Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 65

Aralin 3.

2
A. Panitikan: Ang Talinghaga Tungkol sa
May-ari ng Ubasan
Parabula-Kanlurang Asya
Mateo 20:1-16
B. Wika at Gramatika: Pagpapakahulugang
Metaporikal
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Gawain 2: Unahan Tayo
Pangakatang Gawain: Paligsahan sa pagsagot
ang bawat pangkat kung saan nabasa o narinig
ang mga sumusunod na pahayag.
P1: Lalaki P2: Babae
1. Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay
nahuhuli.
2. Nararapat lang na tayo’y magsaya at
magdiwang , sapagkat patay na ang kapatid
mo, ngunit nabuhay, nawala, ngunit muling
natagpuan.
Gawain 3: Ito ang Pananaw ng Pangkat Ko!
Bigyang-kahulugan ang mga Talingahaga sa Gawain 2.
1. Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli.
(Mateo 20:1-16). “MAY-ARI NG UBASAN”
2. Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang,
sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay,
nawala, ngunit muling natagpuan.
(Lucas 15:11–24) “ALIBUGHANG ANAK”
Ano ang Parabula?
Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng
maikling kuwento, pabula at iba pa.
Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap
noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na
Aklat.
Ano ang Parabula?
Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao.
Ang mga aral na mapupulot dito ay magsisilbing patnubay sa
marangal na pamumuhay na mga tao. Ang mga mensahe ng
parabula ay isinusulat sa matatalinghagang pahayag. Ang
parabula ay maaaring iugnay sa karanasan at pangyayari sa
buhay ng tao o sa paligid.
Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal
na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating
moral at espirituwal na pagkatao.
Gawain 4: Try Mo Lang Sagutin
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng
binasang talinghaga?
2. Sa anong sitwasyon makikita ang
talinghagang ito?
Gawain 4: Try Mo Lang Sagutin
Mga Gabay na Tanong:
3. Paano naiiba ang mga talinhagang ito sa
iba pang pahayag mula sa iba pang akdang
pampanitikan?
4. Paano mo maisasabuhay ang mga
talinghagang ito?
Linangin

Gawain 5: Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang hinihinging kahulugan ng
mga salitang hango sa parabula batay
sa diagram.
Pangkatang Gawain:
Mga salitang bibigyan ng kahulugan.
P1: Ubasan
P2: Manggagawa
P3: Salaping Pilak
P4: Oras
Literal na Kahulugan

UBASAN Simbolikong
Kahulugan

Ispirituwal na
Kahulugan
Sakahan
Literal na Kahulugan
(Taniman ng Ubas)

Kasaganaan
UBASAN Simbolikong Kaginhawaan
Kahulugan Kayamanan

Ispirituwal na
Sangkatauhan
Kahulugan
Literal na Kahulugan

Manggagawa Simbolikong
Kahulugan

Ispirituwal na
Kahulugan
Magsasaka
Literal na Kahulugan
Trabahador

Manggagawa Simbolikong Haligi ng ekonomiya


Kahulugan Kasipagan/Pagtitiyaga

Ispirituwal na Pastors, Ministers,


Kahulugan Misyonero, Preachers
Literal na Kahulugan

Upang Salaping
Simbolikong
Pilak
Kahulugan

Ispirituwal na
Kahulugan
Upa, Bayad sa paggawa
Literal na Kahulugan Sahod

Upang Salaping Pantay-pantay na


Simbolikong pagmamahal/pagtingin
Pilak
Kahulugan ng Diyos sa mga tao

Ispirituwal na Kaligtasan, Biyaya mula


Kahulugan sa Diyos
Literal na Kahulugan

Oras
(ika-9,ika-12,ika-5) Simbolikong
Kahulugan

Ispirituwal na
Kahulugan
Iba-ibang oras ng trabaho
Literal na Kahulugan
(time)

Oras
(ika-9,ika-12,ika-5) Simbolikong Panahon, Pagkakataon
Kahulugan

Panahong ibinigay upang


Ispirituwal na maglingkod
Paghahasik/Pagpapalaganap ng
Kahulugan salita ng Diyos
SALITA LITERAL NA SIMBOLIKONG KAHULUGAN ISPIRITWAL NA
KAHULUGAN KAHULUGAN
Ubasan Sakahan Kasaganaan,kayamanan, Sangkatauhan
(Taniman ng Ubas) kaginhawaan

