Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

Araling Panlipunan 3

MELC 5
Pagkakaugnay-ugnay ng Anyong Tubig at
Anyong Lupa sa mga Lalawigan sa
Rehiyon
Kapag natapos mo na ang araling ito, ikaw
ay inaasahang:
1. Natutukoy ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga anyong tubig at anyong lupa sa mga
lalawigan sa sariling rehiyon.

2. Nakapagsasabi ng pagkakaugnay-ugnay
ng mga anyong tubig at anyong lupa sa mga
lalawigan ng rehiyon; at

3. Napapahalagahan ang mga pagkakaugnay


ng mga anyong tubig at anyong lupa sa
sariling lalawigan at rehiyon.
Nanood ba kayo ng
balita kagabi o kaninang
umaga? Sino ang
maaaring magreport na
kanyang napanood?
Paano kaya natin
mapapangalagaan
ang ating kalikasan?

Ano kaya ang


naibibigay na tulong
ng mga puno?
Ilang lalawigan ang
bumubuo sa
CALABARZON?

Halika at magsagot
tayo.
Sa Quezon matatagpuan
ang pinakamaliit na
aktibong bulkan sa daigdig.
Lungsod ng Trece
Martirez ang kabisera
ng Cavite.
Binubuo ng
WALONG lalawigan
ang Rehiyon IV-A.
Kilala ang Rehiyon IV-A sa
tawag na Timog Katagalugan
dahil ang naninirahan dito ay
mga Tagalog.
Ang Quezon ang may
pinakamaliit na sukat ng
kalupaan sa
CALABARZON.
Rehiyon IV-A CALABARZON
Alam mo bang maraming mga natatanging anyong lupa
at anyong tubig na magkakaugnay sa ating lalawigan at
rehiyon?

Pag-ugnayin Natin

Sa ating lalawigan ay matatagpuan,


Mga bundok, burol, talampas at kapatagan
Ilog, lawa ,talon at dagat ay mapaliliguan
Sapagkat mayaman ito sa sa likas na yaman.

Anyong lupa at anyong tubig ating pag-ugnayin


Upang makilala rehiyong kinabibiblangan natin.
Ating alagaan at ganda’y panatilihin
Ipagmalaki ito at ating mahalin.
Ang mga anyong lupa
at anyong tubig na nag-
uugnay sa ating
lalawigan at rehiyon ay
ang mga sumusunod:
Ang Bundok Makiling
ay matatagpuan sa
lalawigan ng Laguna na
itinuturing ng mga
siyentipiko ns isang
bulkan ngunit hindi pa
din pumuputok sa
mahabang panahon. Ito
rin ay anyong lupa na
nag-uugnay sa
lalawigan ng Laguna at
Batangas.
Ang Bundok Banahaw
ay matatagpuan sa
lalawigan ng Quezon.
Isa rin itong natutulog
na bulkan kagaya ng
Bundok Makiling.
Kabilang rin ito sa
bulubunduking ligar ng
Sierra Madre. Ito rin ay
anyong lupa na
naghihiwalay sa
lalawigan ng Quezon at
Laguna.
Ang Bulkang Taal ay
Lawa ng
matatagpuan sa
Lawa ng Taal lalawigan ng
Bonbon Batangas. Ito ang
bulkan na itinuturing
na isa sa mga
pinakaaktibong
bulkan sa Pilipinas.
Samantala, ang Lawa
ng Bombon ay nasa
gitna ng Bulkang Taal
at ang Bulkang Taal
naman ay nasa gitna
Ito rin ay anyong lupa na nag-uugnay ng Lawa ng Taal.
sa lalawigan ng Batangas at Cavite.
Ang Sierra Madre ang pinakatanyag sa Luzon at
pinakamahabang bulubundukin sa buong bansa.
Sinasakop nito ang lalawigan ng Cagayan sa Rehiyon
II hanggang sa lalawigan ng Quezon sa Rehiyon IV-A
CALABARZON. SA kanluran ay nasasakop nto ang
lalawigan ng Nueva Vizcaya kung saan bahagi ng mga
Bundok ng Caraballo ang nag-uugnay sa mga
kabundukan ng Cordillera.
Ano- anong mga anyong lupa ang
nabanggit sa ating talakayan?

Bundok Makiling

Bundok Banahaw

Bulkang Taal

Bulubundukin ng Sierra Madre


Anong mga lalawigan ang pinag-
uugnay ng sumusunod na anyong
lupa sa ating rehiyon?

