Professional Documents
Culture Documents
Ang Mga Lumad Sa Mindanao 2
Ang Mga Lumad Sa Mindanao 2
Ang Mga Lumad Sa Mindanao 2
2
• Ang mga B’laan ay ang unang pangkat ng Indonesia na dumating sa
Pilipinas mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakakaraan.
• Mas gusto nilang B’laan ang itawag sa kanila kaysa sa Bi-la-an dahil ang
Bi-la-an ay nangangahulugan ng kawalang galang at kabastusan.
• Ang pagbigkas ng Bi-la-an ay nangangahulugan ng “Malandi” o
“Kalandian”
8
• May tinagurian din silang L’nilong (fairies) na
mas mababa sa D’wata.
13
• Ang pag-aaral na ito ay nakasentro lamang sa isang tribu ng Davao Oriental,
ang MANDAYA, partikular ang nasa Sangab, sa Munisipalidad ng Caraga,
Brgy. Pichon, Davao Oriental. hindi rin maipagkakaila, na marami nang
pagbabagong nangyayari sa tribung ito sa kasalukuyan. Ngunit, sa Brgy.
Pichon, kapansin-pansing na nananatili pa rin ang kanilang katutubong
pamamaraan.
Sa mga babae naman, pinapaburan nila ito kung siya ay gimbubayan-ibig sabihin ay
babaeng marunong gumawa ng mga gawain ng lalaki, gaya ng pangangaso.
Walang pagkilala o pagtiyak sa taon kung kailan mag-aasawa ang isang babae o
lalake. Sila ay naniniwala na kung biologically fit na ang mga ito ay pwede na. Ang
gustong mag-asawa ay madedetermina lamang kung ang mga lalaki ay marunong ta
ng mangaso, magtayo ng bahay, magsaka, at iba pa; samantalang ang mga babae
saman ay kung marunong nang magluto, magtanim, at gumawa ng iba pang gawain
bahay.
Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake ay
hindi biro at kailangan itong sumunod sa mga hakbang tulad ng mga
sumusunod:
1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa
bahay ng babae.
2. Pagatud-atod, isang bahagi ito ng pamamanhikan na ang lalaki ay
magdadala ng mga pagkain sa bahay ng babae.
3. Pagkagon. Dito dadalhin na ng lalaki ang kanyang mga magulang
upang ipakilala sa pamilya ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay
kailangan nang pag-usapan ang sukat (dowry) ng babae.
4. Pagtawas Tumutulong na sa mga gawain ang lalaki sa pamilya ng
babae Halimbawa nito ay ang pagsasaka, pag-iigih ng tubig, at
pagsisibak ng kahoy.
5. Pagbutan ng sukat. Dito susubukin ang kakayahan ng lalaki ng pamilya ng
babae. Sa pagsubok na ito, ang mga magulang ng babae ay magpapahayag ng
kanilang mga kahilingan (sukat).
6. Pag-ol'lonan - Ang lalake ang magbibigay sa mga babae ng regalo
(remembrance) na sasaksihan ng mga magulang at kaibigan ng dalawang
panig.
7. Pagtutuonan. Ito ang panahon ng kasalan. Isa itong seremonya na lahat ng tao
sa pamayanan ay imbitado. Ito ay gagawin sa bahay ng babae. Aanyayahan
din ang mga mangkatadong (council of leaders) at balyan. Ang babae ay
papayuhan ng kanyang ina at ang lalaki naman ay papayuhan ng mga
mangkatadong at balyan at iba pang respetado sa pamilya. Pagkatapos ng
mga payo ay susunod ang pagdarasal ng balyan at idedeklara na ang kanilang
pagsasama. Susunod na rito ang salo-salo. Unang-unang pagsisilbihan ang
bagong kasal. Bibigyan ng kanin at byais. Sumunod ang mga mangkatadong,
balyan, mga magulang, at ibang mga panauhing dumalo. Magkakaroon din
ng sayawan, inuman, at kantahan.
8. Pagdudul logan. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa kanilang
bahay at iiwan ang babae sa mga magulang. Makalipas ang tatlong (3)
araw, pwede na silang magsiping sa bahay ng babae sa isang gabi
lamang. Mayroon na namang kainan na ihahanda para sa mga kaibigan
na hindi nakadalo sa pagtutuonan (kasal).