Manggagawa Trabahador, Kasipagan/ pagtitiyaga Pastor, Ministro,


magsasaka Misyunero, Pari

Upang Salaping pilak Bayad sa paggawa, Pantay-pantay na pagtingin at Kaligtasan, Biyaya


sahod pagmamahal ng Diyos sa mga tao mula sa Diyos

Oras Iba-ibang oras ng Panahon , pagkakataon Panahong ibinigay


trabaho upang maglingkod
Paghahasik/
Pagpapalaganap
ng salita ng Diyos
Ang Talinghaga Tungkol sa
May-ari ng Ubasan
Parabula-Kanlurang Asya
Mateo 20:1-16
( Video )
• 9 Paglapit ng mga dumating ng mag-iikalabing-isang oras, tumanggap ng
isang denaryo ang bawat isa. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala
nilang sila ay tatanggap ng higit pa. Ngunit sila ay tumanggap din ng tig-
iisang denaryo. 11 Nang matanggap na nila ito, nagbulung-bulungan sila
laban sa may-ari ng sambahayan. 12 Sinabi nila: Ang mga huling ito ay
isang oras lamang gumawa at ipinantay mo sa amin na nagbata ng
hirap at init sa maghapon.
• 13 Sumagot siya sa isa sa kanila: Kaibigan, wala akong ginawang
kamalian sa iyo. Hindi ba nakipagkasundo ka sa akin sa isang
denaryo? 14 Kunin mo ang ganang sa iyo at lumakad ka na. Ibig kong
bigyan itong huli nang gaya ng ibinigay ko sa iyo. 15 Hindi ba nararapat
lamang na gawin ko ang ibig kong gawin sa aking ari-arian?Tinitingnan
ba ninyo ako nang masama dahil ako ay mabuti?
• 16 Kaya nga, ang mga huli ay mauuna at ang mga una ay mahuhuli
sapagkat marami ang mga tinawag ngunit kakaunti ang mga pinili.
Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa
pagsasalaysay Niya tungkol sa
dalawang uri ng manggagawa sa
ubasan?
Pangkatang Gawain:
P1: Ugnayan sa Buhay
Magbigay ng ilang pangyayari sa akda
at patunayang ito ay maaaring maganap
sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
Pangkatang Gawain:
P2: Draw Me a Picture
Gumuhit ng larawang nagpa-
pakita ng mensahe ng parabula.
Pangkatang Gawain:
P3: Mensahe Nito, Ipaliwanag Mo!
Ipaliwanag ang mensaheng
nakuha mo sa parabulang
tinalakay.
Pagtalakay sa Akda:
1. Sa inyong palagay, bakit ubasan ang
tagpuan sa parabula?
2. Kung isa ka sa manggagawang
maghapong nagtrabaho sa ilalim ng
init ng araw ngunit ang tinanggap mo
na upa ay kapareho lamang ng isang
oras lamang nagtrabaho, magrere-
klamo ka rin ba?
Pagtalakay sa Akda:
3. Kung ikaw naman ang tumanggap
ng parehong upa kahit kulang ang
oras mo ng paggawa, ano ang
mararamdaman mo? Tatanggapin mo
ba ang ibinigay sa iyong upa?
Pangatwiranan.
Pagtalakay sa Akda:
4. Kung ikaw ang may-ari ng
ubasan, pare-pareho rin ba ang
ibibigay mong upa sa mga
manggagawa? Bakit?
Paglalahat

Paano mo maisasabuhay ang


mensahe o kaisipang hatid ng
parabulang tinalakay?
Aral mula sa ubasan ng Panginoon:
Ang pag-iimbot, pagmamalaki, o
paninira ay hindi nag-aangat sa
katayuan mo, ni hindi nagpapaganda
ng reputasyon mo ang paghamak mo
sa iba. Kaya maging mabait, at
magpasalamat na mabait ang Diyos.
PARABULA NG BANGA
Pangkatang Gawain:
P1: Paghahambing sa katangian ng persona
sa akda.
• Bangang yari sa lupa
• Bangang yari sa porcelana
Pangkatang Gawain:
P3: Pagpapaliwanag sa aral/mensaheng
hatid ng Parabula ng Banga.
GUMAWA NG CARD NA
NAGLALAMAN NG
PASASALAMAT PARA SA
MAGULANG
SA LUNES IPAPASA SALAMAT PO…
Gawain: Mensahe Nito, Isasalaysay Ko!
Isalaysay ang kabisaan ng mensaheng
hatid ng parabula batay sa:
• bisang pangkaisipan
• bisang pandamdamin
• bisang pangkaasalan
Mga aral mula sa Parabula ng Banga ay:

Alamin kung saan dapat lumugar


sa lipunan. Sundin at isa-puso ang
payo ng ina.
Paano naiiba ang parabula sa
iba pang akdang pampanitikan?
Ang parabula ay mga kwentong
hango sa bibliya samantala ang
ibang panitikan ay nagmula sa
sariling opinion at mangilan-
ngilan ay kathang isip lamang.
Pagtataya:
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na
tumutugon sa mga pahayag.

1. Isang akdang hinango sa Bibliya na kinapu-


pulutan ng aral na maaaring magsilbing
gabay sa marangal na pamumuhay.

A. pabula C. anekdota
B. parabula D. talambuhay
2. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod
sa payo ng magulang?

A. magiging sikat sa pamayanan


B. bibigyan ng medalya ng pagkilala
C. mapapabuti ang buhay
D. hindi masasangkot sa anumang kapahamakan
3. “ Ikaw ay nararapat na makisalamuha
lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang
nais ipahiwatig nito?

