Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Konsepto ng Kabihasnan at

Mga Katangian Nito


ARALING PANLIPUNAN-7 IKALAWANG MARKAHAN – ARALIN 1
Mga Layunin:

 Sa paksang ito ay inaasahang iyong maisasagawa ang sumusunod na mga


pamantayan at kasanayan:
 ⚫ Nabibigyang kahulugan ang konseptong kabihasnan
 ⚫ Naiisa-isa ang mga katangian sa pagkakaroon ng kabihasnan
 ⚫ Nasusuri ang mga sistemang kinabibilangan ng mga katangian sa pagkakaroon
ng kabihasnan
 ⚫ Napahahalagahan ang mga katangian sa pagkakaroon ng kabihasnan
Paunang Pagtataya:
Paunang Pagtataya:
Paunang Pagtataya:
Paunang Pagtataya:
Paunang Pagtataya:
Paunang Pagtataya:
Balik-aral
Motibasyon

A B I H A S N A
Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig
 Ayon sa mga arkeologo, ang mga nahukay na fossils at artifacts sa iba’t- ibang bahagi ng mundo ang siyang
ginamit na pangunahing ebidensya sa pag aaral sa ebolusyon ng tao. Ang fossils ay ang anumang tumigas na
labi ng mga halaman, hayop at tao samantalang ang artifacts ay anumang mga kasangkapang ginagamit ng
tao. Ganunpaman, mayroon ding dalawang aspektong pinagbatayan ang pinagmulan ng unang tao – ang
bayolohikal at kultural. Ayon sa ebolusyong bayolohikal, ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad ng paglaki
ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng katawan ay ang siyang pangunahing ginamit na batayan
sa pag- unlad. Batay naman sa ebolusyong kultural, ang mga kasangkapang ginamit ng mga sinaunang tao
ay ang pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig
 Ang kuwento ng pinagmulan ng tao ay nagsimula sa Teorya ng Ebolusyon ng Tao ng
isang French naturalist na si Jean Baptiste Lamarck (1809) subalit kulang ang kanyang
mga makaagham na pagpapaliwanag hanggang sa nagpalabas ng isa pang teorya sina
Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858. Pinag- ibayo ni Darwin ang
pagpapaliwanang sa kanyang aklat na Origin of Species noong 1859. Ayon sa teoryang
ito, tila isang hagdanan (ladder) ang pinagdaanang ebolusyon ng tao, kung saan ang
nagsilbing pundasyon ay ang ninunong malabakulaw (apelike ancestors) at ang mga
modernong tao (Homo sapiens) ang nasa pinakatuktok.
 Tinawag na hominid ang mga kabilang sa pamilya (hominidae) ng bipedal primate
mammal na kinabibilangan ng pinakamodernong tao. Ang silangang bahagi ng Africa ay
pinaninirahan ng iba’t- ibang uri ng mga hominid. Ang mga ito ay hinati ng mga
dalubhasa sa tatlong pangkat- ang Ardipithecus Ramidus, Australopithecine at Homo.
Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig
Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Asya at Daigdig

Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga
Unang Asyano
  mas malaki ang utak
bunga ng pagiging mas
matalino sa mga hayop
  nakakalakad na ng
maayos at may pisikal na
katangian
  mga gamit na yari sa
matatalim na bato at graba
  gumagamit ng apoy
Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga
Unang Asyano
Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga
Unang Asyano
  gumawa ng kagamitang yari
sa bakal na siyang panlaban sa
mababangis na hayop
  natutong maghabi at mag-ukit
sa mga kahoy
  mangalakal gamit ang
sistemang barter at barya
  gumawa ng mga sasakyang
pandagat para sa kanilang
kalakalan
Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon
 Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa
Kontinenteng Africa sa Asya ay nabuo ang mga uri
ng pamayanan na kalaunan ay tinawag na
“SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay
nanggaling sa salitang Latin na “civitas” na ang
ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na
nangangahulugan namang “ng mga mamamayan”.
Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang masalimuot
na pamumuhay sa lungsod.
Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon
 Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN” naman
ay isang terminolohiya ng mga Pilipino sa higit na
mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa
salitang ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay
eksperto o magaling. Kung gayon ang kabihasnan
ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng
maraming pangkat ng tao. Sakop nito ang mga
pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi
batay sa lungsod. Maliban sa pamumuhay, kasama
rito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining.
KONSEPTO NG KABIHASNAN
 Ang Kabihasnan ay isang
konseptong tumutukoy sa
pagkadalubhasa ng mga
mamamayan sa isang kulturang
kinagisnan o nakasanayan at
pinaunlad ng maraming pangkat
ng tao. Ito ay isa ring yugto ng
kaunlaran sa isang lipunan
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN
 May mga katangian sa pagkakaroon ng
kabihasnan. Kabilang dito ay ang pagkakaroon
ng matatag, organisado at sentralisadong
sistema ng pamahalaan,pagkakaroon ng
mataas na antas ng kaalaman sa larangan ng
siyensya at teknolohohiya,pagkakaroon ng
relihiyon at kultura, may mataas na antas na
kaalaman sa arkitektura at sining,may
kasanayan at espesyalisasyon sa iba’t ibang
gawaing pang–ekonomiya at ang mayroong
sistema ng pagsulat.
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN
 Una ay ang pagkakaroon ng mga sinaunang
Asyano ng matatag, organisado at
sentralisadong pamahalaan. Ito ay
masasalamin sa kanilang sistemang
pampolitika. Sa simula, pinamunuan ang mga
lungsod ng mga matataas na pari at sa
kalaunan napalitan sila ng pinunong militar
bilang hari ng lungsod. Mahalaga ang naging
papel na ginagampanan ng mga paring-hari
dahil taglay nila ang mga responsibilidad na
pangrelihiyon, pampolitika at pang-
ekonomiya.
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN
 Ikalawa ay ang pagkakaroon nila ang
mataas na antas ng kaalaman sa
larangan ng siyensa at teknolohiya. Ito
ay kanilang pinatunayan sa
pamamagitan ng iba’t ibang imbesyon
katulad ng gulong na gamit sa
sasakyang pandagat at panlupa, mga
kagamitan na pang-agrikultura na may
malaking naitulong para sa pag-unlad
ng kanilang ekonomiya.
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN
 Ikatlo ay ang pagkakaroon ng relihiyon
at kultura. Ang mga sinaunang Asyano
ay may paniniwalang Politeismo
(Polytheistic) o paniniwala sa maraming
diyos at diyosa at ito ay patunay na na
mayroon silang sistemang
pangrelihiyon. Taglay din nila ang iba’t
ibang kultura, kaugalian at tradisyon.
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN
 Ikaapat ay ang pagkakaroon nila
ng mataas na antas ng kaalaman
sa larangan ng arkitektura at
sining. Ito ay kanilang naipakita sa
paggawa ng iba’t ibang palamuti sa
katawan, paggawa ng mga planado
at malalaking gusali, matataas na
pader at malalapad na kalsada at
mga monumento bilang templo.
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN
 Ikalima ay ang pagkakaroon ng kasanayan o
espesyalisasyon sa mga gawaing pang kabuhayan na
naglalarawan ng kanilang sistemang pang–
ekonomiya. Para patuloy na matugunan ang
kanilang mga pangangailangan nagkaroon sila ng
kasanayan sa iba’t ibang gawain. Ang uri ng
kanilang gawain o trabaho ang batayan sa pagbubuo
ng uring panlipunan. Nasa taas ng lipunan ang hari
at pari na namumuno. Kasunod ang ilang mababang
opisyal ng palasyo at templo, mangangalakal,
sundalo, artisano at magsasaka. Pinakamababang
uring panlipunan ang mga alipin at ito ay
naglalarawan ng kanilang sistemang panlipunan.
MGA KATANGIAN NG KABIHASNAN
 Ikaanim ay ang pagkakaroon ng sistema ng
pagsulat. Napakamakabuluhan ang
pagkakaimbento ng mga sinaunang Asyano ng
iba’t ibang sistema ng pagsulat. Nariyan ang
Cuneiform ng kabihasnang Sumer, Pictogram
ng kabihasnang Indus at Calligraphy ng
kabihasnang Shang. Malaki ang naitulong nito
sa pagsulat ng kanilang mga batas, kasunduan
sa negosyo, dasal, bilang at pagkakakilanlan ng
kanilang mga produkto, paglalarawan sa mga
bagay at ideya at iba pang mga mahahalagang
datos.
Kabihasnang Asyano
Pangkatang Gawain
Gawain # 2.1
Takdang-Aralin # 2.1
SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like