Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 35

ESP

Name of Teacher
EsP5P – Iia – 22
DAY 1
Pagmamalasakit sa Kapwa,
Gagawin Ko
Ang taong may malasakit sa kapwa,
kadalasan ay pinagpapala. Marami na
tayong karanasan sa mga kalamidad na
dumaan sa ating bansa. Ang pagiging
handa ay makatutulong sa atin upang tayo
ay makaiwas at makaligtas sa iba’t ibang uri
ng kapahamakan. Maging mapagmatyag
tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan lalo
na sa ating mga kalikasan.
Day 1 Alamin Natin

• Tulungan nating maging handa sina Carlo


at Carla sa mga sakuna at kalamidad.
Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon
para makabuo ng salita. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
• a.Dollin Ahab Goyba
• Ugson Namitsu Lidesland
mga gabay na salita sa
paglalaro ng Halo Letra.
• Malakas ang pagyanig ng lupa.
• Labis na pag-apaw ng tubig o paglawak ng
tubig na natatakpan ang lupa.
• Namumuong sama ng panahon na
nagdudulot ng kalamidad sa ating bansa.
• Mabilis na pagkalat ng apoy.
• Pagguho ng lupa dulot ng labis na pag-ulan
at kawalan ng ugat ng puno na kinakapitan
ng lupa
Tumulong sa Kapwa!

• Ang mabuting Kristiyano ay maawain at


matulungin sa kapwa. Ito’y dahil sa ating
paniniwala na ang pgamamahal sa kapwa
ay pagmamahal sa Diyos. Mahal ng
Panginoon ang lahat, kaya Siya
tumutulong sa lahat, mahirap o mayaman
man.

• Ang pagtulong sa kapwa, lalo na kapag
may sakuna o kalamidad ay likas sa mga
Pilipino. Ito’y kaasalang Pilipino na minana
pa natin sa ating mga ninuno na dapat
gawin at pagyamanin.
• Hindi natin maiiwasan ang magalit sa
kapitbahay o ka nayon kung minsan.
Ngunit kapag may sunog, baha o
anumang pangyayaring nanganganib ang
kanilang kaligtasan, hindi natin matiis na
sila’y di tulungan at damayan.
Naghahandog tayo ng damit, pagkain, at
mga gamit sa nasalanata ng kalamidad.

• Bilang mag-aaral, makakatulong din tayo
at ang ating paaralan sa mga taong
nangangailangan. Bukod sa mga pagkain,
salapi, at damit na ibinibigay, mabuti rin na
turuan natin sila ng mga gawaing
mapagkakakitaan upang makapagsarili sa
mga darating na araw:

Iba pang magagawa natin:

Ibahagi sa mga kabarangay ang anunsyo


sa radio kung may parating na bagyo
•Itawag sa malapit na himpilan ng pulisya kapag
may nasaksihan kang krimen, nakawan, at iba
pang malubhang pangyayari.
•Tumawag ng saklolo kapag may emergency na
nagaganap.

Sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
• Anong damdamin ang nararapat maghari sa
ating puso para sa ating kapwa?
• Bakit nararapat magmalasakit tayo sa isa’t isa?
• Paano mo ipinakikita ang iyong malasakit sa
iyong kapwa?
• Sino ang dapat nating gawing huwaran ng
pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa?


• Ikaw ba ay may malasakit sa iyong
kapwa?
• Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit
sa kapwa?

Day 2
Isagawa Natin
• Gawain 1
• Fact or Bluff: Lagyan ng / kung fact ang
isinasaad ng pangungusap at X kung bluff.
Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
• _____ 1. Ang taong may malasakit sa
kapwa ay kinalulugdan ng Diyos.
• _____ 2. Huwag pansinin ang mga sakuna
o krimen sa paligid.

