Si Rizal Bilang Anak at Kapatid

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

Jose Rizal

BILANG ANAK AT
KAPATID
GROUP 1
PAGSILANG NG PAMBANSANG
Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang
BAYANI
buwan, Miyerkules, Hunyo 19, 1861, sa baybaying bayan
ng Calamba, Laguna, Pilipinas.

Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang


bayan noong Hunyo 22, edad tatlong araw, ng kura
paroko, si Padre Rufino Collantes, na isang Batangueño.
Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas, taga-
Calamba at kaibigang matalik ng mag- anak na Rizal. Ang
ngalang "Jose" ay pinili ng kanyang ina na deboto kay
San Jose.
PARTIDO DE BAUTISMO NI
RIZAL
"Ako, ang kura paroko ng Calamba, ay nagpapatunay na
mula sa imbestigasyon ng mga kinauukulan, sa pagpapalit
ng mga libro ng paroko na nasunog noong Setyembre 28,
1862, ay matatagpuan sa Listahan Blg. 1 ng mga
Bininyagan, p. 49, ipinakikita ng sinumpaang testimonya
ng mga saksi na si JOSE RIZAL MERCADO ay
lehitimong anak nina Don Francisco Rizal Mercado at
Doña Teodora Realonda, na bininyagan sa parokong ito
noong ika-22 ng Hunyo ng taong 1861, ng kura paroko, si
Kapita-pitagang Rufino Collantes, si Kapita-pitagang
Pedro Casanas ang kanyang ninong. Tingnan ang aking
MGA MAGULANG NI JOSE
RIZAL
Si Jose Rizal ang
ikapito sa labing-
isang anak nina
Francisco Mercado
Rizal at Teodora
Alonso Realonda.
MGA MAGULANG NI JOSE
Ang ama ng bayani, si Francisco (1818-1898) ay isinilang
RIZAL
sa Biñan, Laguna, noong Mayo 11, 1818. Nag-aral siya
ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa
Maynila. Noong bata pa, pagkaraang mamatay ng mga
magulang, lumipat siya sa Calamba at naging kasamang
magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko.
Namatay siya sa Maynila noong Enero 5, 1898 sa edad
na 80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang
kanyang ama na "huwaran ng mga ama."
Si Doña Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay
isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826, at
nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang kilalang
kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod. Kahanga-hanga
siyang babae, mabini kung kumilos, may talino sa
panitikan, negosyo, at katatagan ng isang babaing Sparta.
Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking nanay ay
katangi-tangi; maalam siya sa panitikan at mahusay mag
Espanyol kaysa akin. Siya ang nagwawasto ng aking mga
tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang
nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika
at maraming aklat na nabasa."
Namatay si Doña Teodora sa Maynila noong Agosto 16,
1911 sa edad na 85. Bago siya namatay, nag-alay sa kanya
ng pensiyon ang Pamahalaan ng Pilipinas. Ngunit
magalang niyang tinanggihan ito. Sabi niya, "Ang aking
pamilya ay hindi naging makabayan dahil sa pera. Kung
maraming pondo ang pamahalaan at hindi alam kung saan
ito ilalaan, mabuti pang babaan na lamang nila ang buwis."
Sa ganitong pananalita, pinatunayan niyang karapat-dapat
siyang maging ina ng pambansang bayani.
MGA BATANG RIZAL

