Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

TEKSTONG

NARATIBO
Tekstong Naratibo
- Uri ng teksto na nagsasalaysay ng mga pangyayari o
kaganapan.
- Layunin ng tekstong naratibo na magpahayag ng mga
pangyayari nang may maayos na pagkasunod-sunod
(magkakaugnay-ugnay na pangyayari)
- Ang batayan nito’y maaaring mga sariling karanasan,
mga pangyayaring
napakinggan/narinig,nakita/nasaksihan/napanood,na
basa/natunghayan o nabalitaan.
Mga Katangian
1. May wastong Pagkasunod-sunod ng mga
Pangyayari.
Maaaring ang nagsasalaysay ay
iniisa-isa ang mga detalye sa paraang
nagnanais na makapagbigay ng sapat na
detalye sa isang nagsusuri.
Paraan ng pagkukuwento na maaaring magamit:
a. Maaaring magkuwento gamit ang flashback o
magsisimula sa isang nakalipas na pangyayari.
Gagamitin na paraan ang nakaraan upang
masuportahan ang idinetalyeng impormasyon.
Tinatawag din itong deductive .
Karaniwang ginagamit ang prinsipyong ito sa
masining at tamang pagdadahilan o ang tinatawag na
syllogism na ginamit.
b. Maaaring gumamit ng panimula papunta sa wakas
ng ikinukuwento. Ito ang maaaring pinakasimpleng
paraan ng pagkukuwento sapagkat nagsisimula sa
kung saan talaga ang panimula at magtatapos sa kung
saan talaga ang katapusan. Tinatawag din itong
inductive.
2. Magaan itong basahin.
Sa tulong ng retorika o ang masining na
paraan ng pagsulat, nagiging magaan ang
paraan ng pag-intindi sa isang tekstong
masasabing naratibo. Gumagamit ang
tekstong ito ng mga salik sa madaling
maunawaan ng mga mambabasa o sumusuri.
Ilan sa mga salik na ito ang gramatiko, ang
pagpili ng mga wastong salita, estilo, o
maging ang mga pagpapakahulugan ng mga
simbolo.
3. Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung
anong uri ito ng textong narativ at ng isang matibay
na kongklusyon.
a. mabuting simula- kailangang maging kawili-
wili ang simula. Bukod sa pamagat, ito ay pang-akit
din sa mga mambabasa. Ang simula ay nararapat
lamang na maging tiyak at tuwiran.
Iwasan ang mga ganitong panimula:
(Noong unang panahon,isang araw, habang, Minsan,
may isang… at Ang kuwentong ito ay tungkol sa…)
b. mabuting wakas- ang wakas ay kailangang
maging kawili-wili upang maikintal ang bisa ng
narasyon sa mambabasa.
Iwasan:1. Prediktabol na wakas
2. Direktang pangangaral sa wakas
Pagbabalik
Ni: Rolando A. Bernales
Papalubog na ang araw ngunit nasa laot pa rin
sin aka Mundo at Ka Andoy. Tahimik na nakaupo sa
unahan ng bangka si Ka Mundo. Malalim ang iniisip
ngunit mababakas ang di-maipaliwanag na
kaligayahan sa kanyang bahagyang nakangiting mga
labi. Hawak ng kanyang mapapayat na mga kamay
ang sagwan ngunit hindi niya iyon ikinikilos.
Matangkad si Ka Mundo at mababakas sa kanyang
mapula at bahagyang nasunog na balata ng dating
kaputian nito. Ngunit hindi gaanong kapayatan noon si
Ka Mundo. Ngayon lamang siya nangayayat nang
ganito. Napansin ni Ka Ando yang tila pagkabalisa ni
Ka Mundo.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?”
ang biglang salita ni Ka Andoy upang
basagin ang nakababaog na
katahimikan habang sinasagwan ng
matitipunong braso ang papasalubong
na tubig. “Ah, ano…?” bahagyang
nagulat si Ka Mundo,Oo. Tinanong na
rin sa akin ni Ka Ipe iyan. Pero sabi ko
sa kanya, hindi na magbabago ang
desisyon ko”.
Nagkibit-balikat lamang si Ka Andoy, mababasa ang
kalungkutan sa kanyang mukha. Kabaligtaran ni Ka Mundo si
Ka Andoy. Si Andoy, di tulad ni Mundo ay may matitipunong
katawan, hindi nga lang siya kataasan tulad ni Mundo. Sunog
ang balat ni Andoy, halatang sanay sa hirap. Palibhasa, dating
isang mangingisda. “Hndi ko nga akalaing papayagan ako ni Ka
Ipe, eh,” patuloy na salaysay ni Mundo, higit na masigla na
ngayon ang kanyang pananalita. “Sabagay, kahit hindi niya ako
payagan… kahit na anong paraan pa. KInasasabikan ko na nga
ang mag-ina ko.Sabik na sabik na akong mayakap ang anak ko.
Siguro, magdadalawang taon na si Junior ngayon. “Bahagya pa
lamang nakakalakad noon si Junior nang umalis si Mundo.
Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag kay Yolanda ang
dahilan ng kanyang pag-alis. “ Delikado ang lagay ko ngayon
ditto. Dalawa na sa pamunuan ng union ang nakidnap. Yung isa
si pareng Tony, natagpuan sa talahiban kagabi… Bangkay na.
Kailangan ko ng proteksyon… “ Ikaw nang bahala kay Junior,
Yolanda,” dugtong ni Mundo.
Iyak nang iyak si Yolanda ngunit wala siyang
magawa. Papalubog din ang araw noon nang umalis si
Ka Mundo sa kanilang tahanan.
“Paano ang prinsipyong ipinaglalaban natin, Ka
Mundo?” Bahagya na naman muling nagulat si Mundo
sa biglang pagtatanong ni Andoy. Kasalukuyan kasing
inaalala ni Mundo ang nakalipas, noong kasama pa
niya ang kanyang pamilya.
“hindi ko alam, basta alam ko, gusto kong
magsimula uli kasama ang aking pamilya. Kung hindi
na talaga pwede, babalik ako… Magkakasama uli tayo,”
wika ni Mundo.
“Ayoko sanang umalis ka nang ganito… Walang
kalaban-laban,” makahulugan ang mga luhang
nangingilid sa mga mata ni Andoy. “ Magkaibigan tayo,
Ka Mundo ayokong mangyari ito.”
“Andoy, sabi ko naman sa iyo babalik ako eh…
Kung talagang hindi na pwede, bigyan niyo lang ako ng
pagkakataong sumubok kung makapagsimula uli.” Ganap
nang natalo ng kadiliman ang liwanag nang dumaong sa
dalampasigan ang bangka.” Hanggang dito na lang kita
maihahatid, Ka Mundo”, paalam ni Andoy. “ Maraming
salamat. Mag-iingat ka sa pagbabalik sa… “Ikaw rin…”
mabilis na tugon ni Andoy.
Unti-unti nang nabasag ang kaninang bahagyang
ngiti sa mga labi ni Mundo habang tinatahak niya ang
madilim na landas patungo sa kanilang bahay.
Medyo naninibago siya sa lugar dahil sa ilang
pagbabago nito. Gayunpaman, lalong sumisidhi ang
kanyang pagkasabik na makatapak sa sahig ng kanilang
maliit na bahay. Biglang may kumislot sa kanyang dibdib
nang di kalayua’y natanaw niya ang kanilang bahay kung
saan iniwan niya ang kanyang mag-ina. Ilang hakbang na
lamang niya papalapit sa patutunguhan ay isang malakas
na putok ang umalatwat sa kapaligiran.
BBBBBBBBRRRRRRAAAAAAANNNNNNGGGGGG!!!!!
…………at isang mahaba, payat, mapula at duguang
katawan ang bumagsak sa mabuhanging lupa.
Sa di kalayuan. Ilang kumikislap na luha ang
pumatak sa isang maliit na anino ng isang matipunong
lalaki matapos gampanan ang isang utos ng kanyang
nakatataas.
Habang nagdadagsaan ang maraming tao sa
pinanggalingan ng tila umaagos na pulang gata sa lupa ay
unti-unting nawawala ang anino sa kadiliman.
A man around 23 to 27 years of age, believed
to be a member of the New People’s Army (NPA) was
shot dead at about 7:00 in the evening in Ibaba
Street, Paete, Laguna. Residents near where the body
was found identified the body as Reymundo Hernaez
a former resident of the place. The family of the corpse
moved to other place three months ago. No one can tell
the whereabouts of Reymundo’s family… The gunman
was able to escape immediately after the slaying. As
of today, there are still no leads as to who might be
responsible for the murder…”
Gabay sa Pagsusuri ( Pagsusuri)

