• Namangha si Pygmalion sa kagandahan ni Galatcha. • Nasira ang buhay ni Christine nang dahil sa droga. • Naglayas si Brian dahil sa pagmamaltato ng kaniyang ina. • Nagulantang ang lahat sa masasakit na pananalita ni Coco Martin. • Pumalakpak ang lahat ng mga manonood sa pag awit ni Leah Salonga. 1. Tagaganap o Aktor • Ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa. • -um-,mag-,mang-, maka-,at makapag • “SINO” HALIMBAWA: Nagpasalamat nang lubos si Pygmalion kay Aphrodite. Palaging umiiwas si Pygmalion sa mga babae sa kanilang nayon. 2. LAYON • Ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. • t-,in/hin-, an/han, ipa,ma-, paki-, at pa-. • ang paksa sa layon ay sumasagot sa tanong na “ANO” HALIMBAWA: Babantayan ng military ang checkpoint ng bawat barangay. Ibinigay niya ang bulaklak sa maling tao. 3. KAGAMITAN • Ang pokus ng pandiwa kung ang bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ang apks ang pandiwa. • -ipang- o maipang, ipinam o ipinang • ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos at sasagot sa tanong na “SA PAMAMAGITAN NG ANO” HALIMBAWA: Ang lubid ay ipinantali niya sa kaniyang duyan. Ipinanglaba ni Aling Nena ang imported na sabon sa mga damit. 4.PINAGLALAANAN • Ang pokus ng pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa. • i-, ipang-, ipag- • ang tagatanggap ng kilos ang siyang simuno o paksa ng pangungusap at sasagot sa tanong na “PARA KANINO” HALIMBAWA: Kami ay ipinagluto ng Lola ng masarap na kakanin. Ibinili ni Tiyang Shela ng kendi ang kaniyang apo.