9. Pagdadal'laan, Ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung saan
ang babae ay dadalhin na sa bahay ng lalaki
Panganganak:
Sa pagbubuntis, ang Mandayang babae ay palaging hinahaplasan o pinapahiran ng
mga halamang gamot. Pagdating ng ikalimang buwan ay hinihilot ng manghihilot.
Ang mananabang din ay gumagamit ng mga tagal'lumo (mga bagay-bagay o halaman
na pinagsama-sama/pinaghalo-halo para panggamot). Kadalasan ay galing ito sa
panaginip o kaya'y itinuro ng kanilang abyan (espiritu). Ang iba naman ay pamana ng
pamilya, magulang, o kaya'y angkan
Noong unang panahon, kapag may ipinanganak na sanggol, ang ama ay agad
magtatanim ng punongkahoy sa kanilang bakuran para maging kasabay ito sa
paglaki ng kanyang anak. Ang punongkahoy na itinanim ay magsisilbing
tanda rin ng edad ng sanggol, Halimbawa, kung may magtatanong sa edad ng
anak, ituturo at ipapaliwanag lamang ng ama ang kaugnayan sa edad ng anak
ang itinanim nitong punongkahoy.
ANG KAMATAYAN AT ANG PAGLILIBING:
Ang Mandaya ay naniniwala na kung may namatay, ito ay kinuha ni Ibol'l. Si
Ibol'l ay naninirahan sa ilalim ng lupa at nag-aari sa mga patay. Sa manadaya
isang araw lamang pinaglalamayan ang patay Bago ilibing. Maaring ilibing sa
lupa o kweba, o di kaya'y ibinibitin sa itaas ng malaking puno.
PANINIWALA SA SAKIT:
Kung may sakit ang tao, pinaniniwalaan nilang may masasamang espiritu na
sumanib sa katawan nito.
PAMPAGANDA:
31
ILANG PAMAHIIN:
• Ang pagputol ng puno ng balete ay delikado sapagkat bahay ito ng engkanto.
• Ang buntis ay kailangang may dalang bawang upang hindi lapitan ng aswang.
• Ang dalaga at hindi dapat kumain ng tiwi (buntot) ng manok upang hindi ito
maglalandi o magakiwot-kiwot ( kembot-kembot).
KONSEPTO NG ORAS:
38
-Isang agrikultural na lugar at
lupain ang Bukidnon.
- Pangunahing iniluluwas na
produkto ay palay, mais, tubo,
kape, goma, niyog, kamoteng
kahoy, palm oit at iba’t ibang klase
ng bulaklak, prutas at gulay.
41
Ang Kaamulan Festival ay kaisa-
isang etnikong- piyesta sa
Pilipinas na ipinagdiriwang
kasabay Ng pakatatag Ng
Bukidnon noong 1917.
42
● Ang nakaaagaw-pansin at nakaeengganyo sa puso ng
karamihan ay ang awtensitidad o tunay na tatak ng
mga katutubo o mga näibong nagpapakita ng
kanilang mga gawain. May Pangampo o
pangkalahatang pagsamba, Tagulambong hu Datu o
ritwal ng bagong datu sa isang lipunan, Panumanod o
seremonyas ng mga ispiritu, Pansilig o pagpapalayo
ng mga masasamang ispiritu; at Panalas o ritwal ng
pagbabayad ng kasalanan.
43
• Tampok sa piyesta ang iba't ibang exhibit tulad ng
mga halamang doon lang makikita, trade fair, iba't
ibang putahe, mga bazaar, live stock show, agri fair,
Motorcross, paligsahan ng off-road, mga isports,
karerahan ng mga kabayo o horse radeo, amatyur na
boksing, invitational basketball tournament,
adventure races, mga konsyerto, at pagsasayaw sa
daan o street dancing at mga magagarang float ng
bawat tribung inirerepresenta nito.
44
• Sa kasalukuyan, ang Kaamulan ay umuunlad habang
dumaraan ang panahon- hindi lamang ang etnikong tribu
ng Bukidnon, kundi pati na rin ang kanilang mga
produktong iniluluwas at lokal na establisamento ng
buong probinsya. Sa bagong henerasyon, ang
matatandang katutubo at ang mga bumibisitang banyaga
ay naging daan upang makilala at mapahalagahan ang
kultura ng Bukidnon. Ang lahat ng ito ay karapat-dapat
lamang na maipamana sa susunod na salin-lahi.