1. Ano ang paksa ng teksto?


2. Ano sa iyong palagay ang layunin ng teksto na ito?
3. Anong damdamin ng awtor ang nadama mo matapos mabasa ang
teksto?
4. Ano-anong mga pahayag sa teksto ang maituturing mong
katotohanan?
5. Ano-ano naman ang opinion lamang?
6. Ano-anong hinuha ang iyong nabuo habang binabasa ang teksto?
7. Anong kongklusyon ang nabuo mo sa pagkatao ng mga
sumusunod:
a. Mundo
b. Lando
c. Ipe
8. Anong paglalahat o kongklusyon ang malilikha batay sa salaysay?
9. Taglay ba ng teksto ang mga katangiang dapat taglayin ng tekstong
naratibo?
PANGKAT 1 AT 2

1.Ano ang paksa ng teksto?


2. Ano sa iyong palagay ang layunin ng
teksto na ito?
3. Anong damdamin ng awtor ang
nadama mo matapos mabasa ang
teksto?
PANGKAT 3 AT 4

4. Ano-anong mga pahayag sa teksto ang maituturing mong


katotohanan?
5. Ano-ano naman ang opinion lamang?
6. Ano-anong hinuha ang iyong nabuo habang binabasa ang teksto?
PANGKAT 5 AT 6

7.Anong kongklusyon ang nabuo mo sa pagkatao ng mga


sumusunod:
a. Mundo
b. Lando
c. Ipe

8. Anong paglalahat o kongklusyon ang malilikha batay sa


salaysay?
PANGKAT 7 AT 8

9. Taglay ba ng teksto ang mga


katangiang dapat taglayin ng
tekstong naratibo? Patunayan.
Gawain

Bumuo ng isang maikling halimbawa ng


naratibong teksto mula sa napiling pangyayari sa binasang
teksto na may kaugnayan sa sarili bilang bahagi ng
pamilya at komunidad.

• Isulat ang nabuong salaysay sa isang buong papel.

KASUNDUAN:

• Magsaliksik tungkol sa tekstong prosidyural.


PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman……………………………………..40%
Organisasyon………………………………….30%
Bokabularyo…………………………………..20%
Mekaniks………………………………………10%

Kabuuan --- 100%


Kasunduan
Magsaliksik tungkol sa tekstong prosidyural.

You might also like