ang pagkakaiba ng dalawang
bagay, tao, prinsipyo, o kaisipan.
HALIMBAWA

* Ang paggamit ng e-book at ng tradisyunal na


aklay

* Ang mano-manong pagbilang ng boto at


PCOS machine
SANHI / BUNGA
 Ginagamit kung nais bigyang-
diin ang sanhi at bunga ng isang paksang
sinisiyasat. Maaaring alam na ang sanhi
at sisiyasatin ang bunga, o kayâ ay alam
na ang bunga at sisiyasatin naman ang
sanhi.
HALIMBAWA

* Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na


nalululong sa computer games

* Ang dahilan ng maagang pag-aasawa


PAGSUSURI
 Ang prinsipyong ito ay ginagamit
kung nais ipakita ang paghihimay-
himay ng isang buong kaisipan.
HALIMBAWA

* Ang lagay ng paggawa ng indie films sa


Pilipinas

* Ang katotohanan sa likod ng modus na


“tanim/laglag-bala
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa
mga prinsipyong ginagamit sa organisiyon ng
papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang
prinsipyo upang ma-debelop ang iyong papel.
Kung minsan nga ay nagagamit ang lahat ng mga
prinsipyong nabanggit, ngumit karaniwang may
isa o dalawang prinsipyo kang gagamitin upang
maisulong o ma-debelop ang iyong papel.

You might also like