Professional Documents
Culture Documents
Lakisalayaw Cot
Lakisalayaw Cot
Lakisalayaw Cot
8
Ikaapat na Markahan
PANALANG
IN
Mahal na Panginoon, nagpapasalamat po kami
sa iyo para sa isang magandang araw upang
malaman ang mga bagong bagay. Maraming
salamat po sa pagbibigay sa amin ng aming mga
guro at kawani na gumagabay sa amin upang
maging mabuting tao. Bigyan niyo po kami ng
isang bukas na kaisipan upang malaman ang
mga aralin na makatutulong sa amin upang
magtagumpay sa buhay.
Amen.
BALIK-
ARAL
Magbigay ng
salitang
mga Ano ang dapat
isaalang-alang sa
nagpapahayag ng pagpapahayag ng
pagsalungat at pagsalungat at
pagsang-ayon. pagsang-ayon?
Kumusta ka bilang isang anak?
LAKI SA LAYAW
TALASALITAAN
Panuto: Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng malalalim na salita na
nakasalunnguhitan sa bawat pangungusap.
Wari Pagtanggap ng hirap
Pag - aaruga
Pagdurusa ikinalalanta
1. Pag – ibig anaki’y aking nakilala, di dapat palakhin ang bata sa saya.
2. Inaakala pa lamang ang hilahil.
3. Daratna’y di na matutunang bathin.
4. Daho’y nalalanta munting di madilig, ikinaluluoy ang sandaling init.
5. Masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na
anak.
FLORANTE AT LAURA-LAKI SA
LAYAW 196
"Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa
ng kabataan ko't malawig na lubha;
pag-ibig ni ama'y siyang naging mula,
lisanin ko yaong gubat na payapa.
197
"Pag-ibig anaki'y aking nakilala,
di dapat palakhin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.
198
"Sapagka't ang mundo'y bayan ng hinagpos,
mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis...
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
FLORANTE AT LAURA-LAKI SA
LAYAW 199
"Ang taong magawi sa ligaya't aliw,
mahina ang puso't lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni'y, di na matutuhang bathin.
200
"Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho'y malalanta munting di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.
FLORANTE AT LAURA-LAKI SA
LAYAW 201
"Munting kahirapa'y mamalakhing dala,
dibdib palibhasa'y di gawing magbata;
ay bago sa mundo'y bawat kisapmata,
nang tao'y mayroong sukat ipagdusa.
202
"Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.
FLORANTE AT LAURA-LAKI SA
LAYAW
203
"Sa taguring bunso't likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata'y nunukal;
ang iba marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.
204
"Ang lahat ng ito'y kay amang talastas,
kaya nga ang luha ni ina'y hinamak;
at ipinadaka ako sa Atenas--
bulag na isip ko'y nang doon mamulat."
Gabay na tanong:
1. Sa iyong palagay, tama ba ang
ginawang pagpapalaki ni Duke
Briseo kay Florante?
2. Kung ikaw ay magiging
ama/magulang, paano mo nais
palakihin ang iyong anak?
DAGDAG KAALAMAN
Ayon sa Republic Act 7610,
protektado ang mga bata sa lahat
ng uri ng pang-aabuso,
pagpapabaya, kalupitan,
diskriminasyon at lahat ng
kondisyon na hadlang sa kailang
pag-unlad. Ayon sa batas ay may
mga kaparusahan na nakasaad para
protektahan at isulong ang interes
ng mga bata.
INDIBIDUWAL NA
GAWAIN
Magbigay ng isang paniniwala na iyong sinasang-
ayunan hinggil sa pagdidisiplina ng magulang sa
anak.
2. May mga panahon na kasa – kasama ni Florante ang kaniyang ina na si Prinsesa Floresca.
A. Sang – ayon ako sapagkat bata pa si Florante at kinakailangan ng gabay ng kaniyang ina.
B. Hindi ako sang – ayon sapagkat dapat ay matuto na si Florante na mag – isa.
C. Dapat ay hinahayaan na lamang si Florante ng kaniyang ina.
PAGTATA
YA
3. Naghihinagpis si Florante sa paglisan niya sa kanilang siyudad.
A. Tama sapagkat dapat na manatili lamang siya rito.
B. Hindi dapat sapagkat nais lamang siyang mamulat ng ama sa reyalidad ng buhay.
C. Sang – ayon ako sapagkat dapat siya ay naglalaro lamang.
4. “Ang mundo’y bayan ng hinagpis mamamaya’y sukat tibayan ng dibdib”.
A. Totoong ang mundo ay puno ng pakikipagsapalaran kaya’t dapat ay maging matatag sa
bawat hamon ng buhay.
B. Hindi ako sang – ayon dahil ang buhay ay puno ng saya.
C. Sang – ayon ako kaya dapat ay maging masaya tayo palagi.
5. “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat”.
A. Totoong kailangan ng anak ang tamang pagdidisiplina ng magulang.
B. Para sa akin hindi dapat pinapalo ang anak.
C. Hindi ako sang – ayon, may mga batang lumalaki nang walang magulang ngunit
disiplinado.
MARAMING
SALAMAT