Ang mga Batang Rizal. Biniyayaan ng Diyos ang mag-


asawang Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso
Realonda ng labing-isang anak-dalawang lalaki at siyam
na babae.
MGA BATANG
RIZAL
SATURNINA RIZAL
(1850-1913)
panganay sa magkaka- patid na
Rizal, ang palayaw niya'y Neneng;
ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng
Tanawan, Batangas.
MGA BATANG
PACIANO RIZAL (1851-1930)
RIZALnakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-
loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang
nakababatang kapatid, sumapi siya sa
Rebolusyong Pilipino at naging heneral;
pagkaraan ng Rebolusyon, nagretiro siya sa
kanyang bukid sa Los Baños, kung saan siya
naging magsasaka at namatay noong Abril 13,
1930, isang matandang binata sa edad na 79.
May dalawa siyang anak sa kanyang
kinakasama (Severina Decena)- isang lalaki at
isang babae.
MGA BATANG
RIZAL
NARCISA RIZAL (1852-1939)
palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya
kay Antonio Lopez (pamangkin ni
Padre Leoncio Lopez), isang guro sa
Morong.
MGA BATANG
RIZAL
OLYMPIA RIZAL (1855-1887)
palayaw niya ay Ypia; ikinasal siya
kay Silvestre Ubaldo, isang operator
ng telegrapo mula Maynila.
MGA BATANG
RIZALLUCIA RIZAL (1857-1919)
Lucia (1857-1919)- ikinasal siya kay
Mariano Herbosa ng Calamba, na
pamangkin ni Padre Casanas.
Namatay sa kolera si Herbosa noong
1889 at itinanggi sa kanya ang isang
Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni
Dr. Rizal.
MGA BATANG
RIZAL
MARIA RIZAL (1859-1945)
Biang ang kanyang palayaw; ikinasal
siya kay Daniel Faustino Cruz ng
Binan, Laguna.
MGA BATANG
RIZALJOSE RIZAL (1861-1896)
ang pinakadakilang bayaning Pilipino at
henyo; ang kanyang palayaw ay Pepe;
habang desterado sa Dapitan, nakisama
siya kay Josephine Bracken, isang Irlandes
mula Hong Kong; nagkaanak siya rito ng
lalaki ngunit ilang oras lamang nabuhay ang
sanggol pagkapanganak; pinangalanan
siyang "Francisco" ni Rizal, sunod sa
ngalan ng ama, at inilibing siya sa Dapitan.
MGA BATANG
RIZALCONCEPCION RIZAL
(1862-1865)
ang kanyang palayaw ay Concha;
namatay siya sa sakit sa edad na 3;
ang kanyang pagkamatay ay unang
kalungkutang naranasan
ni Rizal.
MGA BATANG
RIZAL
JOSEFA RIZAL (1865-1945)
ang kanyang palayaw ay Panggoy;
namatay siyang matandang dalaga sa
edad na 80.
MGA BATANG
RIZALTRINIDAD RIZAL (1868-1951)
Ang palayaw niya ay Trining at siyang
tagapagtago at tagapamahala na
pinakahuli at pinakatanyag na tula ni
Jose Rizal.
Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula
ng Bayani
MGA BATANG
RIZAL
SOLEDAD RIZAL (1870-1929)
bunso sa magkakapatid na Rizal; ang
kanyang palayaw ay Choleng; ikinasal
siya kay Pantaleon Quintero ng
Calamba.
MGA BATANG
RIZAL
Nagmamahalan ang magkakapatid. Noong bata pa,
laging kalaro ni Jose Rizal ang mga kapatid niyang mga
babae. Tulad ng ibang magkakapatid, nag-aaway din sila
ngunit nang tumanda'y nanatili pa rin ang paggalang ni
Jose Rizal sa kanyang nakakatandang kapatid na babae.
ANG TAHANAN NG MGA
Ang tahanan ng mga Rizal, kung saan isinilang ang bayani,
RIZAL
ay isang katangi-tanging bahay- na-bato sa Calamba noong
Panahon ng Espanyol. May dalawa itong palapag, parihaba
ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy, at
may bubong na pulang tisa.
Isa itong masayang tahanan kung saan naghahari ang
pagmamahal ng mga magulang at tawanan ng mga bata.
Sa umaga, maririnig dito ang pag-iingay ng mga batang
naglalaro at awitan ng mga ibon sa hardin. Sa gabi,
maririnig naman ang malumanay na himig ng isang
pamilyang nagdarasal.
MGA NINUNO NI
Gaya ng karaniwang Pilipino, si Rizal ay produkto ng
RIZAL
pinaghalu-halong lahi. Sa kanyang mga ugat ay
nananalaytay ang dugo ng Silangan at Kanluran-Negrito,
Indones, Malay, Tsino, Hapon, at Espanyol. Ngunit mas
nakalalamang ang pagiging Malay niya at isa siyang
mahusay na ispesimen ng kalalakihan. Sa partido ng
kanyang ama, ang kanunu- nunuan niya ay si Domingo
Laméo, isang Tsinong imigrante mula sa Changchow,
lungsod ng Fukien, na dumating sa Maynila noong mga
taong 1690.
MGA NINUNO NI
Naging Kristiyano siya, nakapangasawa si Ines de la Rosa,
RIZAL
mayamang Tsinong Kristiyano sa Maynila. Ginawa niyang
Mercado ang kanyang apelyido na akmang-akma naman sa
kanya dahil siya ay isang mangangalakal. Nagkaanak sina
Domingo Mercado at Ines de la Rosa, si Francisco
