Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

“UNAWAIN MO

NAMAN AKO”
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa
humaba angKandila
buhay?
2. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit
saan. Anino
3. Baka ko sa palupandan, unga’y
nakakarating kahit saan. Kulog
4. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga
sundalo. Siper
5. Maliit pa si kumare, marunong ng
humuni. Kuliglig
6. Sinong M ang tinagurian ama ng wikang
Pambansa? Manuel L. Quezon
7. Ako ang buwan na kung saan pinagdiriwang
Agosto
ang buwan ng inyong wika?
8. Ako ang palagi mong pinupuntahan kapag may
hindi ka maunawaang salita?Diksyonaryo
9. Ito ang lugar na kung saan maraming tulog na
hindi pa gumigising? Simenteryo
10. Ito ang paborito ng mga Filipino na kainin
kasama ang ulam sa hapagkainan?Kanin
Pilipinas

7,107 mga pulo

Luzon, Visayas, at Mindanao

Labing anim (16) ng rehiyon

168 na buhay na wika sa bansa

90% Populasyon- 9 na Wika


90% Populasyon- 9 na Wika

1. Tagalog
2. Kapampangan
3. Cebuano
4. Ilocano
5. Maranao
6. Bicolano
7. Bisayang Waray
8. Bisayang Hiligaynon
9. Pangasinense

Indones, Malay, Tsina, India at Arabia


ANG WIKA AY TUNOG - Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ang unang natutuhan ay ang mga
tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pagsulat na paglalahad. Ang mga ito ay niririprisinta ng
mga titik.
ANG WIKA AY ARBITRARYO- Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito’y maaaring gamitin para sa
isang tiyak na layunin
ANG WIKA AY MASISTEMA- Kung pagsama-samahin ang mga tunog ay makakabuo ng makahulugang
yunit ng salita , gayundin naman, kung pagsasama-samahin ang mga salita ay mabubuo ang
pangungusap o parirala.
WIKA AY SINASALITA- Nabubuo ang wika sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pananalita tulad ng labi,
dila, ngipin, ilong, ngalangala, at lalamunan.

ANG WIKA AY NAGBABAGO- Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong nagbabago.

ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA – Ang kultura at wika ay dalawang bagay na di


mapaghihiwalay. Ang wika ay aspekto ng kultura.
ANG WIKA AY MALIKHAIN – Malikhain ang wika dahil walang limitasyon ang bilang ng mga salitang
maaring mabuo. Sa tuwing tayo ay magsasalita, ipinapahayag natin ang ating mga sarili sa ibat-ibang
paraan.

ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN – Sinuman ang epektibong gumamit ng wika ay nakapagtatamo


ng malaking impluwensiya o kapangyarihan.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG LUMIKHA – Ang wika ay nagsisilbing kagamitan sa paglikha
ng ating mundo sa pamamagitan ng pagtawag o pagleleybel sa ating mga karanasan.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA KAISIPAN AT PAGKILOS – Ang


pagkakaugnay ng pamilya o sistema ng pagkilala ng kulay ay nag-iiba mula sa isang kultura. Ito ay ilan
lamang sa mga hal. Kung paano hinuhubog ng kultura ang ating pag-iisip.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA POLISIYA AT PAMAMARAAN – Gamit


ang wika ay nagagawa ng tao na magpahayag ng kanyang nararamdaman at naiisip.Nagagawa rin
niyang maisakatuparan ang kanyang mga balakin at ang kanyang mga panaginip ay nagiging realidad.
Sulyap sa Ebolusyon ng Wika
1937 - (Dis. 30 ) Bilang pag-alinsunod sa tadhanan ng btas Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang wikang
pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.

1955 ( Sept. 23 ) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na
nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon
ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun taon simula sa ika- 13 hanggang ika 19 ng
Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon( Agosto).

1959 (Agosto 13) Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.

1986 (Agosto 12 ) Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklama


Sulyap sa Ebolusyon ng Wika
Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang
pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

Dahil dito, ipinahayag niya taun-taon, ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng
naging Pangulong Manuel L. Quezon itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay LInggo ng
Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamayan sa buong bansa ,
pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan, at gayun din ng mga lider ng iba’t ibang
larangan ng buhay.

1987 (Peb. 2 ) Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. SA Art. XIV , Sek. 6 - 9, nasasaad ang
mga sumusunod:

Sek. 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsasagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino bilang ofisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
3 Kahalagahan ng Wika
PANSARILI
Napaloloob dito ang indibidwal na kapakinabangan PANLIPUNAN walang alinlangang ang tao
ay hindi namumuhay nang mag-isa. Kailangan niya ang kaniyang kapwa upang bumuo ng isang
lipunan.

PAGPAPALIWANAG
“ Walang taong nabubuhay na mag-isa”. “ No man is island” Ano ang pagkakaiba ng salitang :
“ PAG-ibig - Pagmamahal “ Puso - Isip”

GLOBAL/INTERNASYONAL
Ang kahalagahang ito ay kailan lamang ganap na napag-ukulan ng pansin. Naging mainit ang
isyung ito nang magkaroon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto. Mga dagdag na letra ; F, J, V, at Z.

Halimbawa: Fan , Tofu, Jam, Janitor, Visa, Oval, Zebra.


PAGSASANAY
Gumawa ng sanaysay
patungkol sa kahulugan ng
Misyon, Bisyon, at Quality
policy ng LSPU.
TAKDANG ARALIN
Gumawa ng islogan patungkol
sa pagpapahalaga sa ating
sariling wika.
(Maaring gumamit ng orihinal na
paraan ng pag guhit at pagpipinta o
gumamit ng digital art.)
Mapagkukunang Aral
Hermeline Aguilar, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (2018) Melvin Orio

Mortera, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (2019)

Carada, Imelda G. et.al. 2014 Komunikasyon sa Makabagong Filipino : Intramuros Manila, Mindshapers

Co. INC.

Villafuerte, Patrocinio V. et.al. 2005 Komunikasyon sa Akademikong Filipino: Quezon City,Metro Manila,

Lorimar Publishing Co. Inc.

Santiago, Erlinda M. et.al. 1988 Ang Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo ,National Bookstore
San Juan,David Michael M. et.al. 2018 PIGLAS-DIWA (Kontekswalisadong Komunikasyon sa
MARAMING
SALAMAT AT
PAGPALAIN TAYONG
LAHAT!

You might also like