Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Layunin

Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak


ng mga Pilipino sa mga mahahalagang pangyayari at
mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa laban sa
kolonyalismong Espanyol.
. Pangkatin ang mga mag-aaral at hayaan ang bawat
pangkat na gumawa ng isang maikling awit o rap o jingle
na may kaugnayan sa nakaraang pinag-aralan.
a. Ano ang dahilan ng kanilang pakikibaka?
b. Laban kanino ang kanilang pakikibaka?
c. Batay sa iyong napanood, nagtagumpay ba sila
sa kanilang pakikibaka? Bakit?
d. Maliban sa iyong napanood, anu-ano pa kaya
ang iba pang mga maaring maging dahilan kung
bakit ang pakikibaka ay hindi nagtatagumpay?
•Anu-ano kaya ang naging dahilan kung bakit
hindi nagtatagumpay ang mga pag-aalsa ng mga
Pilipino laban sa mga Kastila? Papaano nila
napagtagumpayan ang mga balakid na ito upang
makamtan ang kalayaan ng bansa?
• Sabihin kung ang mga sumusunod na pag-aaklas ay nagtagumpay o hindi.
• Mga nilalaman ng Meta cards:
• Lakandula
• Sumuroy
• Katipunan
• Propaganda
• Tamblot
• Dagohoy
• Hermano Pule
• Diego at Gabriela silang
• Reporma

• Pag-uulat ng bawat pangkat ayon sa gabay ng guro.


• Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay
pinahahalagahan na. Marami silang mahahalagang papel na
ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at higit sa lahat,
bilang ilaw ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na
Espanyol ang dala ng pagbabago sa mga kababaihan. Tanging
ang mga kalalakihan na lamang ang nakapag-aral noon.
• Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking
nababanggit sa kasaysayan ng bansa na kalimitan pa ay
pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa Maynila.
Napapanahon na upang mabigyan natin ng pagpapahalaga
ang mga Rebolusyonaryo mula sa iba’t ibang rehiyon,
lalawigan at sector, kabilang na ang mga kababaihan na mga
tumulong at nakidigma para sa bayan.

• Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag - aalsa
• Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang
naging pagtugon ng mga Pilipino sa pagtrato sa kanila
ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong
1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na tapatan din
ng dahas at armas ang mga pagmamalupit ng mga
Kastila.
• Marami at magkakaiba ang dahilan na
nagbunsod sa mga Pilipino upang ang mga Espanyol
ay kanilang kalabanin. Muling pag-aralan ang nasa
tsart sa ibaba.
Dahilan Mga Namuno Taon Lugar
Lakandula at Sulayman 1577 Maynila
Labis na Tributo o
Juan de la Cruz o Palaris 1762-1764 Pangasinan
Buwis
Diego at Gabriela Silang 1762-1765 Ilocos
Sumuroy 1649-1650 Samar
Paggawa Malong 1660-1661 Pangasinan
Maniago 1660-1661 Pampanga
Bankaw 1621 Leyte
Tamblot 1621 Bohol
Tapar 1663 Panay
Relihiyon
Dagohoy 1744-1829 Bohol

