Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

BALITANG PAMPALAKASAN

KATUTURAN /
PAMAMAHALA SA
BALITANG PAMPALAKASAN
BALITANG PAMPALAKASAN
• Ang pahinang pampalakasan ay may malakas na dating sa malaking
bilang nang mga mambabasa. Ito ay bahagi na ng kasiglahan ng
buhay sa mataas na paraan.
KATUTURAN NG BALITANG PAMPALAKASAN / ISPORT
• Ang balitang pampalakasan / isport ay ang natatanging balita ukol sa
ibat ibang uri nang laro na batay sa tuwirang balita, karaniwang
nasusulat sa paraang aksyon.
BALITANG PAMPALAKASAN
• Isang pagpapahayag ng mga balitang kaugnay sa mga pangyayari sa
mundo ng palakasan. Isa sa pinakamaganda at nakakaaliw na Gawain
pampahayagan
DAHILAN SA PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
1. Maraming nagbabasa ng balitang isports.
2. Ang balitang isport ang nagbibigay aliw sa mga mambabasa
na sawa na sa magulong mundo ng pulitika at mga ulat
krimen.
3. Ang mga manunulat ng isport ay may kalayaang gumagamit
ng mga makukulay na salita.
URI NG BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS
1. Paunang Balita (Advance News)
• Ibinabalita ang napipintong labanan ng mga koponan. Ito
ay naglalaman hinggil sakakayahan at kahinaan ng bawat
manlalaro sa koponan. Tinatalakay rin angkahalagahan ng
larong gaganapin.
2. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)
• Ito ay naglalahad ng mga kaganapan sa laro
PARAAN SA PAGSULAT NG BALITANG
PAMPALAKASAN/ISPORTS
1. Isinulat ito katulad ng pagsusulat ng pangkaraniwang balita.
2. Inuuna rin sa pagsulat ng isport ang malaking pangyayari sa
pamamaraang baligtad na piramide (inverted pyramid).
3. Gumagamit ang isang isport writer ng mga salitang makukulay at
buhay.
4. Laging nasa patnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang
pumupukaw o umaakit sa mambabasa.
5. Kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketball/
softball ay huwag kalimutang banggiting ang nagpanalo sa laro.
6. Sa pagsulat ng balitang isport ay ipinakita kung bakit hindi
nanalo ang isang koponan.
7. Hindi nawawala sa pamatnubay ng ASSKaBa at higit sa lahat
papaanong nanalo.
8. Isinusulat sa paraang madaling mauunawaan ng
mambabasa.
KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG ISPORT WRITER.
*May kaalaman siya sa isport na kaniyang tatalakayin. (basic
sports rules).
*Marunong siyang gumagamit ng lenggwahe ng isport.
*Marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong
napanood.
KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG ISPORT WRITER
*May kaalaman siya sa isport na kaniyang tatalakayin. (basic sports rules).
*Marunong siyang gumagamit ng lenggwahe ng isport.
*Marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong napanood.
*Kritikal siya sa larong napanood at marunong mag-analisa ng mga talang nakuha
sa laro.
*Hindi siya makiling "BIASED" sa alinmang team na ikokober kahit ang nabanggit
na team ang kanyang paborito.
*Mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro.
*Kailangan matalas ang mata sa maliit na detalya na nangyayari sa laro.
PAYO SA MGA NAGSISIMULANG MAGSULAT NG ISPORTS
*Mag-ipon ng ibat ibang artikulong mula sa ibat ibang pahayagan /
magasin.
*Basahin at pag-aralang mabuti upang makabuo ng sariling istilo sa
pagsulat.
*Gumamit ng mga mapwersang salitang hahatak sa interes ng
mambabasa.
*Sanayin ang sarili na ang dalawang mahabang pangungusap ay gawing
isang maikli at maliwanag na pangungusap na buo ang diwang
ipinahayag.
*Maaring sundin ang istilo ng isport write na inidolo hanggang
magkaroon ng sriling istilo sa pagsulat.
PAMAMAHALA SA BALITANG PAMPALAKASAN O ISPORTS
1. Magkaroon ng maayos na paglalarong pampalakasan.
2. Makapag-ambag tungo sa pagiging maginoo.
3. Hikayatin ang paglalathala ng balitang pampalakasan na makapagbigay ng kalutasan
upang maipabatid ang mga pangyayari para sa interes ng mga mambabasa.
4. Magkaroon ng ibat-ibang materyales hinggil sa mga pangyayaring pampalakasan.
5. Maglathala ng paunang balita.
6. Gumamit ng mga karikatura, mga larawan at mga ilustrasyon.
7. Kung ito ay mahalaga, buuin ang balita sa pahinang nakalaan ditto at bigyan-diin
sa(pangmukhang pahina.)
8. Habang naglalaro ng pangunahing (sports) tulad ng basketball, football at softball, huwag
kaliligtaan ang iba pang balita ng pampalakasan tulad ng tennis, swimming, bowling, ping-
pong, badminton, bowing at wrestling.
PAMAMARAAN SA PANGANGALAP NG ULAT SA BALITANG
PAMPALAKASAN
1. Bago Maglaro (Before the game)
a. Kapanayamin ang mga taong may kinalaman sa gaganaping palaro.
b. Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok, ang kanilang numero
sa harap at salikod, tungkulin sa laro, timbang, taas, atpb.
c. Dumalo sa mga pagsasanay upang makilala ang mga manlalaro at
ang tagaturo (coach).
d. Itala ang mga nakuhang datos na magagamit sa pagsulat ng balita.
2. Kasalukuyang Laro (During the Game)
a. Kumuha ng isang magandang pwesto upang walang
makaligtaan sa mga tampok namga pangyayari.
b. Itala ang mga kapana- panabik, mahalaga at di- inaasahang
pangyayari. Talasan ang paningin sa mga mahahalagang laro
at pangayayari.
3. Pagkatapos ng Laro (After the Game)
a. Kunin ang opisyal na iskor sa mga kinauukulan.
b. Kapanayamin ang tagaturo (coach) o ang tanging manlalaro
upang makuha angkanyang palagay sa laro.
c. Alamin ang panloob na kaganapan tulad ng dahilan ng
pagkapanalo o pagtalo ngmanlalaro.
HANGGANG DITO NA
LANG!
MARAMING SALANAT
- MICHAEL / ALEXA

You might also like