Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Ikaapat na Markahan–Aralin

19
Epekto ng Aktibong Pakikilahok
sa mga Gawain at Usaping
Pampulitika
Layunin Nasusuri ang mga epekto ng
aktibong pakikilahok ng mga
mamamayan sa mga gawain at
MELC: usaping pampolitika ng bansa
Natatalakay ang mga
Naipaliliwanag ang kahalagahan
epekto ng aktibong ng pagtutulungan sa pagitan ng
pakikilahok ng mga mamamayan at pamahalaan sa
mamamayan sa mga paglutas ng iba’t ibang isyu sa
lipunan
gawaing pansibiko sa
kabuhayan, pulitika at Naipahahayag ang mga saloobin
lipunan hinggil sa iba’t ibang isyung
pampulitika na kinakaharap ng
bansa sa kasalukuyan
Pagganyak

4 Pics 1 Word
Panuto: Suriin ang pangkat ng mga larawan
sa ibaba at tukuyin ang salitang
inilalarawan ng mga ito. Gamiting gabay sa
pagtukoy ng salita ang mga titik na
matatagpuan sa kanang bahagi ng larawan.
Pagganyak
1 Anong salita ang
ipinakikita ng apat na
larawan?

Mga Gabay 2 Bakit ito ang salitang iyong


naisip?
na
Katanungan: Paano mo maiuugnay
3
ang salitang iyong
natukoy sa bawat
larawan?
Pagganyak
Talasalitaan
Good
Governance
Ito ay tumutukoy sa uri ng
Civil
pamamahalang nakabatay ang
Society
Ito ay tumutukoy sa anumang desisyon sa kooperasyon
lipunang pulitikal kung at pagsang-ayon ng lahat ng mga
saan ang mga sektor ng lipunan.
mamamayan ay
aktibong nakikilahok Non-Governmental
sa mga gawain ng Organizations
estado upang makabuo (NGOs)
ng matatag at Ito ay samahang naglalayong
mapanagutang suportahan ang mga programa ng
institusyon. mga people’s organization.
Talasalitaan
Participatory Governance
Ito ay tumutukoy sa pamamahala na People’s Organizations
kakikitaan ng pakikilahok ng mga (POs)
Ito samahang naglalayong
mamamayan at ng iba’t ibang sektor at protektahan ang interes ng mga
organisasyon ng lipunan sa pagpaplano, miyembro nito na kinabibilangan
pagpapanatili, pagsasagawa at pagtataya ng mga sectoral group ng
ng mga programa at institusyon ng kababaihan, kabataan, magsasaka,
pamahalaan. mangingisda at mga cause-oriented
group.
Pulitikal na
Pakikilahok
Ito ay tumutukoy sa pakikiisa, pagsama o pagsali ng mga mamamayan
sa mga pampublikong gawain na inilulunsad ng pamahalaan.
Pagtatalakay

Pulitikal na
Pakikilahok
“Man by nature is a political
animal.”
-Aristotle
Pagtatalakay Binibigyang-diin lamang nito na
ang kapangyarihan sa isang
estadong republikano at
Nakatadhana sa Saligang Batas ng demokratiko ay wala sa pamahalaan
1987, Artikulo II, Seksyon 1, na ang at sa mga taong bumubuo nito,
Pilipinas ay isang estadong bagkus, ito ay nagmumula sa mga
republikano at demokratiko. Ang mamamayan. Dahil dito, mahalaga
ganap na kapangyarihan ay angkin ng ang aktibong pakikisangkot ng mga
sambayanan at nagmumula sa kanila mamamayan sa diskurso sa
ang lahat ng mga awtoridad na pamamahala. Kinakailangang
pampamahalaan. magkatuwang na hanapan ng
solusyon ng pamahalaan at mga
mamamayan ang iba’t ibang hamon
sa bansa sa kasalukuyan at maging
sa hinaharap.
Pagtatalakay
Ito ang dahilan kung bakit ang
kaalaman at kamalayan ng mga
mamamayan sa mga isyung
panlipunan ay tunay na
kinakailangan tulad ng nabanggit sa
mga naunang aralin. Magbibigay-
daan ito upang ang mga mamamayan
ay makilahok sa mga hakbanging
tutugon sa mga isyung panlipunan.
Dito pumapasok ang konsepto ng
pulitikal na pakikilahok. Ano nga ba
ang pulitikal na pakikilahok?
Pagtatalakay

