Mapanuring Pagbasa Aralin 1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Layunin ng Talakayan
• Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa
• Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa • Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa pagbasa • Matukoy ang antas ng pagbasa Daloy ng Talakayan • Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa • Intensibo at Ekstensibong Pagbasa • Scanning at Skimming sa Pagbasa • Antas ng Pagbasa Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
“Huwag kang magbasa, gaya ng mga
bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.” Gustave Flaubert Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na
Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New
Directions in Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: 1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; 2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at 3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa • Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Intensibo Ekstensibo • Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri • Ayon kina Long at Richards (1987), sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy ang isang mambabasa ay nagbabasa ng sa mahahalagang bokabularyong ginamit maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa paghahanap ng kahulugan. anomang asignatura. • Sa ganitong uri ng pagbasa, nakatutulong • Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ang pagbabalangkas o paggawa ng ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha larawang konseptuwal upang lubos na lamang ang “gist” o pinaka-esensya at maunawaan ng mag-aaral ang isang kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan teksto. ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan. Scanning at Skimming sa Pagbasa Scanning Skimming • Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang • Mabilisang pagbasa na ang layunin ay pokus ay hanapin ang ispesipikong alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, impormasyon na itinatakda bago bumasa. kung paano inorganisa ang mga ideya o Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa kabuuang diskurso ng teksto at kung ano paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. ang pananaw at layunin ng manunulat. • Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, • Mas kompleks ang skimming kaysa petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na scanning dahil nangangailangan ito ng makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na mabilisang paraan ng organisasyon at pag- paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig alaala sa panig ng mambabasa upang sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa maunawaan ang kabuuang teksto at hindi na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa lamang upang matagpuan ang isang tiyak mga libro o iba pang sanggunian. na impormasyon sa loob nito. Primarya Antas ng Pagbasa Mapagsiyasat • Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa Analitikal pagbasa. Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o
Sintopikal mga tauhan sa isang teksto.
• Itinuturing na magkakahiwalay ang mga impormasyong ito, na mahirap para sa bagong mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto. • Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-ugnay ng mga nito Primarya Antas ng Pagbasa Mapagsiyasat • Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga Analitikal hinuha o impresyon tungkol dito. • Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang
Sintopikal rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang
matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman. • Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan nang malalim para magbigay ng interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi maunawaan sa teksto. Primarya Antas ng Pagbasa Mapagsiyasat • Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang Analitikal mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Sintopikal • Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto. • Malalim at mapanuri na ang antas na ito, ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng pagbasa. Primarya Antas ng Pagbasa Mapagsiyasat • Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa. Analitikal • Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat Sintopikal na binasa mo ay mga kasangkapan lamang upang maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang iskolar. • Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo na rin ang sarili bilang isa sa mga eksperto ng iyong binasa.