Apolinario dela Cruz o


1840 Quezon
Hermano Pule
• Resulta ng mga Rebelyon
• Pawang nabigo ang mga inilunsad na mga rebelyon sanhi
ng iba’t ibang kadahilanan. Unang dahilan ang kawalan ng
pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon ang mga Pilipino na
silang lahat ay nagmula sa isang lahi lamang, kaya’t nararapat
na sila ay magtulungan. Magkakaiba ang kanilang dayalekto,
kaya hindi nila maunawaan ang isa’t isa. Naging madali para sa
mga Espanyol na gamitin ang taktikang “divide et empera” o
divide and rule”. Upang supilin ang pag-aalsa ng isang
lalawigan, hindi na kailangan ang mga puwersang espanyol
mula sa Maynila. Nakakukuha sila ng mga tulong mula sa mga
karatig na pook. Nang inilunsad ni Tamblot ng Bohol ang
kaniyang pag-aalsa, 300 mandirigmang Cebuano ang nakuha
ng mga Espanyol para tumulong sa kanila.
• Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng mga rebelyon ay ang
kakulangan ng mga armas na siyang gagamitin sa rebolusyon.
Kadalasan ang gamit lamang nila sa kanilang mga pag-aaklas
ay ang kanilang mga tabak, itak, sibat at pana na pawing
walang kalaban-laban sa mga baril at kanyon na dala at gamit
ng kanilang mga kalaban.
• Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila ng maayos na
estratehiya at pagpaplano. Ang mga pag-aaklas ay agad-agad
na inilulunsad nang walang isinasagawang mahusay na
pagpaplano. Ang ilan sa kanilang mga lider ay wala ring
kasanayan o pagsasanay sa paghawak ng mga armas
kungkaya’t sila ay hindi handa sa oras na sila ay mapalaban.
Ang ilan naman ay hindi mahusay ang pamamahala sa mga
kasapi ng kanilang pangkat o grupo.
• Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng
kanilang mga grupo. May mga pag-aalsa na
isinasagawa lamang nila para sa kanilang mga
pansariling kadahilanan, kung kaya’t binubuo
lamang ito ng maliit na bilang ng mga
mandirigmang kasapi nito. Naging madali para sa
mga Espanyol ang pagsupil sa kanila.

• Pagsilang ng Nasyonalismo
• Sa unang dalawang siglo ng pananakop ng mga
Espanyol, tahimik na tagasunod lamang ang mga
nakararaming mga Pilipino. Bagaman may mga rebelyong
naganap sa simula pa lamang ng pagdating ng mga Espanyol,
hindi ito nakatulong upang mapag-isa ang mga Pilipino.
• Ang pagdating ng huling siglo o ika-19 na siglo ay
nagging saksi sa mga maraming pangyayari na nagulot ng
maraming mga pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ang
siyang nagbukas daan sa pagsilang ng damdaming
nasyonalismo o diwng makabansa ng mga Pilipino.

Mga Salik ng Pag-usbong ng
Kamalayang Makibaka at
Pambansa
• Pagbubukas ng Suez Canal
• Ang paglalakbay mula sa Espanya patungo sa Pilipinas
ay naging mas madali at mas malapit ng 9700 kilometrong
layo.Dumami ang mga espanyol sa Pilipinas na nagpalaki
rin ng bilang ng mga mestizong Espanyol. Sila ay mga
bunga ng mga mag-asawang Pilipino at Espanyol.
• Nakarating din ang maraming makabagong kaisipan
na nakalakip sa mga librong inaangkat sa Pilipinas. Ang
Pilipinas ay binuksan sa pandaigig na pamilihan noonpang
1830. Ang paglayang Estados Unidos at France matapos
maglunsad ng rebolusyon ang mga mamayan sa kani-
kanilang mga lugar ay nagging inspirasyon ng mga
kabataan.
• Paglaki ng Middle Class
• Nabibilang sa panggitnang antas ng lipunan o ng middle class
ang mga mestizong Espanyol, mestizong Tsino, at mga principalia. Ang
mga kabataang nagmula sa mga grupong ito ay pawang mga nakapag-
aral. Tinatawag silang mga illustrado. Sila ang nagpasimula ng
pagtawag sa kanilang sarili bilang mga Pilipino.
• Ang mga illustrado ay ipinapadala sa ibang Espanya upang
makapag-aral. Nakahalubilo nila ang mga kabataang Espanyol na may
mga makabagong pananaw. Sila man ay nakikipaglaban para
maisulong sa Espanya ang maraming pagbabago sa sistema ng
kanilang pamahalaan. Nagkapalitan ng mga ideya ang mga kabataang
nagmula sa Espanya at sa Pilipinas kaugnay ng kanilang mga
nararanasan.
• Pagdating ni Carlos Maria de la Torre
• Noong 1868, napatalsik sa kaniyang trono ang pinuno
ng kaharian sa Espanya, si Reyna Isabel II. Pumalit ang isang
pamahalaang republika kaya ang naipadalang gobernador-
heneral sa Pilipinas ay may liberal ding pamamaraan ng
pamumuno. Siya ay si Carlos Maria dela Torre.
• Napamahal siya sa maraming mga Pilipino. Nakikipag-
usap siya sa mga Pilipino.Ipinagbawal niya ang paggamit ng
dahas, ang labis na buwis at ang sapilitang paggawa. Ilan sa
mga nakinabang sa kaniyang pamamahala ay ang mga paring
secular at ang mga manggagawa sa arsenal ng armas ng
Cavite
• Sa maikling panahong itinagal ni dela Torre sa
Pilipinas, naranasan ng mga Pilipino ang ilang
kalayaan na dati-rati ay kailanman ay hindi nila
natikman. Tatlong taon lamang ang inilagi ni dela
Torre bilang gobernador-heneral ng bansa dahil noong
1871, nakabalik sa kaniyang kapangyarihan si Reyna
Isabela II. Lumisan si Carlos Maria dela Torre at
pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo. Ang lahat ng mga
kalayaang tinamasa ng mga Pilipino ay muling binawi
ng bagong gobernador-heneral sa kaniyang
pamumuno sa Pilipinas.