Ang pulitikal na pakikilahok ay


tumutukoy sa pakikiisa, pagsama, o
pagsali ng mga mamamayan sa mga
pampublikong gawain na inilulunsad
ng pamahalaan. May dalawang
pangunahing pananaw sa politikal na
pakikilahok – tradisyunal at makabago.
Pagtatalakay 1 mamamayan ng Pilipinas;

hindi diskwalipikado
Sa tradisyunal na pakikilahok, 2
ayon sa isinasaad ng
ang pagboto ng mga mamamayan batas;
ng mga mamumuno sa
pamahalaan ang itinuturing na 3 18 taong gulang pataas; at
pinakamataas na antas ng
kanyang pulitikal na pakikilahok. naninirahan sa Pilipinas
Ayon sa Artikulo V ng Saligang 4 nang kahit isang taon at sa
Batas ng 1987, ang mga lugar kung saan gustong
maaaring makaboto sa bansa ay bumoto nang hindi bababa
ang mga sumusunod: sa anim na buwan bago
ang halalan.
Pagtatalakay
Samantala, ang makabagong
pananaw naman ay nagbibigay-diin
Sa tradisyunal na pananaw, naniniwala sa higit na aktibong pakikilahok ng
ang mga mamamayan na ang tanging mga mamamayan sa mga usaping
tulong na maaari nilang maiambag sa pampubliko. Sa madaling salita,
bayan ay walang iba kundi ang paghalal
hindi nagtatapos ang ideya ng
ng mga mamumuno sa bansa. Inaasahan
nilang ang kanilang mga inihalal sa iba’t
pagiging mabuting mamamayan sa
ibang posisyon sa pamahalaan ang siyang paghalal ng mga mamumuno sa
makalulutas sa iba’t ibang isyung bansa. Sa pananaw na ito pumapasok
kinakaharap ng bansa. Itinuturing nilang ang mga konseptong tulad ng
ang pagboto sa panahon ng halalan ang pakikilahok ng civil society at ang
batayan ng pagiging mabuting tinatawag na participatory
mamamayan. governnance.
Pagtatalakay

Konsepto ng
Civil Society

Ilan sa mga pangunahing katuturan


o kaisipan hinggil sa civil society
ay makikita sa talahanayan sa next
slide.
Pagtatalakay
Ang civil society ay tumutukoy sa lipunang pulitikal kung
saan ang mga mamamayan ay aktibong nakikilahok sa
mga gawain ng estado upang makabuo ng matatag at
mapanagutang institusyon.

Ang civil society ay tumutukoy sa mga boluntaryong


organisasyong panlipunan, pangkultural , panrelihiyon at pang-
ekonomiko na hindi sakop ng estado subalit kumikilos nang
naaayon sa itinatadhana ng batas.

Ang civil society ay tumutukoy sa mga organisasyong ang


pangunahing pokus ay kagalingang panlipunan maging ito
man ay panlokal, panrehiyon o pambansa.
Pagtatalakay Ang mga tinatawag na voluntary
organization ay nahahati sa
dalawang kategorya - ang
Isang sektor ng lipunan
na hiwalay sa estado mga grassroots organizations o
ang civil society. Ayon people’s organizations (POs) at
naman kay Karina ang mga grassroot support
Constantino-David organizations o non-
(1998), dating Civil governmental organizations
Service (NGOs). Ang mga POs ay
Commission (CSC) Chai naglalayong protektahan ang
r, binubuo ang civil
interes ng mga miyembro nito.
society ng mga kilos
protesta, mga lipunang Dito nahahanay ang mga sectoral
pagkilos at group ng kababaihan, kabataan,
mga voluntary magsasaka, mangingisda at
organization. mga cause-oriented group.
Pagtatalakay

