Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

MUSIKA 5

Mga Antas ng Dynamics

QUARTER 4
Dynamics,
Antas,
Simbolo
Ang Daynamics ay elemento
ng musika na tumutukoy sa
masining na paglakas at
paghina ng awit o tugtugin.
Ang hina at lakas ng mga
tunog na naririnig ay
tinatawag na tindi o
“intensity”.
Ang tindi sa musika ay nagbabago batay san
nais na ipahayag na damdamin ng sumulat ng
musika, gayon din sa mga bagay na nais niyang
bigyang-diin.
ANTAS NG DAYNAMIKS
ANTAS NG
TINDI NG SIMBOLO KAHULUGAN
TUNOG
Piano p Mahina
Mezzo piano mp Di gaanong mahina
Forte f Malakas
Mezzo forte mf Di-gaanong malakas
Cresendo < Papalakas
Decresendo > Papahina
Pianissimo pp Mahinang-mahina
fortissimo ff Malakas na malakas
TEMPO
TEMPO

Ang tempo ay isa sa mga elemento ng


musika na tumutukoy sa bilis o bagal ng
himig o ritmo. Isa ito sa nagbibigay ng
ekspresiyon sa awit na nagpapahiwatig ng
damdaming nais iparating ng isang
komposisyong musikal.
Kadalasang ginagamit sa mga likhang awit
ay mga salitang nasusulat sa wikang
Italyano. Ang mga salitang ito ay
nagbibigay ng ideya sa mga mang-aawit o
manunugtog kung gaano kabilis o kabagal
dapat awitin o tugtugin ang isang kanta.
Ang tempo ng musika ay nasusukat sa
pamamagitan ng isang metronome. Ito ay
ginagamit upang malaman ang bilang sa
kumpas sa isang minuto. Ang bilang ng beat
sa isang awit ay makikita sa kaliwangitaas na
bahagi ng isang likhang awitin.
Mga Uri ng Tempo
Bukod sa metronome, upang maging gabay sa pagsunod sa wastong bilis
o bagal ng isang awitin, maaring gumamit ng mga salitang naglalarawan
sa iba’t ibang tempo sa musika.
TEKSTURA
Ang texture ay elemento ng musika na
tumutuon sa patong-patong na tunog na
naririnig sa isang awitin o musika.

Ito ay inilalarawan na manipis o makapal.


Ang musikal na tekstura ay tumutukoy sa kaayusan o
kaugnayan ng dalawang sangkap ng musika- ang
melodiya at armonya. Ito ay maiihalintulad sa hibla at
habi ng tela. Ang pahalang na hibla ay melodiya at ang
patayong hibla ay armonya- kapag ang melodiya ay
sinaliwan ng akorde, ang bunga ay paghahabi ng tunog-
dito maririnig ang nipis o kapal ng tunog o melodiya ng
isang awit o tugtugin.
Mga Uri ng Tekstura sa Musika
Monophonic
Ang salitang monophonic ay hango sa salitang mono
na nangangahulugang isang tunog.
Ang teksturang monoponya ay isang payak na himig
na walang kasabay o dagdag na himig; isang linya ng
musika lamang ang inaawit at walang instrumentong
pansaliw.
Mailalarawan ang teksturang monoponya sa
pamamagitan ng mga sumusunod na mga linya ng
melodiya.
Mailalarawan ang teksturang monoponya sa
pamamagitan ng mga sumusunod na mga linya ng
melodiya.

Ang pag-awit ng koro nang sabay-sabay sa iisang


tono /tinig o unison ay isang halimbawa ng
monophonic texture.

Isang halimbawa nito ang “Gregorian Chants”.


Homophonic
Ang teksturang homoponya ay binubuo ng melodiyang
sinasaliwan ng instrumento o melodiyang may akorde.

Ang homoponya ay binubuo ng dalawang tunog, ang isa ay


mula sa boses at ang isa naman ay mula sa instrumentong
nagsasaliw ng melodiya.

Kadalasang ginagamit ang piyano at gitara bilang pansaliw.


Sa musikang homoponya, ang melodiya ay karaniwang nasa
pinakamataas na boses.

Ang pagdaragdag ng mga tunog sa isang melodiya ay


tinatawag na armonya. Ang makapal at mayamang tekstura ay
maririnig sa mga musikang homoponya at poliponya. Ang
monoponya ay laging manipis ang tekstura.

Ang halimbawa nito ay instrumental and vocal duets


Polyphonic
Ang salitang polyphonic ay mula sa salitang poly na ang
ibig sabihin ay marami. May mga awiting o tugtugin na
binubuo ng dalawa o higit pang melodiya nang sabay-
sabay.

