Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Balik-aral:

• Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na


pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
• Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na
malaking tahanan ang bansa – isang tunay na tahanan kung
saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang
kanilang mga buhay.
Motibasyon
Motibasyon
Motibasyon
Motibasyon
Motibasyon
Motibasyon
Motibasyon
Motibasyon
Aralin 4
Lipunang Sibil, Media at
Simbahan
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI
inililimos.
Panimula
• Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng
mga batas upang matiyak nito na matutugunan ang
mga pangangailangan sa lipunan.
• Magkagayon man, sa maraming pagkakataon ay
nagkukulang ang pamahalaan sa layuning ito.
Lipunang Sibil
• Ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo
sa sama-samang pagtuwang sa isa’t-isa.
• Hindi ito isinusulong ng mga pulitiko o ng mga
negosyante na may pansariling interes.
• Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga
mamamayan na matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na bigong tugunan ng
pamahalaan at kalakalan (business).
• Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga
pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod,
kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag-
unlad (sustainable development) na hindi tulad ng
minadali at pansamantalang solusyon ng
pamahalaan at kalakalan.
Halimbawa:
1994- Peace Advocates Zamboanga – adbokasiyang
palakasin ang ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim
1984- Gabriela Movement – isinulong at naisabatas ang
Anti-Sexual Harrassment Act (1995), Anti- Violence
Against Women and their Children Act (2004), at iba pa.
Katangian ng iba’t-ibang Anyo ng
Lipunang Sibil
• Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o
nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot.
• Bukas na pagtatalastasan. Walang
pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng
saloobin.
• Walang pang-uuri. Hindi isinasaalang-alang
ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi:
Katangian ng iba’t-ibang Anyo ng
Lipunang Sibil
• Pagiging organisado. Sapagkat nagbabago
ang kalagayan ayon sa mga natutugunang
pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan
ng organisasyon upang tumugma sa
kasalukuyang kalagayan.
• May isinusulong na pagpapahalaga. Ang
isinusulong nito ay hindi pansariling interes
kundi kabutihang panlahat – katotohanan at
espiritwalidad.
Ang Media
• Anumang bagay na “nasa pagitan” o namamagitan sa
nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na
medium (o media kung marami).
• Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na
ginagawa natin, tinatawag natin itong mass media:
diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula o internet
• Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay
napananatili mo ang ikabubuti ng iba pang kasapi ng
lipunan.
• Ang pangunahing layunin ng media ay magsulong
ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang
dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi
ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali
mang may naipahatid na maling impormasyon na
maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng
ikikilos.
• Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga
katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng
bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti ninuman ang
kasinungalingang bunga ng pagdadagdag-bawas sa
katotohanan.
Ang Simbahan
• Gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili,
makararamdam ka pa rin ng kawalan ng katuturan.
• Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang
iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong
pananampalataya ay naisasabuhay mo sa
pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at pagtugon
sa panawagan ng lahat na, “Paki lang.”
• Papa Juan Pablo II: “Ang kapangyarihan ng media ay
hindi isang lakas na nananalasa kundi isang pag- ibig na
lumilikha.”
• San Ignacio: “Kapag naglihim tayo, doon
magtatrabaho ang demonyo.”
• Malala Yousafzai: walong taong gulang nang
magsimulang sumulat ng blog na naglalarawan kung
gaano kadelikado ang mag-aral sa gitna ng panggigipit ng
mga Taliban. Ngayon kapag may nagagawing Taliban sa
kanilang bayan, hinaharap ito ng mga kabataang babae at
buong tapang nilang idinedeklarang “Ako si Malala.”
TAKDA
: PAGPAPAHALAGA
• Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
• Anu-anong pangangailangan ng iyong
pamilya ang hindi ninyo kayang matamo
kung sa iyong pamilya lamang iaasa?
Ipaliwanag.
• Sa anu-anong paraan tinutugunan ng lipunang
sibil ang mga pagkukulang ng lipunan?
Ipaliwanag.
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• Modyul 4: Lipunang Sibil by Bb. Jo Marie Nel C.
Garcia Retreived 03 May 2017 from https:/
/www.slideshare.net/jomarienel/modyul-4-lipunang-sibil- 51411566

You might also like