Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Agrikultura

Aralin 17

PAG-AANI AT PAGSASAPAMILIHAN
NG
HALAMANG ORNAMENTAL
Ang mga halamang ornamental lalo na
yung mga namumulaklak ay
maaaring ipagbili kung ang mga ito ay
may bulaklak na. Maaaring
mabili ang mga halamang may bulaklak
sapagkat ito ay mapang-akit
sa mga mata ng mga tao.
TANDAAN NATIN:

- Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay


ibinatay sa kanilang laki, uri, at haba ng pag-aalaga.

- Ipinagbibili ang halamang ornamental nang nakapaso o


nakaplastik at minsan sanga o tangkay.

- Mahalaga ang kaalaman sa pagtutuos upang malaman


kung kumikita o nalulugi ang paghahalaman.
Agrikultura
Aralin 18

PLANO SA PAGBEBENTA NG
HALAMANG ORNAMENTAL

Sa bawat gawain, kailangan ang masusing pagpaplano ng mga ito. Nararapat


na nakatala ang mga layunin, kagamitan at tiyak na mga hakbang upang maging
gabay sa paggawa kung ito`y masusunod nang wasto. Ito ay upang matiyak na
magiging matagumpay ang proyekto at gawain.
Payak na Plano sa Pagbebenta ng Halamang Ornamental

I. Mga Layunin:
1. Nasusunod ang mga wastong paraan ng pagbebenta
2. Naipapakita ang kasiyahan sa nagbebenta.
3. Nakapagbebenta ng halamang ornamental.

II. Titulo ng Gawain - Pagbebenta ng halamang ornamental


Mga Kagamitan:

Mga halaman
Presyo ng mga halaman
Lalagyan ng mga halaman
Mga iba pang kagamitan

III. Pamamaraan
A. Paghahanda

1. Pagpili kung saang lugar magbebenta


2. Paghahanda ng mga kagamitan
3. Pagsasaayos ng mga paninda
4. Pagbubukod-bukurin ang mga magkakauri

B. Paghahanda ng mga paninda


1. Paglilinis ng paninda
2. Pagtatala
3. Iba pang gawain ayon sa pangangailangan

Mga Gawain sa Tindahan

Ang pagtitinda ay maituturing na isang sining na nangangailangan ng sapat na talino,


kasanayan, tiyaga, pang-unawa, at pagtitimpi sa mga mamimili, at higit sa lahat, ay sapat na
kaalaman ng mga bilhin o produktong nais ipagbili.

Ang gawaing pagtitinda ay nangangailangan din ng kaaya-ayang pag-uugali at kawilihan.


Ang anumangtakot at pangamba ay dapat na isasantabi at sa halip ay ipanatag ang loob at
maging maganda ang pana-naw sa gawain.
Narito ang ilang payak na gawaing pangtindahan na dapat gawin upang maging maayos at matagumpay
ang pagtitinda.

1. Linising mabuti ang loob at labas ng tindahan. Walisan ang paligid nito upang mahikayat ng mas mara-
ming mamimili. Maglaan ng basurahan kung saan itatapon ang mga kalat.

2. Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang tindahan. Nakahihikayat ng maraming mamimili
ang maaliwalas at maliwanag na tindahan.

3. Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang presyo ng mga ito.

4. Mag-ingat sa pagkukuwenta at pagbibigay ng sukli upang hindi ito lumabis o magkulang.

5. Makitungo nang mahusay, matapat, at pantay-pantay sa lahat ng mamimili.

6. Sikaping magdulot ng pinakamataas na uri ng paninda sa pinakamababang halaga.


Wastong Paraan ng Pagtitinda

1. Panatilihing malusog ang pangangatawan at malinis na pananamit upang magampanan nang maayos
ang mga tungkulin sa tindahan.

2. Salubungin nang maayos ang mga mamimili. Ang pagbati tulad ng “Magandang umaga po. Maaari ko
ba kayong tulungan?” ay nakatutulong upang magkaroon ng mabuting pakikitungo ang tindera sa mga
mamimili.

3. Ganyakin ang mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa paninda.


Kung kinakailangan, ipaliwanag kung paano ito pangangalagaan.

4. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili. Kausapin sila nang nakangiti at may masayang
mukha. Laging pasalamatan ang mga mamimili upang bumalik silang muli.

5. Magpamalas ng karapatan sa pagtinda. Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili upang maiwasan ang
maling pagsusukli. Ilagay sa ayos ang pagpepresyo ng mga paninda upang maiwasan ang pagkalugi o ang
labis na pagpapatubo. Maging matapat sa pagbibilang, paghahambing, at pagsusukat ng mga panindang
ipinagbibili.
Agrikultura
Aralin 19
MAHUSAY NA PAGBEBENTA NG
HALAMANG ORNAMENTAL

May dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halamang ornamental. Ito ay ang pakyawan kung
saan ng halaman ay binibili ng maramihan. Ang isa naman ay tuwirang pagbibili sa tingiang paraan.
Ang mga halaman ay binibili ng paisa-isa ng mamimili. Ang tuwirang pagbibili ang karaniwang
ginagamit ng mga maliliit na naghahalaman.

