Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Divine Origin

Araling Panlipunan 7
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:

Nabibigyan mo ng kahulugan ang konsepto ng divine origin


Natataya mo ang impluwensiya ng divine origin sa kalagayang
panlipunan, sining, at kultura ng mga Asyano
Nasusuri mo ang bahaging ginampanan ng divine origin sa
paghubog ng kasaysayan ng mga Asyano

• Ano ang konsepto ng divine origin?

- Alamin ang sagot sa araling ito!


Ang Emperor Jimmu ng Bansang Hapon
• Si Emperor Jimmu ang itinuturing na
pinakaunang emperor ng bansang
Hapon.
• Batay sa mga alamat, siya ay mula sa
lahi nila Amaterasu, diyosa ng araw, at
Susanoo, diyos bagyo.
• Ang araw na naging emperor si Jimmu
ay ipinagdiriwang pa rin hanggang
ngayon, tuwing ika-11 ng Pebrero.
Tinatawag itong National Foundation
Day.
Ang Dinastiyang Yamato
• Ang monarkiya ng bansang
Hapon ang pinakalumang tuloy-
tuloy na monarkiya sa mundo.
• Mula ng maitatag ang emperyo
ni Emperor Jimmu, mayroon
nang 125 monarkiya mula sa
kanilang lahi. Kasama na rito
ang kasalukuyang emperor na si
Akihito.
• Tinatawag din ang Imperial
Family na Dinastiyang Yamato.
Si Emperor Hirohito
• Si Emperor Hirohito ang ika-124 na
emperor ng bansang Hapon, at ama
ng kasalukuyang emperor na si
Akihito.
• Unang beses nakausap at narinig ng
mga mamamayang Hapones ang
kanilang emperor ng ideklara ni
Hirohito nang hikayatin nitong sumuko
na ang mga kawal na Hapon.
Si Dangun Wanggeom

• Si Dangun Wanggeom ang


nagtatag ng kauna-unahang
kaharian sa Korea, ang
Gojoseon.
• Sinasabing si Dangun ay apo
ni Hwanin, ang Diyos ng
Langit, at ng isang osong
naging babae.
Mga Impluwensiya ng Divine Origin sa
Pag-uugali ng mga Hapones at Koreano
Maraming naging epekto ang divine origin sa pag-uugali
ng mga Hapones at Koreano. Narito ang ilan sa kanila:

• Ang parehas na lahi ay kinikilala dahil sa kanilang


kakaibang work ethics. Isang halimbawa nito ang
pagkakaroon ng superiority sa mga opisina.
• Kilala ring disiplinado ang mga Koreano at Hapones.
• Sila ay nagpapahalaga sa kalinisan at sa kalikasan.
• Sinasabing madaling nakaahon ang mga Koreano at
Hapones mula sa epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig dahil sa panukala na pagtaguyod sa
kanilang mga lokal na produkto.
• Mayroon silang mataas na pagpapahalaga sa gawa
ng kapwa nila Hapones o Koreano.
Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:

• Ano ang kaisipang divine origin?


• Ano-anong bansa ang higit na tumanggap at humubog sa
kaisipang divine origin?
• Saan matatagpuan ang mahalagang tala hinggil sa
pinagmulan ng bansang Hapon?
Pag-isipan Natin!

• Sa ngayon na hindi na naituturing na sagrado at banal


ang emperador ng Hapon, paano na kaya siya
nakikipagugnayan at nakikutungo sa kaniyang mga
kinasasakupan?
Dapat Tandaan

• Ang divine origin ay ang paniniwala na banal ang namumuno sa kabihasnan at imperyo
kung kaya’t itinuturing din na banal ang mga tao rito.
• Ayon sa Kojiki, ang kapuluan ng Hapon ay nabuo mula sa pagsasama ng diyos na si Izanagi
at diyosang si Izanami.
• Si Dangun Wanggeom ang nagtatag ng unang kaharian ng Korea.

You might also like