2 - Dula

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Dula

Dula
ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa
isang tanghalan.
ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto
na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan
ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan
ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag
na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
Bahagi ng Dula
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula.
Inilalahad and tabing bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang
mga nanonood.

2. Tanghal – kung kinakailangang magbago ang ayos ng


tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto

3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang


gumaganap sa tanghalan
Mga Uri ng Dula:
1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay
ng mga pangunahing tauhan.
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood
dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
magkakasundo.
3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat
ang uring ito’y may malulungkot na bahagi.
4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa
pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa.
5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa dito.
Mga Elemento ng Dula:
A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at
kakalasan ang banghay ng isang dula.

1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula.


Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga tauhang lugar,
panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang
aksyon.

2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago


ang pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang
pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang
kinakaharap.
3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating
masikip, at matinding pagtatagisan ng tauhan o ng mga
pangayayari

B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati


ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang
nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang
tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula
hanggang sa matapos ito.

C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay


gumagamit upang maipaalam sa manonood o mambabasa
ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang
kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan,
ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan
malakas kaysa normal na pagsasalita

You might also like