A. Huwag makialam sa buhay ng iba


B. Iwasan ang pakikipagkaibigan
C. Huwag sasama sa hindi kauri
D. Huwag lubos na magtitiwala
4. Ang parabula ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni
Hesus. Ano ang pinagbatayan nito?

A. ensayklopedya C. pahayagan
B. diksyunaryo D. Bibliya
5. Dugo at pawis ang ipinuhunan ko, mapatayo
lamang ang bahay na ito. Ano ang kahulugang
ipinahihiwatig nito?
A. literal C. ispirituwal
B. metaporikal D. wala sa nabanggit
6. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa
kanilang pagtatrabaho. Ano ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit?

A. utang C. bayarin
B. pautang D. kaukulang bayad
7. Ang Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan
ay hango sa Bagong Tipan ng Bibliya . Saang
aklat ito matatagpuan?

A. Mateo 20: 1-16 C. Juan 14:6


B. Lucas 15: 11 D. Mateo 16: 1-20
8. “ Huwag mong kalilimutang ikaw ay bangang
gawa sa lupa.” Tandaan mo ito sa buong buhay
mo. Sa anong parabula hinango ang pahayag na
ito?

A. Talinghaga ng Butil ng Mustasa


B. Parabula ng Alibughang Anak
C. Parabula ng Isang Lapis
D. Parabula ng Banga
9. Nararapat lang na tayo’y magsaya at
magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid
mo, ngunit nabuhay, nawala, ngunit muling
natagpuan. Saang aklat sa Bibliya ito
matatagpuan?

A. Juan 3 :16
B.Lucas 15:11–24
C. Mateo 20:1-16
D. Exodus 11:7
10. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na, “Ang
nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli?”

A. kung sino ang naunang dumating ay rin ang unang aalis


B. lahat ay may pantay-pantay na karapatan
ayon sa napag-usapan
C. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
D. mahalaga ang oras sa paggawa
11. Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang
bangang gawa sa lupa.
Ano ang layunin ng nagsasalita?

A. nangangatwiran C. nagdadahilan
B. nangangaral D. nag-uutos
12. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay
naalala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong
aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?

A. walang mabuting maidudulot ang pagsuway sa magulang


B. alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa anak
C. umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
D. Habang may buhay, magpakasaya ka
13. Sinabi nila, isang oras lamang gumawa ang mga huling
dumating samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-
pareho ninyo ang aming upa? Kung ikaw ang isa sa mga huling
dumating na isang oras lang gumawa, ano ang gagawin mo?

A. pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa


B. hindi papnsinin ang reklamo ng ibang kasama
C. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
D. tatanggapin ang ibinigay na upa.
14. Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan ay
isang parabula. Saang bahagi ng Asya ito
nagmula?

A. Timog Kanlurang Asya


B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog Asya
15. “ Maihahalintulad sa isang taong lumabas nang
maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa
kanyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-
patunay na ang pahayag na ito ay nangyayari sa totoong
buhay?

A. may mga taong naghahanap ng mauutusan


B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng
trabahador upang pahirapan
16. Ano ang ispiritwal na kahulugan ng salitang
manggagawa sa parabula ng “May_ari ng
Ubasan”?
A. Trabahador
B. Magsasaka
C. Pastor
D. karpentero
17. Alin sa mga sumusunod na salita ang may
simbolikong kahulugan na “sangkatauhan”?
A. Salapi
B. Mangagawa
C. Oras
D. Ubasan
18. Magkano ang halagang napag-
usapan ng may-ari ng ubasan sa kanyang
mga mangagawa bilang upa o sahod
kapalit ng kanilang pagtatrabaho?
19-20
Ibigay ang aral na nais
ipahiwatig ng parabulang
“ PARABULA NG BANGA “?
Pag-aralan:
Pagpapakahulugang Metaporikal
Ano ang Matatalinghagang Pahayag?
Ang matatalinghagang pahayag ay isang
mahalagang sangkap ng panitikang Pilipino.
Ito ay anyo ng wikang may malalim na kahulu-
gan o di kaya’y halos walang tiyak o kasigura-
duhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na
kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga
kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at
iba pang uri ng mabubulaklak at nakalilitong
mga salita.
Ano naman ang Pagpapakahulugang Metaporikal?
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay
pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na
kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit
ang salita sa pangungusap. Ito ay mas malalim na
pagpapakahulugan.
Mga Halimbawa:
1. a. bola-bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola
kay Jeron.
Ano naman ang Pagpapakahulugang Metaporikal?
b. bola- pagbibiro ( metaporikal )
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka
naman bola.
2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal)
Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa
likod para di ka magkasakit.
b. pawis – pinaghirapang gawain ( metaporikal )
Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang
ipinambayad ko sa tuition fee mo.
Pangkatang Gawain:
P1: Ano ang Ibig Sabihin Nito?
Ibigay ang ibig ipakahulugan ng mga
salitang ginamit sa dalawang parabula.

You might also like