• Isyu ng Sekularisasyon
•‘ Ang isyu ng sekularisasyon ay isang matinding isyu sa
kaparian noong ika-18 na siglo. Ang sekularisasyon ay ang
pagbibigay ng karapatan sa mga paring Pilipino ng
karapatan na magkaroon ng sarili nitong parokya.
• Noong ua, ang mga pari sa Pilipinas ay nahahati sa
dalawang grupo – ang mga paring secular at ang mga
paring regular na pawing mga Espanyol. Dahil sa pagganda
ng buhay ng mga Pilipino, marami sa mga magulang ang
nagnaisa na ipasok sa seminary ang kanilang mga anak na
lalaki upang maging pari. Gayunpaman, mababa ang
pagtingin ng mga paring Espanyol sa mga paring Pilipino,
kaya katulong lamang sila ng mga ito.
• Dahil sa paglaki ng mga parokya at paglisan ng mga
Heswita sa Pilipinas, nagkaroon ng kakulangan sa mga
pari. Itinadhana ng hari ng Espanya ang pagpapatupad
ng dikring 1774 na nagbigay sa mga Pilipinong pari ng
karapatan na magkaroon na rin ng kanilang sariling
parokya.
• Nang magbalik ang mga Heswita sa Pilipinas,
maraming Pilipinong pari ang natanggalan ng
katungkulan at posisyon sa kani-kanilang mga
parokya. Nagkaisa ang mga Pilipinong pari na
ipaglaban ang kanilang karapatan na pamunuan ang
kanilang sariling parokya.
• Isa sa mga nangunang mga pari sa pagtatanggol ng
kanilang mga karapatan ay si Padre Pedro Pelaez.
Kabilang siya sa grupo ng mga Espanyol na creoles o
insulares. Tubo siyang Pagsanjan, Laguna. Kinilala siya
bilang lider ng mga Pilipinong pari. Naging maikli ang
kaniyang pakikipaglaban. Namatay siya noong 1863 sa
loob ng gumuhong Katedral ng Maynil dahil sa lindol.
• Pinalitan siya ni Padre Jose Burgos na isa naming
mestizong Pilipino. Tubo siyang Vigan, Ilocos Sur at
kinilala bilang isang matalino at mahusay na pari.
Ipinagpatuloy niya ang nasimulan ni Padre Pelaez.
• Kamatayan ng GOMBURZA
• Nang mahirang si Rafael de Izquierdo bilang
kapalit ni dela Torre sa pagiging gobernador-
heneral, ipinagkait niyang muli ang mga
karapatang tinamasa ng mga Pilipino. Kabilang sa
mga naapektuhan nito ay ang mga nagtatrabaho
sa Fort Felipe sa Cavite na isang arsenal ng
armas. Pinagbayad silang muli ng buwis.
• Noong Enero 20, 1872, pinamunuan ni Sarhento
La Madrid ang pag-aalsa ng mga Pilipino sa
nasabing arsenal ng armas. Napatay nila ang
maraming Espanyol sa loob ng moog, ngunit
nasupil din sila agad. Apatnapu’t isa sa mga nag-
aklas ang napatay, samantalang ang iba ay
nakakulong. Pagkaraan ng ilang araw, ang
labingtatlo pang nag-aklas ay ipinapatay na rin.
• Sa sumunod na mga araw, marami ang hinuli at
ikinulong. Kasamang idinawit sa nasabing pag-
aalsa sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at
Jacinto Zamora. Ang layunin ng pagdawit sa
kanila ay upang takutin ang mga paring Pilipino
at huwag nang isulong ang isyu ng
sekularisasyon. Idinaos ang mabilis na paglilitis
sa kanila. Ang kanilang kamatayan ay nagpaalab
sag alit ng mga Pilipino. Inialay ni Jose Rizal ang
kaniyang ikalawang nobela na El Filibusterismo
sa tatlong pari.
Sagutin ang mga sumusunod na graphic organizer upang
matukoy kung anu-ano ang mga mabuti at hindi mabuting
pangyayari na naging dahilan upang maging matagumpay o
hindi ang kanilang pag-aaklas.
Diego at Gabriela Silang
Francisco Dagohoy
Sumuroy, Maniago at Malong
• Gawain A
• Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang mga pag-aalsa at
mga rebolusyong sinimulan ng mga Pilipino ay kadalasang
hindi nagtatagumpay?
1.
2.
3.
4.
5.
• Gawain B
• Magbigay ng halimbawa sa mga dahilan ng pag-aalsa na nasa ibaba.
Tukuyin ang pinag-ugatan ng kanilang pag-aalsa
• A. Relihiyon
1.
2.
3.