Mercado. Si Francisco Mercado ay nanirahan sa Biñan,
nakapangasawa ng isang mestisang Tsinong- Pilipino, si
Cirila Bernacha, at nahalal na gobernadorcillo (alkalde ng
bayan). Isa sa mga anak nila, si Juan Mercado (lolo ni
Rizal) ang napangasawa ni Cirila Alejandro, isang
mestisang Tsinong- Pilipino.
MGA NINUNO NI
RIZAL
Namatay ang ama ni Francisco Mercado nang siya ay
walong taong gulang, at lumaki siya sa pag-aaruga ng
kanyang nanay. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya sa
Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag-aaral ay
nakilala niya't umibig siya kay Teodora Alonso Realonda,
isang estudyante sa Kolehiyo ng Santa Rosa. Ikinasal sila
noong Hunyo 28, 1848, at pagkaraa'y nanirahan sa
Calamba, kung saan pagsasaka at negosyo ang ibinuhay
nila sa malaki nilang pamilya.
MGA NINUNO NI
Sinasabing ang pamilya ni Doña Teodora ay nagmula kay
RIZAL
Lakandula, ang huling katutubong hari ng Tondo. Ang
kanyang kanu- nu-nunuan (lolo sa tuhod ni Rizal) ay si
Eugenio Ursua (may lahing Hapon) ay nakapangasawa ng
isang Pilipino, si Benigna (walang nakaaalam ng apelyido).
Ang kanilang anak na si Regina ay ikinasal kay Manuel de
Quintos, isang abogadong Tsinong-Pilipino mula Pangasinan.
Isa sa mga anak nina Abogado Quintos at Regina ay si
Brigida, na napangasawa ni Lorenzo Alberto Alonso, isang
kilalang mestisong Espanyol-Pilipino ng Biñan. Ang kanilang
mga anak ay sina Narcisa, Teodora (ina ni Rizal), Gregorio,
Manuel, at Jose.
MABUTING PAMILYA NA
NAKALULUWAG SA BUHAY O
NAKARIRIWASA.
Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga principalia,
mayayaman ng isang bayan noong Panahon ng Espanyol.
Sila ay isa sa mga kilalang pamilya sa Calamba. Bunga ng
katapatan, kasipagan, at pagiging masinop sa buhay,
nakapamuhay nang maayos ang mga magulang ni Rizal.
Mula sa lupang inuupahan sa Ordeng Dominiko, nakapag-
aani sila ng palay, mais, at tubo. Nag-aalaga sila ng baboy,
manok, at pabo sa kanilang likod-bahay. Bukod sa
pagsasaka at paghahayupan, si Doña Teodora ay may
maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina, at gawaan ng
hamon.
ANG BUHAY NG MGA RIZAL
Payak ngunit masaya ang buhay- pamilya ng mga Rizal.
Tulad ng ibang mag-anak na Pilipino, malapit sa isa't isa
ang mag-anak na Rizal. Bagaman mahal na mahal nina
Don Francisco at Doña Teodora ang mga anak nila, hindi
naman nila pinalaki ang mga ito sa layaw. Istrikto silang
magulang at tinuruan nila ang mga anak na magmahal sa
Diyos, kumilos nang ayon sa kagandahang asal, maging
masunurin, at maging magalang sa lahat, lalo na sa mga
nakatatanda sa kanila. Noong bata pa, kapag may
ginawang kalokohan, pinapalo nila ang mga anak, kasama
na si Jose Rizal. Naniniwala sila sa kasabihang "Kundi
papaluin ang bata, lalaki ito sa layaw."
KABATAAN SA CALAMBA
Masasaya ang mga alaala ni Jose Rizal sa kanyang
kabataan sa Calamba. Naging masaya ang kanyang
tahanang pinamumunuan ng butihin nilang magulang,
umaapaw sa tuwa't ligaya, at binabasbasan ng Diyos. Ang
bayang sinilangan na Calamba, na ang ngalan ay nagmula
sa salitang "banga," ay magandang kanlungan ng isang
bayani. Ang magagandang tanawin nito, pati na ang
masisipag at mabubuting naninirahan dito ay nakatulong
nang malaki sa paghubog ng pag-iisip at ugali ni Rizal. Ang
pinakamasayang bahagi ng buhay ni Rizal ay nangyari sa
baybaying bayang ito, isang karapat-dapat na panimula sa
kanyang mala- Hamlet na trahedyang pagbibinata.
MGA ALAALA ANG KABATAAN
Ang unang alaala ni Rizal, sa kanyang kamusmusan, ay
ang masasayang araw niya sa hardin ng kanilang
tahanan nang siya ay tatlong taong gulang. Dahil siya ay
masakitin at maliit na bata, siya ang alagang-alaga ng
kanyang mga magulang. Ipinagpatayo siya ng kanyang
ama sa kanilang hardin ng maliit na bahay kubo na
mapaglalaruan niya sa araw. Isang mabuti at matandang
babae ang inupahan para maging yaya niya. Minsan,
kapag naiiwan siyang mag-isa, naglalaro siyang mag-isa
o kaya'y pinagmumunimunihan niya ang kagandahan ng
kalikasan.
MGA ALAALA ANG KABATAAN
Naisulat niya sa kanyang talaarawan na noong tatlong
taong gulang siya, pinanonood niya sa kanyang bahay
kubo ang paglalaro ng mga ibong kilyawan, maya, maria
kapra, martines, at pipit, pinakikinggan nang "buong
paghanga" ang matimyas na huni ng mga ibon.

Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na


pagdarasal nila tuwing Orasyon. Pagdumilim na, kuwento
ni Rizal, tinitipon ng kanyang ina ang mga anak para
makapagdasal na sa Orasyon.
ANG UNANG KALUNGKUTAN
NG BAYANI
Malapit sa isa't isa ang magkakapatid na Rizal. Tinuruan
sila ng kanilang magulang kung paano magmahalan at
magtulungan. Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal
ni Rizal si Con- cha (Concepcion). Isang taon ang tanda
niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula
sa kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal.

Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha sanhi


ng sakit noong 1865 nang siya ay tatlong taong gulang.
Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid, ay labis na
nalungkot sa pagkamatay nito.
DEBOTONG ANAK NG
SIMBAHAN
Anak ng isang pamilyang Katoliko, isinilang at pinalaki sa
diwa ng Katolisismo, at mayroong malinis na puso,
lumaking mabuting Katoliko si Rizal.

Sa edad na 3, kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya.


Ang kanyang ina, na isang debotong Katoliko, ang
nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang siya ay limang
taong gulang, marunong na siyang magbasa ng Bibliya
ng pamilya na nasa wikang Espanyol.
PEREGRINASYON SA ANTIPOLO
Noong Hunyo 6, 1868, nagtungo si Jose at kanyang ama sa
Antipolo para sa kanilang peregrinasyon na ipinanata ni
Doña Teodora nang isilang si Jose. Hindi nakasama si
Doña Teodora dahil kasisilang pa lang niya noon kay
Trinidad. Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng
Laguna at unang peregrinasyon sa Antipolo. Siya't kanyang
ama ay sumakay sa isang kasko. Tulad ng ibang bata,
tuwang-tuwa si Rizal sa una niyang paglalakbay. Hindi siya
nakatulog ng buong gabi habang tinatawid ng kasko ang
Ilog Pasig dahil totoong namangha siya sa "kagandahan ng
lawa at katahimikan ng gabi."
ANG KWENTO NG GAMUGAMO
Sa mga ikinuwento ni Doña Teodora sa paboritong anak na
si Jose, ang tungkol sa batang gamugamo ang nagkintal
ng magandang aral sa kanya.

Ang mapait na kapalaran ng batang gamugamo, na


"namatay na martir sa sariling ilusyon," ay nagkintal ng
magandang aral sa isipan ni Rizal. Binigyan niya ng
katwiran ang ganitong kadakilaang kamatayan, sinabi
niyang ito ay "pagsasakripisyo ng sariling buhay para rito,"
na nangangahulugang ideal, ay "makabuluhan." At gaya
ng batang gamugamo, siya ay nakatakdang mamatay na
martir para sa isang dakilang mithiin.
MGA TALINONG PANGSINING
Mula pagkabata, naipakita na ni Rizal ang mga talino niya
sa sining na biyaya sa kanya ng Diyos. Sa edad na 5,
gumuguhit na siya sa tulong ng kanyang lapis, humuhubog
ng magagandang bagay sa luwad o wax.

Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang


bandilang panrelihiyong ginagamit tuwing pista ng
Calamba ay lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon sa
kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong
bandila ng mga kulay de-langis. Tuwang-tuwa ang
taumbayan dahil mas maganda ito kaysa orihinal.
MGA PAGMUMUNI-MUNI SA
TABING LAWA
Kapag magdadapit hapon tuwing tag-araw, nagpupunta si
Rizal, kasama ang kanyang alagang aso sa tabi ng Lawa
ng Laguna para mapagwari-wari ang kalagayan ng
inaaping kababayan.

