Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO

MORPOLOHIYA
(PALABUOAN)
Ang Morpolohiya pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at
ang pagsasama-sama nito upang makabuo ng salita.

Ito ay makaagham na pag-aaral ng mga morpema o


makabuluhang yunit ng mga salita.

 Pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t


ibang morpema.

Ang salitang morpema ay galing sa salitang morpheme ng wikang


Ingles na hinango naman sa salitang Griyego – morph (anyo o
yunit) + eme (kahulugan).
Morpema ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng
isang salita na may taglay na kahulugan.

Ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ng salita ay yaong


hindi na maaari pang hatiin nang hindi masisira ang
kahulugan nito.

 Ang mga ito ay maaring panlapi , salitang ugat o


ponema.
Mga Anyo ng Morpema sa
wikang Filipino

1.Morpemang Ponema - /a/ at /o/

Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil


sa pagdagdag o pagpapalit ng ponemang /a/ o
kontradiksyon ng o sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na
morpema.

Halimbawa :
Gobernador - Gobernadora
Konsehal - Konsehala
Kapitan- Kapitana
Abogado- Abogada
2. Morpemang Salitang-Ugat
Anyo ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak
na anyo ng isang salita.
Tinatawag ding malayang morpema
Halimbawa:
Indak sayaw sipag payat
Ganda sulat bata bunso
Buti aklat langit lupa
3.Morpemang Panlapi o di-malayang morpema
anyo ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaring
makapagpabago ng kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong
mag-isa.
Ang mga panlapi ay kailangan idugtong sa salitang-ugat upang
magkaroon ng kahulugan.

Maari itong ikabit sa mga pangngalan ,pandiwa at pang-uri.

Kapag ikinakabit sa pangngalan tinatawag itong panlaping


makangalan.

Kapag ikinakabit sa pandiwa tinatawag namang panlaping


makadiwa

Kapag ikinakabit sa mga pang-uri ay tinatawag itong panlaping


makauri.
Mga halimbawa :

Panlaping Makauri
panga+-han= pangahan (Malaki ang panga)
ma + talino = matalino ( maraming talino)
Panlaping makadiwa
sama+-han= samahan (kilos na nagsasaad ng pagsabay sa
iba)
tawag + an = tawagan (kilos na nagsasaad ng pagtawag)
Panlaping makangalan
tinda+han= tindahan (lugar ng pamimili)
sine+han = sinehan (lugar na pinanonooran)

Kilala rin ang morpemang panlapi bilang di- malayang morpema

Bagama’t may kahulugan hindi makikita ang tiyak na taglay na


kahulugan hangga’t hindi naisasama sa isang salitang-ugat.
Morpemang Kahulugan Salitang-ugat Bagong
Panlapi Morpema

ma Pagkakaroon ng bait mabait


katangiang
taglay ng
salitang-ugat

um Pagganap ng awit umawit


kilos

-an Lugar na aklat aklatan


pinaglalagyan

ma- Nagsasaad ng Pera mapera


pagkamarami damo madamo
Dalawang Uri ng Morpema
1.Morpemang Leksikal
May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at
pang- abay.

2.Morpemang Pangkayarian
Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita
sa isang kayarian o konteksto ang mga ito upang
magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa
1. Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang
mga kaklase.

(Ang nang,si,sa at mga ay walang tiyak na kahulugan


subalit ito ay nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na
Pedro, kaklase, naghihintay at pagkatagal-tagal upang
magkaroon ng kahulugan ang pangungusap.)

2. Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni


Pedro.

(Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang


pangungusap, Si pedro ang naperwisyo samantalang sa
pangalawang pangungusap, ang kanyang mga kaklase ang
naperwisyo.)
Pagbabagong Morpoponemiko

Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo


isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing
ponemang (panlapi).
Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaring
yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod
dito
Alomorp ng morpema- pagbabagong nagaganap sa
anyo ng mga panlaping nagtatapos sa ng dahil sa
impluwensyan ng kasunod na morpema.
Alomorp ng morpema
Pagbabagong nagaganap sa anyo ng mga panlaping
nagtatapos sa ng dahil sa impluwensya ng kasunod na
morpema.

Ang panlaping Pang ay nagiging pam kapag ang


unang titik ng salitang inuunlapian ay nagsisimula sa p
at b.
Hal. Pang+bata=pambata; pang+
paaralan=pampaaralan.
Nagiging Pan naman kapag ang unang titik ng salitang
inuunlapian ay nagsisimula sa d,l,r,s,t.

Hal.Pang+ damit=pandamit; pang+ligo=panligo;


pang+radio=panradyo; pang+silid=pansilid; pang+takip=pantakip.

Nananatiling pang kapag ang inuunlapian ng mga panlaping


nagtatapos sa ng ay wala sa mga binanggit na titik sa itaas.