Sa pagtitinda o pagbebenta ng mga halamang ornamental ay may mga gabay na dapat sundin mag-
ing malakihan o maliitan ang gagawing pagbebenta. Dapat magbayad ng kakulangang buwis at ku-
muha ng
lisensiya o pahintulot sa pagtitinda. Kailangan ding panatilihin ang kalinisan sa lugar na pinagtitinda-
han.
Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na namumulaklak at di-namumulaklak, may palatandaan na
titingnan kung ito ay maaari nang ipagbili. Kadalasan, ang mga ito ay matataas, malalago at magaganda
ang mga dahon. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit nang bumuka at bumukad-
kad. Ang mga halamang ornamental ay hinahanay sa narseri ayon sa pangangailangan ng sikat ng araw.
May mga halamang ornamental na nangangailangan ng sikat ng araw kaya ito ay inilalagay sa lugar na
nasisikatan ng araw. Samantalang ang mga halamang hindi nangangailangan ay inilalagay naman sa me-
dyo
malalim na lugar (partial shade).

Maayos na pagtitinda

May mga katangiang dapat taglayin ang isang mahusay na tindera. Narito ang ilan sa mga katangiang
dapat taglayin ng isangb mahusay na nagtitinda:

- Sikaping maging malinis at maayos upang maipakitang maganda ang mga paninda.
- Maging mapagpasensya kung sa pakikitungo sa ibat ibang uri ng mamimili. Kung maraming hinahanap
at
tinatanong ang mga mamimili, dapat na maging matiyaga at mapamaraan ang nagtitinda sa pagtugon sa
kanilang mga pangangailangan.
- Maging magiliw at masayahin sa pakikipag-usap at paglilingkod sa mga mamimili sa lahat ng oras up-
ang
silay mawili sa pagtangkilik sa iyong tindahan.
Ang magaling na nagtitinda ay marunong bumati at magpasalamat sa mamimili marami man o kaunti ang
akaniyang binili.
- Tiyakin na maayos ang pagkukuwenta at pagsusukli. Kapag nagbibigay ng resibo, ilagay ang tamang
dami at halaga ng panindang binili.

Agrikultura
Aralin 20
TALAAN NG PUHUNAN AT GINASTOS

Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang nagnenegosyo kung saan siya kumita o
nalugi. Sa paghahalaman, kailangan marunong magkuwenta o magtuos. Ganito ang payak na pag-
tutouos
ng kita sa paghahalaman. Itala ang halaga ng pinagbilhan. Ibawas ang mga pinagkagastuhan. Ang
natirang halaga ay kita. Narito ang halimbawa:

- Talaan ng gastusin 1,000


Halaga ng panamin 500
Halaga ng pataba, pamatay kulisap at peste 500
Bayad sa serbisyo o paglilingkod 200
Iba pang gastusin Php 2,200
- Halaga ng pinagbilhan 1,500
5 pasong Rosas 1,400
5 pasong Palmera 500
5 pasong Santan 500
5 pasong Golden Orlando
Php 3,900

Halaga ng pinagbilhan
Halaga ng gastusin 3,900
KIta o tubo 2,200
Php 1,700
Agrikultura
Aralin 21

PLANO SA TULOY-TULOY NA
PAGTUTUBO NGB HALAMANG ORNAMENTAL

Ang pagpaplano ay isang paraan upang maisagawa ng maayos at mabilis ang isang gawain. Ang
pag-
kakaroon ng plano ay nakatulong upang makatipid ng pera, oras, kagamitan, at lakas.

Sa pagtatayo ng taniman o narseri ng ornamental, kailangan isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Uri ng lupa na pagtataniman. Kailangan ang lupa ay loam soil upang tumubo at lumusog ang mga
pananim.
2. Lugar na pagtataniman. Pumili ng isang lugar na angkop sa mga halamang ornamental.
3. Ang laki ng taniman. Ang katamtamang laki ng halaman upang mapamahalaan itong mabuti.
4. Mga kagamitan panustos. Dapat bigyan ng pansin din ang sapat na panustos ng abono, kemikal
na
pamatay peste tulad ng mga kulisap at mga gamot sa pagpuksa ng mga mikribyo tulad ng bakterya at
fungus na sanhi ng sanhi ng mga halaman.
Agrikultura
Aralin 22

KABUTIHANG DULOT SA PAG-AALAGA NG HAYOP

Ang pag-aalaga ng hayop sa bahay ay mayroong maraming dulot sa kabutihan. Tulad ng pag-aalaga ng
aso
sa bahay, ito ay nakakatanggal ng stress at ayon sa mga pag-aaral ito rin ay nakapagpapababa ng dugo.
Sila ay nakakasama sa pag-eehersisyo at ibang libangan. Ang aso ay tinatawag na pinakamatalik na kaibi-
gan ng
tao.

Mainam itong alagaan. Nakakatulong ito bilang gabay sa paglalakad at maging bantay ng tahanan. Ngunit
nakakatakot kapag sinasaktan dahil ito ay lumalaban.

Ang pusa ay isa ring hayop na mainam alagaan. Ang pag-aalaga ng pusa ay nakakatanggal ng stress at
nakapagpapababa ng dugo.

Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa itoy taga-huli ng daga mabait din itong kalaro ng mga
bata.

You might also like