Kapag dalawa o mahigit pang magkaiba subalit


magkabagay na mga himig ang sabay na inaawit o
tinutugtog, ang tekstura ay poliponya.
Dalawa ang himig na dumadaloy sa ganitong uri ng
tekstura, isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang dalawang himig ay
kinakailangang magkabagay at upang marinig ang
dalawang himig ay kinakailangang dalawang tao ang aawit
o dalawang instrumento ang tutugtog, maari rin namang
dalawang tono ang titipain nang magkasabay sa
instrumento. Ang mga awit na rounds at partner song ay
halimbawa ng poliponya.
ROUND SONG
Ang mga round song ay mga awitin na may dalawa o
higit pang bahagi na inaawit ng dalawa, tatlo, o higit
pang mga pangkat.
Inaawit ng pangkat ang parehas na melodiya subalit
nagsisimula sa iba’t ibang pagkakataon.
Mahalaga sa pag-awit ng ganitong mga kanta ang
kakayahan sa pagsunod sa tamang rhythm at pitch.
Ilan sa halimbawa nito ay ang “Are You Sleeping”, at
“Row Row Row Your Boat”.
•Ang unang pangkat ang aawit ng nasa unang bahagi(I),
•Ang ikalawang pangkat sa ikalawang bahagi(II),
•At ang ikatlong pangkat naman ang sa ikatlong bahagi(III).
I II III

Leron-leron sinta Gumising ka Neneng Ako’y ibigin mo


Buko ng papaya Tayoý manampalok Lalaking matapang
Dala-Dalaý buslo Dalhin mo ang buslo Ang barilko’y pito
Sisidlan ng bunga Sisidlan ng hinog Ang sundang ko’y siyam
Pagdating sa dulo Pagdating sa dulo Ang lalakarin ko’y
Nabali ang sanga Lalamba-lambayog parte ng dinulang
Kapos kapalaran Kumapit ka Neneng
Humanap ng iba Baka ka mahulog Isang pinggang pansit
ang aking kalaban
PARTNER SONG
Ang partner song ay binubuo ng dalawang melodiya na
mula sa dalawang magkaibang kanta o awit na maaring
awitin nang sabay. Hindi lahat ng awitin ay maaring awitin
nang sabay na magkapares.
Kinakailangang ang magkaprehong awitin ay may parehas na
ritmo o rhythm at magkasinghaba. Isinusulat ito sa parehas
na meter o music scale.
 Ilan sa halimbawa nito ay ang Leron- Leron Sinta at
Pamulinawen, Swing Slow at When the Saints Go Marching
In at Dandansoy at Sarungbanggi.
ARMONYA
Ang armonya ay isang elemento ng musika na
tumutuon sa maayos at magandang pagsasama-sama
ng mga nota kapag ang mga ito ay tinutugtog o
inaawit. Kapag ang tatlo o higit pang nota o tono ay
sabay na tinutugtog o inaawit, tayo ay nakabubuo
ng akorde. Ang pinakasimpleng akorde ay
tinatawag na triyada.
Ang akorde ay binubuo ng dalawa o higit pang
mga nota o tono na sabay sabay na tinutugtog o
inaawit.
TRIAD
Ang triad ay ang pinakasimpleg akorde na
binubuo ng ugat o root (pinakamababang tunog),
ang pangatlo (thirds), at ang panlima (fifths).

Ang pangalan ng triyada ay ang letter name ng


ugat(root) o ang unang nota nito.
Tingnan ang halimbawa ng triyada sa ibaba.
May mga uri ng triad sa musika na ginagamit bilang
pansaliw sa mga awitin. Ito ay ang triyada mayor at triyada
menor.
Ang triyada mayor sa isang iskala ay ang mga
sumusunod: una (I), ikaapat (IV), at ikalima (V). Kilala ang
major triad na ito bilang toniko o tonic (I), subdominante
o subdominant (IV), at dominante o dominant (V).
Sa isang iskala, ang lahat ng triyada na hindi kasama sa
bilang I, IV at V ay tinatawag na minor triad.
Sa C Major scale, ang tonic chord ay binubuo ng
mga note na may pitch name na C, E, at G.

Samantalang ang subdominant chord naman ay


binubuo ng mga pitch name na F, A, at C.

Ang dominant chord naman ay binubuo ng mga


pitch name na G, B, at D.
Kilalanin ang mga notang bumubuo sa major triad ng tonic chord gamit ang number
name, letter/pitch name at so-fa syllables.

Re D
Mi B
So G
ISAISIP
1.Ang major triads ay tonic, sub-dominant at dominant.
2.Ang harmonic interval ay binubuo ng dalawa o higit pang
mga nota at tono na magkaugnay at inaawit o tinutugtog nang
sabay.
3.Para sa tonic chords (I), sabay - sabay na awitin o tugtugin
ang mga notang Do, Mi, So.
4.Para sa sub-dominant chords (IV), sabay-sabay na awitin o
tugtugin ang mga notang Fa, La, Do.
5.Para sa dominant chords (V), sabay-sabay na awitin o
tugtugin ang mga notang So, Mi, Re.

You might also like