Pareho ang tuntuning ginagamit sa mga panlaping mang, sing,


atbp.
Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko
1.ASIMILASYON-Sakop ng uring ito ang mga
pagbabagong nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong pinal dahil
sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Dalawang Uri ng Asimilasyon

A. Asimilasyong Parsyal o di ganap – pagbabago sa


unang morpema.
Halimbawa: pang + bansa = pambansa
sing + bait = simbait
mang + batas = mambabatas
B. Asimilasyong Ganap – Pagbabago ng kapwa
panlapi at salitang- ugat.
Halimbawa: mang + tahi = manahi
pang + palo = pamalo
pang + takot= panakot
2.PAGPAPALIT NG PONEMA - kapag ang (d) ay nasa
pagitan ng dalawang patinig ito'y pinapalitan ng
ponemang r.

halimbawa: ma + damot = maramot


ma + dunong = marunong
3. METATESIS - pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-
in / kapag ang kasunod na ponema ay ang mga
ponemang (l at/o y).
Halimbawa:
in+ lipad =lipadin = nilipad
in + yakap =yakapin = niyakap
4.PAGLILIPAT-DIIN- kapag ang salitang-ugat ay
nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago ng diin kapag ito
ay nilalapian.
Halimbawa: laro + an = laruan
dugo + an = duguan

5.PAGKAKALTAS NG PONEMA - may nangyayaring


pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
• Halimbawa: takip + an = takpan
•sara + han = sarhan
•laba + han = labhan
•dala + hin = dalhin
6. PAGSUSUDLONG O PAGDARAGDAG -
Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang
hulapi gayong mayroon nang hulaping inilagay sa isang
salitang-ugat.

Ang idinagdagdag na hulapi ay ang dalawa ring uri ng


hulaping –in at –an.
Halimbawa:

totoo + an > totoohan


•totoohan + -an = totoohanan
•alalahan + -in = alalahanin
7.PAG-AANGKOP AT PAG-IISA NG DALAWANG
SALITA - Nangangahulugan ito sa pagsasama ng
dalawang salita at nagpapahayag ng kabuuang diwa ng
dalawang salita, may pagkakaltas pa ring kasama rito.
Halimbawa:

tingnan + mo > tamo


hintay + ka > teka

Naging ta na lamang ang ‘tingnan’ at te ang


‘hintay’.
KAYARIAN NG MGA SALITA
1. Payak - ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat
lamang, walang panlapi at walang katambal ng ibang
salita (Santiago&Tianco)
Halimbawa: ina kapatid bata sulat
anak aral sama hapon

2. Maylapi- -sa pagkakabit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa


isang salitang-ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na
may kani- kaniyang kahulugan.
Tandaan: Ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga
panlapi.
Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag
sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat.
Makikita sa iba’t ibang bahagi ng salita ang mga panlapi:
Posisyon ng Panlapi sa salitang-ugat

a. unlapi: magsimba, umibig, ipagluto


b. gitlapi: sumulat, sinunod, lumukso
c. hulapi: ilawan, suklayan, sambahin
d. unlapi-gitlapi: ibinigay, magsumikap
e. unlapi-hulapi o kabilaan: paaralan, paglutuin,
magyakapan
f. gitlapi-hulapi: sinubukan, pinutulan, sinabihan
g. Unlapi-gitlapi-hulapi o laguhan: magdinuguan,
pagsumikapan
3. Inuulit- -ay maaring ganap, parsyal o magkahalong
parsyal at ganap
-inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig
nito
-may dalawang tatlong uri, ang “pag-uulit na Ganap,
Pag-uulit na Di-ganap at magkahalong Parsyal at
Ganap

a) Pag-uulit na Ganap – inuulit ang salitang-ugat


halimbawa: taon = taon-taon
bahay = bahay-bahay
araw = araw-araw
b.) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap - ang isang salita ay
nasa pag-uulit na PARSYAL kapag ang bahagi lamang
ng salitang-ugat ang inuulit.
Halimbawa:
usok- uusok balita -bali-balita
tahimik -tahi-tahimik kanta – kakanta

c.) Magkahalong Parsyal at Ganap - - kapag ito ay


nilalapian at nang inuulit nang buo ang salitang-ugat.
Halimbawa: sigla = masigla-sigla
saya = masaya-saya
matuto = matuto-tuto
4.Tambalan- ang pagtatambal ng dalawang salitang-
ugat.
-dalawang salitang pinagsasama para makabuo
ng isang salita
-may dalawang uri ng tambalan ang tambalang
ganap at di-ganap.
a.) Tambalang Di-ganap -ang taglay na kahulugan
ng bawat dalawang salitang pinagtambal ay hindi
mawawala o nananatili ang kahulugan
Halimbawa:batang-gubat bahay-ampunan panik-
panaog agaw-dilim
b) Tambalang Ganap- ang dalawang salitang
pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba
kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama. Nagbibigay
ng bagong kahulugan.
Uri ng Tambalan

a.) Tambalang Di-ganap -ang taglay na kahulugan ng bawat


dalawang salitang pinagtambal ay hindi mawawala o nananatili
ang kahulugan
Halimbawa:batang-gubat bahay-ampunan panik-
panaog agaw-dilim.

b) Tambalang Ganap- ang dalawang salitang pinagtambal ay


nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga
salitang pinagsama. Nagbibigay ng bagong kahulugan.
Halimbawa: bahaghari dalagambukid
hampaslupa anakpawis
Mga Uri ng Panlapi

1.Panlaping Makadiwa –Mga panlaping


ikinakabit sa salitang –ugat para makabuo ng
salitang pandiwa.
2. Panlaping Makauri- Mga panlaping
ikinakabit sa salitang-ugat para makabuo ng
salitang pang-uri.
3. Panlaping Makangalan- Kapag ang panlapi
ay ikinakabit sa mga salitang-ugat para
makabuo ng pangngalan.
THANK YOU

You might also like