Bundok Makiling
Laguna at Batangas
Bundok Banahaw
Quezon at Laguna.
Bulkang Taal
Batangas at Cavite.
Bulubundukin ng Sierra Madre
lalawigan ng Cagayan sa Rehiyon II
hanngang Quezon
Ang Lawa ng Laguna ay ang pinakamalawak na lawa sa
Pilipinas. Matatagpuan ito sa pulong Luzon sa pagitan
ng Laguna at Rizal sa hilaga. At matatagpuan naman
ang kalakhang Maynila sa kanlurang baybayin.
Dumadaloy ang lawa ng Laguna patungong Look ng
Maynila sa pamamagitan ng Ilog Pasig. Mayroong
tatlong pulo sa lawa, ang pulo ng Talim, na kabilang sa
isang bahagi ng bayan ng Binangonan at Cardona sa
lalawigan ng Rizal, pulo ng Calamba at pulo ng Los
Baños.
Bulubundukin naman kung
maituturing ang lalawigan
ng Rizal ngunit
matatagpuan dito ang
masarap na pasyalan ng
mga mag-anak, ang Talon
ng Hinulugang Taktak.Ito
ang talon na naguugnay sa
anyong tubig at anyong
lupa dahil nanggagaling
ang tubig sa bundok
patungo sa
bahagingkatubigan tulad
ng sapa at ilog.
Iba pang halimbawa
ng anyong lupa
at anyong tubig na
magkakaugnay sa ibang
rehiyon at lalawigan:
Ang Ilog Pasig ay isa sa mga pinakamahabang
ilog ng bansa na may mahigit na 25 kilometro.
Binabagtas nito ang hilagang-kanlurang bahagi
mula Look ng Laguna hanggang Look ng
Maynila.
Ang pangunahing sanga ng ilog,
ang Ilog Marikina, ay nagmumula
sa kabundukan ng Sierra Madre sa
Rodriguez, Rizal hanggang sa
hilagang-silangan ng lungsod.
Ano- anong mga anyong tubig
ang nabanggit sa ating
talakayan?
Lawa ng Laguna

Talon ng Hinulugang Taktak

Ilog Pasig

Ilog Marikina
Ngayon nalaman na natin ang
tungkol sa pagkakaugnay-ugnay ng
mga anyong tubig at anyong lupa,
ano kaya ang mangyayari kung
iingatan ng iilan lamang na
mamamayan at magiging pabaya
naman ang iba sa mga ito?
Tandaaan natin

Ang mga natatanging anyong lupa at


anyong tubig ay magkakaugnay sa ating
lalawigan at rehiyon

Ito ay tumutulong upang mas


makilala natin ang ating anyong lupa
at anyong tubig na bumubuo sa ating
rehiyon.

Ating pangalagaan ang mga ito.


Subukin natin

1. Ang Bundok Makiling ay


anyong lupa na nag-uugnay sa
lalawigan ng Laguna at Batangas.
Subukin natin

2. Ang Bundok Banahaw ay


matatagpuan sa lalawigan ng
Quezon.
Subukin natin

3. Maraming mga natatanging


anyong lupa at anyong tubig na
magkakaugnay sa ating lalawigan at
rehiyon.
Subukin natin

4. Ang Bulkang Taal ay


matatagpuan sa lalawigan ng
Rizal.
Subukin natin

Hindi natin kailangan alagaan at


ingatan ang mga anyong lupa at
anyong tubig sa lalawigan dahil
hindi naman ito masisira.
Pagwawasto

1. Ang Bundok Makiling ay


anyong lupa na nag-uugnay sa
lalawigan ng Laguna at Batangas.
Pagwawasto

2. Ang Bundok Banahaw ay


matatagpuan sa lalawigan ng
Quezon.
Pagwawasto

3. Maraming mga natatanging


anyong lupa at anyong tubig na
magkakaugnay sa ating lalawigan at
rehiyon.
Pagwawasto

4. Ang Bulkang Taal ay


matatagpuan sa lalawigan ng
Rizal.
Pagwawasto

Hindi natin kailangan alagaan at


ingatan ang mga anyong lupa at
anyong tubig sa lalawigan dahil
hindi naman ito masisira.
Magsaliksik
kung paano ang
paggawa ng
mapa.
Gawin ang Pagkatuto
Bilang 2 sa pahina 23
*module
Worksheet: Ika limang
linggo

You might also like