Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

FILIPINO: PAGBASA AT

PAGSUSURI SA IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
ANO ANG TEKSTO?

• Ang teksto ay anumang bagay na maaaring


maging "basahin", kung ang mga bagay na ito ay
isang trabaho ng panitikan, isang street sign,
isang pag-aayos ng mga gusali sa lungsod ng
bloke, o mga estilo ng pananamit.
• Ang teksto ay ang mga salita na makikita sa
mga babasahin tulad ng aklat at iba't-iba pang
babasahin. Makikita din sa teksto ang mga
ideya ng awtor at iba pang mahahalagang
impormasyon sa mga babasahin.
• Ang teksto ay nagbibigay ng mensahe o
damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o
nakalimbag. Ang teksto ay mayroong iba't-ibang
uri at pagkaka-iba-iba. Ang teksto at isa sa mga
mabisang paraan upang matuto ng mga bagong
kaalaman ay sa pamamagitan ng pagbabasa.
MGA URI NG TEKSTO

• Impormatibo
• Deskriptibo
• Perweysib
• Naratib
• Prosidyural
• Argumentatibo
TEKSTONG IMPORMATIBO

• Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga


bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga
impormasyon.
• Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at
inilalahad nang buong linaw upang lubos na
maunawaan.
• Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong
na ano, kailan, saan, sino, at paano.
• Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang
impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat
marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga
impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto.
• Naniniwala ang mga mambabasa na ang tekstong
kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa
mga katanungan sa kanilang isipan.
• Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan
ng mga tao.
• Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong
nakabatay sa mga tunay na pangyayari at
kapakipakinabang ang mga impormasyong
inilalahad nito.
• Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad
nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng
pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga
mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng
impormasyon.
• Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko,
pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan,
adbertismo atbp.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

• Ang tekstong deskriptib ay isang uri ng


paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng
mahusay na paglalarawan.
• Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na
makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa
gamit ang limang pandama: paningin, pandinig,
panlasa, pang-amoy, at pandama.
• Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang
husay at kakayahan sa paglikha ng isang
masining na paglalarawan.
• Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at
maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang
paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan,
bagay, lugar, tao atbp.
• Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang
pampanitikan.
URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong


naglalarawan na nagpapakita lamang ng pansariling
pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng
sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan
na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng
mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
TEKSTONG PERSWEYSIB

• Ang tekstong nanghihikayat o tekstong


persuweysib ay naglalahad ng mga mga payahag
upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa
mga tagapakinig o mambabasa.
• Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon
upang ang manunulat o tagapagsalita ay
makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig
na maniwala sa kanyang posisyon o punto de
vista hinggil sa isang paksa.
• Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang
suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang
sa gayon ito ay maging kapanipaniwala.
• Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas,
talumpati, editoryal, at sanaysay.
TATLONG ELEMENTO NG TEKSTONG
PERSWEYSIB AYON KAY ARISTOTLE

1. Ethos - hango sa salitang Griyego na nauugnay sa


salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o
personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga
mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o
karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos - salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa
pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng
manunulat o tagapagsalita.
3. Pathos - tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o
saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
TEKSTONG NARATIBO

• Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa


obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din
namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang
karanasan.
• Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa
daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon).
• Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong
naglalayong magkuwento o magsalaysay.
• Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol
sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita,
hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o
di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng
manunulat o piksyon.
• Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang
sa mga mambabasa.
• Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang
maikling kuwento, alamat, at nobela.
TATLONG BAHAGI NG TEKSTONG NARATIBO

1. Ekposisyon - impormasyon tungkol sa pangunahing


tauhan at tagpuan.
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan - dito
nakikita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang
aksiyon.
3. Resulusyon - denouement ay ang katapusan o huling
bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang
tunggalian o suliranin.
TEKSTONG PROSIDYURAL

• Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag


kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay.
• Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod
ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa.
• Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na
instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan
nang maayos at mapagtagumpayan ang isang
makabuluhang gawain.
• Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-
aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa
pagluluto atbp.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

• Ito ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito


ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangang pagtalunan o
pagpapaliwanagan.
• Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa
tanong na bakit.
GABAY SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG MGA
TEKSTO

• Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin


upang makilala ang uri ng tekstong ating
babasahin.
• Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa
pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan nito.
• Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa
pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming,
iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp.
• Karaniwan na sa isang mambabasa na
sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng
isang akda upang tayo ay makakuha ng idea bago
natin ito tuluyang basahin.
• Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng
nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating
babahasin ay may kaugnayan sa mga
katanungang hinahanapan natin ng kasagutan.
• Mainam din na mabatid muna kung ang
nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa
uri o antas ng mambabasa nito.
• Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman,
at maging kung sino ang sumulat ng teksto upang
matukoy ang kapakinabangang hatid nito.
• Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng
mambabasa o tagapakinig kung ano at paano
isinulat o iniulat ang isang teksto.
• Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng
mahalagang impormasyon mainam na ito ay
hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad
ng akda.
• Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng
mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang sa
paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa
nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng
akda sa disiplinang kinabibilangan nito.

You might also like