Kahit bata pa, ikinalulungkot na niya ang aping kalagayan


ng kanyang pinakamamahal na bayan. Ginising ng mga
kalupitan ng mga Espanyol ang mura niyang puso kaya
nagkaroon ito ng determinasyon para labanan ang Tirano.
MGA IMPLUWENSIYA SA KABATAAN
NG BAYANI.
Noong gabing isinilang si Jose Rizal, may ibang bata ang
isinilang sa Calamba at maraming ibang bata ang isinilang
sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas. Ngunit bakit sa mga
batang ito, isang batang lalaki lamang -si JOSE RIZAL-ang
naging tanyag at dakila?
Sa buhay ng tao, may mga impluwensiyang nagiging sanhi
para maging dakila siya o hindi. Sa kaso ni Rizal,
nagkaroon siya ng magagandang impluwensiya na hindi
naranasan ng ibang kapanabay niya. Ito ang mga
impluwensiya: (1) impluwensiyang namana, (2)
impluwensiya ng kapaligiran, at (3) tulong Maykapal.
MGA IMPLUWENSIYA SA KABATAAN
NGImpluwensiyang
1. BAYANI Namana: Ayon sa siyensiyang
biolohikal, may mga katangian ang isang tao na sadyang
minana mula sa mga nuno niya't magulang. Mula sa mga
nunong Malaya, kitang-kitang namana ni Rizal ang pag-
ibig sa kalayaan, bukal na pagnanasang maglakbay, at
katapangan.

2. Impluwensiya ng Kapaligiran: Ayon sa mga sikolohista,


ang kapaligiran, gaya rin ng pagmamana, ay nakaaapekto
sa katauhan ng isang tao. Kabilang sa mga impluwensiya
sa kapaligiran ang mga lugar, kakilala, at pangyayari.
Ang magagandang tanawin sa Calamba at magandang
MGA IMPLUWENSIYA SA KABATAAN
NG
hardinBAYANI
ng mga Rizal ang nagpasigla sa talino niya sa
sining at literatura. Ang relihiyosong kapaligiran sa
kanyang tahanan ang nagpatibay sa kanyang pagiging
relihiyoso. Ang kanyang kapatid na Paciano ang nagkintal
sa kanyang isip ng pagmamahal sa kalayaan at
katarungan. Mula sa mga kapatid na babae, natuto siyang
maging magalang at mabuti sa kababaihan. Ang mga
kuwentong isinalaysay sa kanya ng kanyang yaya noong
siya'y bata pa ang gumising sa interes niya sa
kuwentong-bayan at alamat. Ang tatlo niyang tiyo, mga
kapatid ng kanyang ina, ay may magaganda ring
impluwensiya sa kanya.
MGA IMPLUWENSIYA SA KABATAAN
NG BAYANI
Si Padre Leoncio Lopez, ang matanda't maalam na kura paroko
ng Calamba, ay isa sa mga impluwensiya na tumulong kay Rizal
sa pagpapayaman ng kanyang pagmamahal sa pag-aaral at
katapatang intelektuwal.
Ang mga kalungkutang dinanas ng pamilya, ang nakatulong
nang malaki sa pagpapatatag ng kanyang katauhan, na
tumulong sa kanya para labanan ang mga hamon sa buhay. Ang
mga pang-aabuso at kalupitan ng tenyente ng mga Guardias
Civiles at alkalde, ang walang - katarungang pagmamalupit sa
mga inosenteng Pilipino, at pagbitay kina Padre Gomez, Burgos,
at Zamora noong 1872, ang gumising sa kanyang diwa ng
pagiging makabayan at naging inspirasyon para isakripisyo ang
buhay at talino para sa katubusan ng mga inaaping kababayan.
MGA IMPLUWENSIYA SA KABATAAN
NG
3. BAYANI
Tulong ng Maykapal: Higit sa minana at kapaligiran, ang
tulong ng Maykapal ang siya ring humuhubog sa kapalaran
ng tao. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng lahat sa
kanyang buhay- talino, yaman, at kapangyarihan ngunit
kung walang tulong ng Maykapal, hindi niya makakamit
ang kadakilaan sa kasaysayan ng nasyon. Si Rizal ay
inilaan ng Diyos para sa pagpapahalaga at kadakilaan ng
kanyang bansa. Ang Diyos ay nagbiyaya sa kanya ng
maraming regalo ng isang henyo, ang buhay na diwa ng
pagiging makabayan, at matapang na puso para
makapagsakripisyo para sa isang dakilang simulain.
GEED 10013
Buhay at Mga Sinulat ni Rizal

VILLASANTA, LEO CHESTER


AGNES, BERNADETTE
CARANDANG, LADY MAE
MIJARES, MICHELLE

BS ARCHITECTURE PROGRAM

You might also like