• B. Paggawa at Buwis
4.
5.
• Gawain C
• Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman kung
hindi
____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyong
inilunsad ng mga Pilipino ay ang kanilang hindi pagkakaisa.
____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay
pawang bihasa at magagaling sa paghawak ng armas.
____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din
na kasapi ng katipunan at kasama rin sa mga pakikidigma.
____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo
kapag nalalaman nila na nagtagumpay ang iba pang
rebolusyonaryo sa mga karatig bayan.
____5. May mga rebolusyong naging matagumpay ang mga
Pilipino.
Gawain D
Ipaliwanag sa maikling pangungusap o talata ang
pagbabago sa kamalayan na naidulot ng mga
sumusunot na salita o kaisipan o pangyayari sa mga
Pilipino.
1. Pagbubukas ng Suez Canal
2. Paglaki ng Middle Class
3. Pagdating ni Gobernador-Heneral dela Torre sa
Pilipinas
4. Sekularisasyon
5. Pagbitay sa GOMBURZA
Tandaan mo
 Ilan sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyong inilunsad ng mga Pilipino ay ang mga
sumusunod:
o Pagkakaroon ng magkakaibang diyalekto
o Hindi pagkakaisa
o Kawalan ng Nasyonalismo
o Nabubuo lamang ng maliliit ng pangkat at watak-watak
o Makasariling mithiin at adhikain sa pakikipaglaban
o Kakulangan sa armas at kasanayan sa paggamit ng mga ito
 Maka,lipas ang mahabang panahon ng pakikibaka laban sa mga Espanyol ay unti-unting nabuo ang
Nasyonalismo sa mga Pilipino
 Ang mga nagbunsod ng pagkakabuo ng pagkakaroon ng Nasyonalismo ng mga Pilipino ay ang mga
sumusuno:
o Ang pagbubukas ng Suez Canal
o Ang paglaki o pagdami ng nabibilang sa Middle Class
o Ang pagdating sa Pilipinas ni Gobernador Heneral dela Torre
o Ang isyu gng Sekularisasyon
o Ang pagbitay sa 3 Paring Pilipino na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
na kilala sa tawag na GOMBURZA
Takdang Aralin
Sumulat ng limang kahalagahan na naidulot ng
pakikibaka ng iba’t ibang rehiyon at sector laban sa
mga kastila.

You might also like