45
Ang selebrasyon ng
piyesta sa Munisipalidad
ANG
PINAGMULAN ng Malaybalay ang kauna-
NG KAAMULAN unahang Kaamulan
FESTIVAL: Festival na ginanap noong
Mayo 15, 1974.
46
Ang selebrasyon ng piyesta sa Munisipalidad ng
Malaybalay ang kauna-unahang Kaamulan
Festival na ginanap noong Mayo 15, 1974. sa
pagnanais na mapanatili ang pyestang ito, ang
bise-alkalde ay nag-isip na imbitahin ang mga
taal na katutubo o INDIGENOUS PEOPLE na
makisalo sa kanilang selebrasyon magtanghal Ng
etnikong sayaw sa kinikilala ngayong Rizal plaza.
47
Ang festival ay pisagtibay bilang sebiyunal
na festival ng Hilagang bahaging Mindanao
ng Regional Development Council noong
Setyembre 16, 1977.
48
● Sa pagitan ng taong 1960 hanggang 1970, bawat indibidwal
ay nagpunyaging busin ang selebrasyon bilang paggalang sa
mga naging kontribusyon ng mga katutubo ng Bukidnon
lalo na sa kanilang kultura. Sa buwan ng Nobyembre 1977,
pinangunahan ng gobyernong probinsyal ng Bukidnon ang
kauna-unahang Kaamulan Festival. Sa taong 1978
hanggang 1998, ang Kaamulan ay napagkasunduang idaos
tuwing unang Biyernes ng Setyembre. Subalit noong 1999,
ito ay inilipat sa kalagitnaan ng Pebrero hanggang Marso,
kasabay na rin sa selebrasyon ng pagkatatag o Foundation
Day ng Bukidnon.
49
Ang mga Manobo. Nabibilang sa
orihinal na proto-Philippines stock ang
mga taong Bukidnon. Kahit na ang
grupo ng Bukidnon ay watak-watak,
nangingibabaw pa rin ang iisang
Ang mga tradisyon ng bawat grupo.
Kultural na
Ang iba't ibang kultural ng komunidad
Grupong Kasapi na makikita sa Probinsya ng Bukidnon
sa Kaamulan ay ang mga grupo ng Manobo,
Festival Bukidnon, Higaonon, Matigsalug,
Talaandig, Tigwahanon, at
Umayamnon.ukidnon ay ang mga grupo
ng Manobo, Bukidnon, Higaonon,
Matigsalug, Talaandig, Tigwahanon, at
Umayamnon. 50
ARUMANEN
Ang Arumanen naman ay isang sub-grupo. Narito
ang mga pahapyaw na pagpapaliwanag at
pagpapakilala sa mga tribo:
51
Kinikilalang pinuno ng Arumaarn Manobo ang
Timuay o datu na siyang tumatawag ng mga
pagpupulong.
Ang tradisyunal na sosyal na estruktura ng
Arumanen ay binubuo ng limang klase. Ito ay ang
tinuay na siyang namamahalang grupo, ang walian o
shaman na nangunguna naman sa espiritwal na
aspekto, mandirigma, taong karaniwan o hindi
maharlika: at alipin.
52
Sa kasalukuyan, ang mga Arumanen ay nanatili pa
rin sa pagsasagawa ng lang mga ritwal gaya ng
"Samaya-an Festival" na taunang ginaganap sa
huling linggo ng Disyembre bilang pasasalamat sa
kanilang kinikilalang makapangyarihang diyos/
diyosa, at paghahanap ng mga senyales tulad ng
mga grasya o swerte para maiwasan ang mga
kamalasan sa darating na taon, lalo na sa kanilang
komunidad.
53
BINUKID
○ Ang diyalekto ng Bukidnon ay Binukid.
○ Katamtaman lamang ang taas (limang
talampakan) nila at hindi pango ang
ilong.
○ Ang panliligaw at pag-aasawa ng mga
Bukidnon ay inaayos ng kanilang mga
magulang sa edad pa lamang na pito.
54
○ Ang mga magsasakang Bukidnon ay nagpapraktis
pa rin ng tradisyunal na pamamaraan sa
pagtatanim ng palay. Bigas, mais, abaka at mga
gulay ang mga produktong kanilang iniluluwas.