• _____ 3. Laging isaisip at isapuso ang
pagmamalasakit sa kapwa.
• _____ 4. Tumutulong sa mga nasalanta
ng bagyo, lindol o lahar.
• _____ 5. Pabayaang mga pinuno na
lamang ng pamayanan ang sumaklolo sa
mga mamamayang kailangan ng
tulong.
Gawain 2

Pangkatang Gawain
•Magsagawa ng isang dula-dulaan kung
saan ipakikita ang pagbibigay ng kayang
tulong para sa biktima ng kalamidad.

•Pangkat 1- Bagyo Pangkat 2- Baha
• Pangkat 3- Sunog Pangkat 4- Lindol

Day 3 Isapuso Natin
• Sa hugis pusong papel na ibibigay ng guro, isulat ang mga salitang angkop para mabuo ang ideya.

Ang pagbibigay ng tulong sa mga_____ ay mahalaga upang makapagligtas ng buhay ng ibang tao.




















Ang pagbibigay ng ______________
ay mahalaga para makapagligtas ng
buhay ng iba mula sa _________.
• Mithiin Para sa Kaligtasan
______________________________
_____________________________.
______________________________
_____________________________.
Tandaan Natin

Ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng


kalamidad ay mahalaga upang
makapagligtas ng buhay. Ang pagbibigay ng
babala o impormasyon ay nakatutulong din
para sa kaligtasan ng marami. Lahat ng tao
ay may pangangailangan. Walang tao na
nasa kaniya na ang lahat.
• Ang mahihirap ay hindi
nangangahulugang wala na silang
maibibigay o maitutulong sa ibang tao at
mga kaibigan. Wala ring taong sobrang
yaman na hindi na mangangailangan ng
tulong ng iba.
• Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay
kung ano ang mayroon ka nang bukasl sa
kalooban
• Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon ka
na maluwag sa damdamin at walang
inaasahang kapalit. Lubos na kasiyahan
ang maidudulot nito sa iyo. Kapag tapat at
totoo ang damdamin sa pagbibigay o
pagbabahagi, tiyak na pagpapalain ka ng
Maykapal at mapasasaya mo ang iyong
kapwa.

Day 4 Isabuhay Natin
• Isulat kung ano ang maaari mong magawa
bilang katugunan sa bawat sitwasyon.
• Pangkat 1- May bagyong sumalanta sa
inyong lugar at bumaha sa inyong paligid.
Tanging bahay lamang ninyo ang naiwang
nakatayo sapagkat ito’y matatag. Ilan sa
inyong mga kapitbahay ay nangawasak ang
mga tahanan. Ano ang iyong gagawin?
• Pangkat 2- Namatay ang ama ng iyong
kamag-aral. Paano mo maipapadama ang
iyong pagtulong sa naiwang pamilya?
• Pangkat 3- Papauwi ka na galing sa
paaralan. Nakita mong hirap na hirap ang
isang matanda sa pagtawid sa kalsada.
Ano ang iyong gagawin?
Pangako sa Pagmamalasakit sa Kapwa
• Nangangako ako na magiging handa akong
tumulong at maglaan ng panahon sa mga taong
nangangailangan tulad ng
________________,______________________
, para _______________________.
• Naniniwala ako na maginging ligtas
ako___________________________________
______________________.
Lagda ng Mag-aaral:
• Petsa:

Day 5 Subukin Natin

• Pagsusuring pansarili.Lagyan ng
kaukulang / ang mga sawi sa ibaba kung
ito’y ginagawa palagi, paminsan-minsan,,
at di-kailanman. Sipiin ang sagot sa
kwaderno.

Palagi Paminsan- Di-
minsan Kailanaman
1. Tumutulong ba ako sa mga taong biktima
ng sakuna?

2. Nagmamalasakit ba ako sa aking kapwa?

3. Nagbibigay ba ako ng tulong sa mga


nasalanta ng bagyo?

4. Sumasaklolo ba ako sa mga taong


nangangailangan ng tulong?

5. Minamahal ko ba ang aking kapwa?


• Binabati kita dahil natapos mo ang aralin
nang matagumpay. Ipagpatuloy mo ang
pagbibigay ng kayang tulong sa
nangangailangan at ikaw ay kalulugdan ng
Diyos.

You might also like