Pangunahing layunin ng civil society na


maging kabahagi sa pagpapabago ng mga
patakaran at bigyang-diin ang konsepto
ng kapanagutan (accountability) at
katapatan (transparency) mula sa estado
(Silliman, 1998). Sa pamamagitan nito,
ang mga mamamayan ang
pinanggagalingan ng soberanya ng isang
estado (Randy David, 2008). Ang mga
mithiin ng mga mamamayan ang
magiging batayan ngayon ng buong
estado sa pamamahala ng isang bansa.
Pagtatalakay
Ang Local Government Code of 1991 ay isang mahalagang patunay sa
papel ng bahaging ginagampanan ng mga voluntary organizations. Ayon
dito, kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGOs at POs ang iba’t
ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito.
Nakasaad din sa batas na ito ang pagbuo ng mga local development
council sa bawat lokal na pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng isang
komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan,
lungsod o lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro
ng local development council ang manggagaling sa mga NGO at PO. Dahil
sa mga probisyong ito, binigyan ng pagkakataon ang mamamayan na
makibahagi sa mga pagbuo at pagpapatupad ng mga programa ng
pamahalaan sa pamamagitan ng mga NGO at PO. Isa itong patunay na hindi
lamang nalilimitahan sa pagboto ang maaaring gawin ng mamamayan para
pagbutihin ang kalagayan ng bansa.
Pagtatalakay
Panghuli, malaki ang papel ng mga
Tatlo ang pangunahing tungkulin ng mga samahang ito sa direktang pakikipag-
NGOs at POs sa bansa. Ito ay ang mga ugnayan sa pamahalaan upang
sumusunod: maiparating sa kanila ang hinaing ng
kanilang sektor at mga naiisip na
Una, ang paglulunsad ng mga proyektong programa at batas na naglalayong
naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mapagbuti ang kalagayan ng
mamamayan na kadalasan ay hindi mamamayan. Dito pumapasok ang mga
natutugunan ng pamahalaan. ginagawang pagpoprotesta,
pakikipagnegosasyon at lobbying o ang
Pangalawa, nagsasagawa ng mga pag-impluwensiya sa mga desisyon ng
pagsasanay at pananaliksik tungkol sa opisyal ng pamahalaan para makamit ang
adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang isang mithiin.
magising ang kamalayan ng mamamayan.
Pagtatalakay

Mahalagang makilahok ang mga mamamayan sa mga voluntary


organizations. Ang paglahok sa mga ganitong samahan ay isang
mahusay na pagsasanay para sa demokrasya. Sa pamamagitan ng
paglahok sa mga NGO at PO ay mas napaghuhusay ng
mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong
pakikilahok sa mga gawaing panlipunan (Larry Diamond, 1994).
Ang pagsali sa mga samahang ito ay nabibigay-daan upang maging
bukas ang mga tao sa paniniwala ng iba, pagkilala at pagrespeto sa
karapatang pantao, na mahahalagang katangian ng isang mabuti at
aktibong mamamayan ng isang estadong demokratiko.
Pagtatalakay Ang participatory governance ay
tumutukoy sa pamamahala na kakikitaan
ng pakikilahok ng mga mamamayan at
ng iba’t ibang sektor at organisasyon ng
Participatory lipunan sa pagpaplano, pagpapanatili,
pagsasagawa at pagtataya ng mga
Governance programa at institusyon ng pamahalaan
(Malong, 2014). Ito ay isang uri ng
pansibikong pakikilahok kung saan ang
mga pangkaraniwang mamamayan ay
nagiging katuwang ng pamahalaan sa
pagbibigay ng mga karampatang
solusyon sa mga hamon ng lipunan.
Mahalaga itong paraan upang maisulong
ng mga mamamayan ang mga
hinahangad na pagbabago.
Pagtatalakay
Iba’t iba ang pamamaraan ng
pagsasagawa ng participatory
governance. Isa na rito ang pangangalap
Nagbibigay-daan at pagbabahagi ng impormasyon sa mga
ang participatory mamamayan. Naisasagawa ito sa
governance sa pagbuo pamamagitan ng pagdalo sa mga public
ng social capital o hearings at pagsasagawa ng mga surveys.
yung tiwala sa pagitan Maituturing rin bilang paraan
ng pamahalaan, civil ng participatory governance ang
society at mga pagsama sa mga mamamayan sa mga
mamamayan. Lubhang consultation tungkol sa mga isyung
mahalaga ito sa isang mahalaga para sa bayan. Dito ay hinihingi
demokratikong estado ng pamahalaan ang opinyon ng
tulad ng Pilipinas. mamamayan sa napapanahong mga isyu
at sa mga programang ipatutupad nito.
Pagtatalakay