○ Ang kapangyarihan ng isang datu ay nabubuo sa
pamamagitan ng tiwala at kakayahang pamunuan
ang kanyang grupo. Tinitingnan ang kanyang
pakikihalubilo at mga tagumpay sa buhay, at hindi
nakabatay sa katandaan ang kanyang pagkadatu.
55
HIGAUNON
● Ang terminong Higaunon ay
nangangahulagang people of the
wilderness.
● Ang etno-ligal na aspekto lalo na sa
kultura ng mga Higaunon ay
nagbabago dahil sa pamamalakad ng
kanilang datu.
56
MATIGSALUG
● Mga grupo sa Bukidnon na makikita sa
lambak ng Tigwa-salug.
● “mga tao sa ilog ng Salug”
● Tinatayang mahigit 146.500 ang
populasyon ng Matigsalug.
57
TALAANDIG
● Isa sila sa mga katutubong etniko na
nagpapatuloy at nagpepreserba ng kanilang
kaugalian paniniwala, at praktis kahit na sa
malakas na pagpasok Ng modernisasyson at
pagbabago
● Ang tinatanyang populasyon ng Talaandig ay
mahigit na isandaang libo.
● Ang mga miyembro ng grupo ay makikita sa
barangay at munisipalidad Ng bundoo
Katinglad.
58
Magbabaya - Ang kanilang pinaniniwalaan na Diyos.
Pinaniniwalaan nila sya ang pumuprotekta ng kanilang
kalikasan na makikita sa sosyal, pulitikal, at pangkabuhayan na
aspeto ng kanilang buhay.
59
TIGWAHANON
● Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San
Fernando at hangganan Davao del Norte ang Tigwa o
Tigwahanon.
● Ang ibig sabihin Ng salitang Tigwahanon ay mula sa
salitang gawa o scattered sa Ingles at mula sa ilog ng
Tigwa na kung saan sila nakatira.
● Sa kasalukuyan, ang mga Tigwahanon ng Agusan
Del Norte, Bukidnon, Agusan del Sur Misamis
Oriental ay umaabot na sa bilang na 36,128 ang
populasyon.
60
UMAYAMNON
● Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa
Probinsya ng Bukidnon.
● Kilala ang tribong ito sa kanilang pagkamahinhin,
matatag kung magdesisyon at eksperto sa gubat.
● Makikilala sila dahil sa kanilang katamtamang kulay ng
balat, katamtamang tangkad, at sa kanilang prominenteng
panga at buto sa dakong itaas ag pisngi o cheekbone.
● Gumagawa sila ng mga butyl o beadworks bilang
palamuti sa katawan tulad ng ginakit at inaboy o kwintas,
suning o handbag ng lalaki, at binuklad o pulseras.
● Ang populasyon nila ay aabot sa 101,906.
61
ILANG MGA
KASANAYANG
KULTURA
62
• Pangampo: isang taunang ritwal na
nagyayari tuwing buwan ng enero na
pumapaloob sa pagdarasal sa kanilang
Diyos na si Magbabaya.
63
• Salansang:
Isang Seremonya rin sa paghingi ng
pahintulot Kay Magbabaya na mag tanim
ng halamang pagkain.
• Pang-iibasok:
Pagsamba bago at pagkatapos magtanim.
• Layag-Layag:
Seremonya na panangga o proteksyon ng
kanilang tanim.
64
Lagong:
• Pasasalamat
65
Samayaan:
66
Pangapar:
Kandulian:
67
MGA KATUTUBONG INSTRUMENTO:
Agong :
• Ginagamit sa sayawan.
• Binubuo ng tanso,hugis sombrero 68
Tambol: Bantola:
katulad ng bantola ngunit may walong Parang gitara na Amy mahabang leeg.
kwerdas na siyang nagliliha ng tunog May isa o dalawang kwerdas.
Kodlong:
Kuratong:
71
Pala: Palandig:
Pinakasikat na epiko sa bukidnon Ang OLAGING. Isa itong katutubong epiko na may
iba't ibang berso. Nilalaman ng epikong ito Ang tungkol sa agrikulturang Bukidnon.
85
Ang mga Mansaka ay isang etnikong grupo
na matatagpuan sa Rehiyon XI, partikular sa
mga probinsya ng Davao del Norte at
Compostela Valley.
