APTek 10-Yunit 4-Aralin 16

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Ikaapat na Markahan–Aralin 16

Konsepto
at Kahalagahan
ng Aktibong
Pagkamamamayan
Talasalitaan
kolektibong pagkilos
jus sanguinis
Ito ay sama-samang pagkilos o
Ito ay prinsipyo ng pagtukoy sa pagtutulungan ng mga kasapi ng
pagkamamamayan na nakabatay sa lipunan tungo sa pagkamit ng
pagkamamamayan ng magulang. mga mithiin at layunin.

jus soli
Ito ay prinsipyo ng pagtukoy sa
pagkamamamayan na nakabatay
sa sinilangan ng isang indibidwal.
Talasalitaan

pagkamamamayan naturalisasyon

Ito ay tumutukoy sa pagiging Ito ang pormal na proseso


kasapi ng isang lipunang ng pagtanggap sa isang
pulitikal. dayuhan bilang
mamamayan ng Pilipinas.

mamamayan

Ito ay tumutukoy sa taong kasapi


ng isang lipunang pulitikal.
Pagtatalakay

Ang pagkamamamayan (citizenship)


ay nangangahulugang pagiging
kasapi ng isang lipunang pulitikal.
Tinatawag namang mamamayan
(citizen) ang taong kasapi nito.
Pagtatalakay Ang pagkamamamayan sa
sinaunang Gresya ay pagiging
kasapi ng isang polis. Itinuturing ng
Mga Griyego ang unang mga Griyego na malaking
nagpakilala ng kaisipang ito sa pribilehiyo ang matawag na
kasaysayan. Kung babalikan, mamamayan ng isang polis
nahahati ang Gresya noon sa iba’t sapagkat hindi lahat ng naninirahan
ibang polis o lungsod-estado na noon sa polis ay itinuturing na
itinuturing na mga sinaunang mamamayan nito. Sa katunayan,
pamayanang Griyego. Ito ay limitado lamang para sa mga
isang lipunan na binubuo ng mga kalalakihan ang titulong ito.
taong may iisang Kaakibat ng pagiging mamamayan
pagkakakilanlan at may iisang ang mga karapatan na maaaring
mitihiin. matamasa at tungkulin na dapat
gampanan.
Pagtatalakay
Ayon kay Pericles, isang popular na
orador ng Athens na isa naman sa mga
pangunahing polis noon, hindi lamang
sarili ang iniisip ng mga mamamayan
kundi maging ang kalagayan ng estado.
Ang isang mamamayan ay inaasahan na
makilahok sa mga gawain sa polis tulad
ng paglahok sa mga pampublikong
asembliya at paglilitis. Ginagampanan
din ng mga mamamayan ang mga
mahahalagang gawain sa estado tulad
ng pagiging administrador, hukom,
pulitiko at sundalo .
Pagtatalakay
Mayroong dalawang pangunahing prinisipyo na sinusunod sa pagtukoy ng
likas na pagkamamamayan ng isang indibidwal. Ito ay ang mga sumusunod:

1 jus sanguinis (right of blood)


Ito ay prinsipyo na kung saan ang pagkamamamayan ng isang
indibidwal ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga
magulang o isa sa kanyang mga magulang.

2 jus soli o jus loci (right of soil)


Ito ay prinsipyo na kung saan ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay
sa lugar ng kanyang kapanganakan.
Ang Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987 ang nagtatadhana ng mga pamantayan
upang maging mamamayan ng Pilipinas. Basahin ang teksto sa loob ng kahon at suriin
kung sino nga ba ang itinuturing na mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas ng
bansa.
Pagtatalakay
Pagtatalakay
Maaari ding mauri sa dalawa ang pagkamamamayan batay sa pagtamo nito. Ito
ay maaaring likas na pagkamamamayan o naturalisadong pagkamamamayan.

1 likas na
pagkamamamaya
n
Ito ay nakabatay sa prinsipyo ng jus
sanguinis o jus soli. Sa Pilipinas, ang
prinsipyo ng jus sanguinis ang
sinusunod. Samantalang sa bansang tulad
ng Estados Unidos ay sumusunod naman
sa prinsipyo ng jus soli.
Pagtatalakay
Maaari ding mauri sa dalawa ang pagkamamamayan batay sa pagtamo nito. Ito
ay maaaring likas na pagkamamamayan o naturalisadong pagkamamamayan.

2 naturalisadong
pagkamamamayan

Ito ay pagkamamamayang maaaring matamo sa pamamagitan ng hatol


ng hukuman o batas na ipinasa ng Kongreso. Ito ay paraan ng
pagkilala sa isang dayuhan bilang mamamayan ng estado at
pagkakaloob sa kanya ng mga karapatang tinatamasa ng mga
mamamayan. Ilan sa mga pangunahing halimbawa ng mga
personalidad na may naturalisadong pagkamamamayang Pilipino ay
sina Andray Blatche at Marcus Douthit na kapwa kilalang manlalaro
ng basketball at kasapi ng pambansang koponan ng bansa na Gilas
Pilipinas.
Pagtatalakay

Ang pagkamamamayan ay isang karapatan


ngunit maaaring mawala sa isang
indibidwal. Ang Commonwealth Act No.
63, na inamyendahan ng Republic Act No.
2369, Republic Act No. 3834 at Republic
Act No. 9225 ay ilang mga batas sa
Pilipinas na naglalahad ng mga dahilan ng
pagkawala ng pagkamamamayan.
Pagtatalakay
Batay sa mga natukoy na batas, basahin ang teksto sa loob ng kahon na naglalahad
ng mga dahilan upang mawala ang pagkamamamayang Pilipino mula sa isang
indibidwal:
Tandaan
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugang pagiging kasapi ng isang
lipunang pulitikal. Tinatawag namang mamamayan ang taong kasapi
nito.

Mga Griyego ang unang nagpakilala ng


kaisipang ng pagkamamamayan sa kasaysayan.

Mayroong dalawang pangunahing prinisipyo na sinusunod sa


pagtukoy ng likas na pagkamamamayan ng isang indibidwal – jus
sanguinis na nakabatay sa pagkamamamayan ng magulang at jus soli
na nakabatay naman sa lugar kung saan ipinanganak ang indibidwal.
Tandaan

Ang Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987 ang nagtatadhana


ng mga pamantayan upang maging mamamayan ng Pilipinas.

Maaari ring mauri sa dalawa ang pagkamamamayan batay sa


pagtamo nito – Likas o Katutubong Mamamayan na nakabatay
sa prinsipyo ng jus sanguinis at jus soli at Naturalisadong
Mamamayan na pagkamamamayang natamo sa pamamagitan
ng hatol ng hukuman o batas na ipinasa ng Kongreso.

Ang naturalisasyon ay pormal na proseso ng


pagtanggap sa isang dayuhan bilang mamamayan ng
bansa.
Tandaan

Ang aktibong pagkamamamayan o makabagong pananaw sa


pagkamamamayan ay nagbibigay-diin sa kakayahan ng mga
mamamayan na bumuo at lumahok sa mga gawaing may
kinalaman sa mahusay na paggamit ng yaman ng estado at
programang nagtataguyod ng kabutihang panlahat.

May tatlong uri ng pakikilahok batay sa makabagong


pananaw hinggil sa pagkamamamayan – personally
responsible, participatory at justice-oriented.
Maraming
Salamat!
Philippine Copyright 2021 by TechFactors Inc.

All rights reserved. No part of this presentation may be reproduced or copied in any
form, in whole or in part, without written consent of the copyright owner.

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, including icons by Flaticon, infographics and
images by Freepik & Canva.

You might also like