Ang participatory governance ay naninindigan sa


ideyang higit na magiging makabuluhan ang
paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung
sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga
programa at paggawa ng mga desisyon ng
pamahalaan. Sa paraang ito, hindi lamang
hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng
mamamayan bagkus ay magkatuwang nilang
ginagawa ang mga programa nito.
Pagtatalakay Ang good governance o mabuting
pamamahala ay tumutukoy sa uri
ng pamamahalang nakabatay ang
Konsepto ng anumang desisyon sa
kooperasyon at pagsang-ayon ng
Good lahat ng mga sektor ng lipunan.
Governance o Pinahahalagahan nito ang
partisipasyon ng mga
Mabuting mamamayan sa pamamagitan ng
Pamamahala pakikilahok sa mga civil society
organization upang isulong ang
prinisipyo ng accountability,
transparency at openness.
Pagtatalakay
Dapat na isaisip na maaari lamang
Sa ganitong paraan ay tinitiyak ng mga masabing may mabuting
pampublikong institusyon na maayos ang
pamamahala o good governance
pangangasiwa sa yaman ng bansa,
napangangalagaan ang mga karapatang kung may kapananagutan at
pantao, malaya ang lipunan sa pang-aabuso katapatan sa panig ng pamahalaan at
at korapsyon, kinikilala ang pananaig ng ang mga mamamayan ay mulat sa
batas (rule of law) at napangangalagaan ang mga gawain ng pamahalaan. Ito ang
kapakanang pampubliko. Sa katunayan, ang pangunahing dahilan kung bakit
lahat ng pakikilahok tulad ng eleksyon, mahalaga ang pulitikal na
paglahok sa civil society at pagkakaroon pakikilahok ng taumbayan.
ng participatory governance ay naglalayong
magkaroon ng isang mabuting pamamahala
o good governance.
Tandaan
Ang pulitikal na pakikilahok ay tumutukoy sa pakikiisa,
pagsama o pagsali ng mga mamamayan sa mga pampublikong
gawain na inilulunsad ng pamahalaan.

May dalawang pangunahing pananaw sa


pulitikal na pakikilahok – tradisyunal at
makabago.

Ang civil society ay tumutukoy sa lipunang pulitikal kung saan


ang mga mamamayan ay aktibong nakikilahok sa mga gawain ng
estado upang makabuo ng matatag at mapanagutang institusyon.
Tandaan
Binubuo ang civil society ng mga kilos protesta, mga lipunang
pagkilos at mga voluntary organization.

Ang participatory governance ay tumutukoy sa pamamahala na


kakikitaan ng pakikilahok ng mga mamamayan at ng iba’t ibang
sektor at organisasyon ng lipunan sa pagpaplano, pagpapanatili,
pagsasagawa at pagtataya ng mga programa at institusyon ng
pamahalaan.

Ang good governance o mabuting pamamahala ay tumutukoy sa


uri ng pamamahalang nakabatay ang anumang desisyon sa
kooperasyon at pagsang-ayon ng lahat ng mga sektor ng lipunan.
Pagtataya
Paglalapat
Maraming
Salamat!
Philippine Copyright 2021 by TechFactors Inc.

All rights reserved. No part of this presentation may be reproduced or copied in any
form, in whole or in part, without written consent of the copyright owner.

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, including icons by Flaticon, infographics and
images by Freepik & Canva.

You might also like