Ang salitang Mansaka ay hango sa salitang
man o tao na ang ibig sabihin ay una at saka
na nangangahulugang umakyat.
Ito ang sinasabing the first people to ascend
to the mountain or go upstream o mga
unang taong umakyat sa bundok.
Tipamud ang tawag sa mga unang taong
Mansaka.
86
● Ang ikinabubuhay ng mga
sinaunang Mansaka ay
pagsasaka, pangangaso ng mga
ibon, baboy ramo, usa, at iba
pang hayop at pangingisda.
● Ibinabahagi nila sa kanilang
kasamahan o komunidad ang
kanilang mga nahuhuli.
● Sumusunod sila sa alintuntunin
na dapat silang mangisda sa
kanilang teritoryo lamang.
87
● Ang balyan o ritual practitioner ay
may mga gawain at pag-uutos na
sinusunod din ng mga Mansaka lalo
na sa panggagamot at pagsasagawa
ng ritwal.
● May malaking bahagi ang mga
baylan sa panahon ng pagtatanim at
pag-aani. Isinasagawa ang ritwal
upang itaboy ang masamang espiritu
at peste na maaaring makapinsala sa
mga pananim.
● Naniniwala din sila sa kanilang Dios
na tinatawag nilang Magbabaya.
88
● Ang pagsasaya ng mga Mansaka
ay sa panahon ng pag-aani,
pagpapakasal, pagbibinyag,
pagpapatuli, pagpapasalamat sa
masaganang ani, at iba pang
okasyon.
● Mayroon din silang mga
katutubong sayaw, awit, at mga
instrumentong pangmusikang
kahawig din sa instrumento ng
ibang tribu kaya lang nagkakaiba
sa katawagan, gamit at sa paraan
ng pagpapatugtog.
89
● Bahagi rin ng kulturang Mansaka ang
pagsusuot ng mga palamuti sa katawan.
● May mga pagkakakilanlan din sila kung
ang palamuti ay pambabae o panlalaki
gamit nilang balyog (kuwintas), mas
malaki ang para lalaki kaysa babae.
● Isinusuot ito ng mga Mansaka kapag
may okasyon, ngunit tanging datu, bag
at baylan lamang ang gumagamit nito sa
pang araw-araw.
● Sagrado para sa kanila kuwintas. Kaya
ipinagbabawal ang pagsuot ng palamuti
kung walang okasyon.
90
ANG MGA
MAMANWA
Nenita Rebecca Y. Casten
91
• Ang salitang Aeta, Ayta, Agta(Ata), Ate, Ita ay galing sasalitang-
ugat na "it" na ang kahulugan ay " maiitim" sa tagalog at sa Cebuano
ay itumon.
• May mga kagamitan sila para manghuli ng mga usa, baboy ramo,
unggoy, at malalaking ibon.
PANANAMPALATAYA AT ILANG GAWAIN:
• Noong ikalabimpitong siglo, isang Agustinong Misyonaryo ang sumulat na ang mga
Mamanwa, bilang nomadic na mga tao ay walang ideya tungkol sa relihiyon at mga
sibilisadong kaugalian. Subalit naniniwala sila sa pinakamataas na si Magbabaya.
• • Naniniwala rin sila na ang buwan o ang araw ay tahanan ng manlilikha nila. Kung
kaya tuwing kabilugan ng buwan ay nananalangin sila o nag- padidiwatahan, na
isang uri ng panalangin ng buong komunidad na pinangungunahan ng tambayon.
• • Moon prayer ay isang dasal na pasalita na may kasamang tugtog at sayaw ng mga
katutubo. Magsisimula sa pagpapakita ng buwan at magtatapos sa kadiliman ng gabi
ang pagdarasal.
AGRIKULTURAL NA PANINIWALA AT GAWAIN:
• Ayon pa rin mga sa manunulat ni Agustino, ang Mamanwa ay walang
bahay, taniman at kahit na mga kasangkapan. Mayroon lang silang pana
at busog at ilang makapal na lansetang ginagamit sa panghuhuli ng mga
isda at hayop sa lupa. May pansamatala rin silang bahay na gawa sa
kahoy at dahon. Nag-aagrikultura sila ngunit dahil sa mga lagalag sila
kung kaya naiiwan din nila ang kanilang pananim.
100